23

35 2 0
                                    

"anong feeling na uuwi na tayo bukas?" excited na tanong ni Melo


"haven!" sigaw ni Chester, nandito kami ngayon sa hotel room namin at nakiki-room muna sina Chester at Harvey


after how many months! makakauwi na kami! 1 week nalang graduation na! Nakaka-excite, pero mas nakaka-excite umuwi bukas dahil 1st anniversary na namin ni Zach at 'di niya alam na bukas na ang uwi namin


"oy! advance happy 1st anniversary sa inyo!" pagbibiro ni Bea tapos hinagisan niya ako ng unan, sinalo ko 'yon bago ako nagsalita


"egg zoited?!" 


"tangeks! baka 'di mo mabasa yung greetings ko bukas sa sobrang busy niyo" she said, emphasizing the word 'busy' i rolled my eyes at them when they laughed


"gosh! sana all!" natatawang sabi ni Melo


oo nga pala, graduate na sila Zach, ang sad lang kasi 'di kami naka-attend ni Bea sa graduation nila but it's okay since napanood naman namin sa Live broadcast ng page ng school nila ang Graduation Ceremony nila


"tara nomi? pwede naman na nating gawin gusto nating gawin e" sabi ni Harvey habang naghahanap ng pwedeng mapanood


"hoy! dahan-dahan sa paglipat, baka sa iba mapunta" pagbibiro ko


"yun nga hinahanap ko e" sagot niya naman


"luh?! baboy!" sigaw ni Chester tapos binato niya ng unan si Harvey


"napaka-immoral" natatawang sabi ni Bea


gumala lang kami buong araw, i bought gifts for Zach since wala na akong time to buy gifts for him tomorrow, gabi na kasi kami makakauwi at dederetso na ako sa Apartment niya after kong magbaba ng mga gamit sa bahay, he gave me his spare keys kaya i'm free to enter whenever i want


paglabas namin sa airport ay pumunta na kami sa parking para kunin ang kotse ko, ihahatid ko pa 'tong mga hangal kong kaibigan sa mga apartment nila, bago pa kami makapasok ng sasakyan ko ay sinimulan na nilang mang-asar ulit


"okay, batiin na natin si Alazne habang may oras pa" pagbibiro ni Chester, napakagago talaga


"hinay-hinay, may bukas pa" sabi ni Harvey tapos tinapik niya ang balikat ko


"may pinuslit ako sa bag mo, proteksyon" sabi ni Bea tapos kumindat pa, nanlaki naman ang mata ko at hinampas ko ang braso niya. Pinagpatuloy lang nila ang pang-aasar sakin hanggang sa maihatid ko na sila isa-isa


"my gosh, sa wakas" i mumbled to my self upon entering our house, i missed this! Malinis ang bahay na nadatnan ko dahil sinabihan ni Papa ang dati naming helper na pumunta rito para maglinis habang nasa-OJT ako


inakyat ko muna ang luggage ko sa kwarto ko, mamaya na ako magu-unpack dahil gustong-gusto ko ng makita si Zach! I checked my phone to see if i got some message, kaninang umaga pa kasi ang last message ni Zach sa'kin at di niya pa ako binabati, baka nakalimutan niya? or he has something under his sleeves?

Ethereal HavenWhere stories live. Discover now