"sana kasi nakikinig yung isa dyan, 'no?" pagpaparinig ni Chester
nandito kami ngayon sa White Bench para pag-usapan ang summer get away namin. January palang pero summer break na agad nasa utak nila
"hayaan niyo na, ngayon nalang ulit nagkaroon ng manliligaw" Bea said as she emphasized the word 'manliligaw' she's sitting beside me, napaangat ang tingin ko sakanila, i'm busy chatting with Ian. Papatulong daw siya to surprise Bea sa Valentine's Day. Excited masyado e.
"ano nga ulit sinasabi niyo?" sabi ko sakanila bago ko tinago ang phone ko, baka makita ni Bea na si Ian ang kausap ko, masira pa ang surprise namin.
"ang sabi namin, bawal jowa sa outing" sabi ni Chester
"ganun naman lagi, diba?" sabi ko. Every year kasi pumupunta kami sa beach to have our sweet escape and no Jowas allowed talaga ang number 1 rule namin.
"so saan ang destination natin this year?" tanong ni Melo na kumakain ng corndog
"try natin sa Divilacan?" i suggested. Nakikita ko kasi sa feed ko na maganda ang beach sa Divilacan, Isabela and marami pang pwedeng puntahan
"ay bet! ganda ng view 'don" excited na sabi ni Bea
"may pwede bang pagtulugan 'dun? diba di pa masyadong developed ang tourism sa Divilacan?" tanong ni Chester tapos nilabas niya ang phone niya para mag-search about the place
"gusto ko yung honeymoon island, sana all puso" sabi ni Melo na ngayon ay umiinom na ng tubig. Heart shape kasi yung honeymoon island sa divilacan, di ko lang sure kung pwedeng mag-stay 'don overnight
"kung sa Divilacan tayo, ilang days tayo magi-stay 'don?" tanong ko habang nakahalumbaba.
"3 days 2 nights?" patanong na sagot ni Chester
"pwede bang 2 days 1 night nalang?" pagsu-suggest ni Melo, tumingin kaming lahat sakanya "uwi ako samin! miss ko na sila Mama" pagdedepensa niya sa sarili niya
"Mama mo?" Chester as he looked at Melo then he raised one of his brows
"Mama ba talaga?" paninigurado ko habang nakahalumbaba then i pursed my lips and raised both of my brows, not buying her excuse.
"Mama mo o yung anak mo?" Bea tapos pinanliitan niya ng mata si Melo. She's pertaining to Melo's kiddie meal boyfie. Natawa kaming lahat sa sinabi ni Bea
"grabe yung anak, 2 years lang naman gap!" sabi niya tapos sumandal siya sa bench na kunwari nagtatampo
"anak mo 'yon! pinapa-suso mo e" hirit ni Bea, mas lumakas ang tawa namin. Punyeta ka talaga Bea, pasmado bibig mo bui!
"ang baboooy!" Melo said as she leaned her upper body against the table to grab Bea's hair, their sitting parallel to each other
"huwaw! birjin?!" pang-aasar pa ni Bea habang inaayos ang buhok niyang nagulo dahil sa sabunot ni Melo
"oo!" proud na sabi ni Melo as she cossed her arms above her chest "1 month ago" dugtong nito at sabay nag-flip ng hair.
YOU ARE READING
Ethereal Haven
Ficção GeralLight Series #1 People tend to search for something that's impossible to find. They crave for something that they can't possibly have and It's always a game of luck to find someone that can be your Ethereal Haven.