"last skills olympics, nakilala ni Alazne si Zach. Sana this year makilala ko na yung sakin" sabi ni Pammy habang nilalagyan ng glitters yung letter standee na idi-display sa taas ng stage
"sus, tapos pag nandyan na de-deadmahin mo" pambabara ni Kaye habang tinutulungan si Pammy maglagay ng glitters
nandito kami ngayon sa apartment nila Jubelle para mag-final retouch sa mga decor na ginawa namin for tomorrow's Skills Olympics, it's been a year since Zach and I met. Grabe ang bilis ng panahon.
"sasali nanaman ba si Zach sa virtual tour guiding?" tanong ni Chester, busy nanaman siyang gumawa ng script niya, very emcee everytime na may event
"oo, nagrereview na nga siya e" sabi ko
"hoy! baka sinabi mo kung anong mga nilagay nating places a?" pambibintang ni Bea sakin
"hoy! hindi ako taksil, duh?" pagdedepensa ko, nag make face lang si Bea sakin tapos tinuloy na niya ang ginagawa niya
quarter to 11PM na nang makauwi kaming lahat, kailangan naming matulog ng maaga dahil paniguradong made-drain nanaman ang energy namin bukas at sobrang aga ng call time. I messaged Zach before going to sleep.
To: Zach
good luck for tomorrow's event! i love you. Good night
'di ko na nahintay ang reply niya dahil pakiramdam ko ay napagod ako ng sobra today kaya di ko namalayang nakatulog na ako.
it's 5:30AM and i'm preparing my breakfast, di pwedeng di ako magbreakfast dahil manghihina ako. I took a bath after eating my breakfast then i looked for my Club Polo Shirt, last year our club shirt is color grey, this year it's dark green, i tucked it in a mom jeans and put a black belt on. I let my hair down and wore my thin green patterned hair scarf. Nag-powder at tint lang ako and sprayed some perfume then i wore a pair of white slip on shoes before i locked the door
it's already 7AM when i arrived at school, si Chester palang ang nadatnan ko sa Students Center
"yes naman! aga natin a?" pang-aasar niya sakin
"duh? kailan ako nalate 'pag may event?" i fired back "samahan mo 'ko sa office, hiram ng projector" sabi ko saka ko siya hinila, pagbalik namin sa SC ay inaayos na ni Bea ang table for registration
"gorl, galingan mo ang paglalagay ng period sa tabi ng names 'kay?" pagpapaalala ni Chester, nakaugalian na naming makakita ng dot sa tabi ng names ng mga poging sumasali sa events dahil kay Bea, tapos, after ng event kukunin namin ang attendance sheet at sabay-sabay ise-search ang mga names.
iniwan ko na silang dalawa roon at saka ko sinet-up ang projector, inaayos naman na na Kaye ang sound system at mic, walang nagbago sa Job Description namin, kung san kami assigned noon, doon din kami assigned ngayon.
after kong maset-up ang projector ay nagpulot-pulot muna ako ng mga kalat at nag-ayos ng mga upuan, binabati ko na rin ang mga ibang estudyanteng nakakasalubong ko. Nang wala na akong magawa, pumunta muna ako sa registration table para umupo

YOU ARE READING
Ethereal Haven
General FictionLight Series #1 People tend to search for something that's impossible to find. They crave for something that they can't possibly have and It's always a game of luck to find someone that can be your Ethereal Haven.