28

26 2 0
                                    

"kailan balik mo sa Canada?" tanong ni Melo habang nagluluto ng popcorn


"next week" sagot ko naman bago uminom ng juice


"tuloy natin yung outing natin na tinakbuhan mo" sabi ni Chester tapos hinila niya ang buhok ko, natapon tuloy ang juice sa table


"sorry na nga ih!" sabi ko habang kinukuha ang inaabot ni Bea na pamunas


"ano? wala na talaga?" tanong ni Bea tapos dumakot siya ng popcorn, it's been a week since Bea and Ian's wedding, di ko pa sinasabi sakanila na okay na kami ni Zach, and speaking of Zach, nasa Florida siya ngayon.


I get some popcorn and stuffed it in my mouth, refusing to answer Bea's question


"tama na yan, Bea. Nasasaktan na siya" natatawang sabi ni Harvey, tinignan ko lang siya habang ngumunguya. Nandito kami ngayon sa living room ng bahay namin, akala ko ay mag-eenjoy ako buong araw pero akala ko lang pala yun.


"wala kang balak mag-change ng airline?" tanong ni Chester


"nagrerecruit ba airline niyo?" tanong ko sakanya pabalik


"lipat ka na sa'min para magkakasama tayo ulit" Melo said while wriggling her brows at me, nasa iisang airline lang kasi sila ni Chester, si Bea at Harvey naman ay Chef na sa kani-kaniya nilang restaurant


"tangeks, depende parin sa sched" sabi ko


"at least we're carrying the same airline" maarteng sagot ni Chester


"ay! taray! pano muna yung carry?"pampipikon ni Melo


"alam mo ikaw, Melo? sa next flight na'tin bubuksan ko talaga yung emergency exit para maitulak kita palabas ng eroplano" nanggigigil na sabi ni Chester at pinisil pisil niya pa ang braso ni Melo


they stayed until the sun sets, hinihintay daw kasi sila ng mga partners nila. Sana all diba? ano kayang feeling ng hinihintay ka ng taong mahal mo sa pag-uwi mo?


"ahh, ganyanan pala a?" i said while looking at my friends, arms crossed above my chest. Kadarating ko lang sa airport at nagulat ako sa bumungad sa'kin


"sorry na" sabi ni Bea at nag-peace sign pa ang gaga, katabi niya si Ian na nakangiti lang sa'kin


"malay mo naman makahanap ka ng partner mo sa beach" Chester said, Kristof's hand is wrapped around his shoulder


i looked at Melo who's holding her boyfriend's hand, ngumiti lang siya sa'kin "Si Harvey?" tanong ko


"yow!" sigaw ni Harvey kaya napalingon kami sakanya, napasapo ako ng noo "ay? walang partner?" turo niya sakin habang tumatawa, nasa tabi niya ang girlfriend niya


"ang saya mo, 'no?" i sarcastically said, narinig na namin ang pre-boarding announcement kaya naman pumila na kami para makasakay na sa eroplano, nakatunganga lang ako since di ako makasilip ng mabuti sa labas, aisle seat pa ngaaa! biglang huminto ang meal cart sa tabi ko.

Ethereal HavenWhere stories live. Discover now