19

32 2 0
                                    

"this. is. it! my gosh, Nie! kinakabahan ako" Bea said as she hooked her arms into mine, nakaupo kami ngayon sa bleachers ng Univ Gym. Kinakabahan din ako pero mas pinapakaba ako ni Bea, mygosh!


"kaya natin 'to, pang-apat na beses na natin 'to. Last SBAHMFest na natin 'to Bea" i told her bago ko siya nilingon, she pouted when she realized that this will be our last SBAHMFest.


"hoy ang sad nung 'last SBAHMFest na natin 'to' parang nawala yung kaba ko, napalitan ng lungkot" she said while pouting, i just frowned at her, drama queen.


"tangeks, kabahan ka na. Tayo na sunod!" i said then we heard our team's name, that means we need to climb up the stage and perform. Kailangan naming galingan and most importantly, kailangan naming mag-enjoy 'cause this will be our last.


after namin magperform, nagpalit na kami ng casual wear namin and then we cheered for Melo. Apakaganda talaga ng babaeg 'to, kahit saang anggulo purfect, marupok nga lang. We yelled our chant after ng performance nila Melo at sinalubong namin siya pababa ng stage


"nagkamali ako, punyeta" she said tapos kinuha niya sa kamay ko ang bag niya


"di naman halata, nabawi ng smile" pagcocomfort ni Bea kay Melo, sinamahan namin siyang magpalit tapos umupo na ulit kami sa bleachers


"gusto ko ng mag-picture sa photo booth pero wala si Chester" pagrereklamo ni Bea habang pinapanood namin ang performance ng ibang course


"dakilang emcee ang bakla, wala tayong magagawa" sabi ko sabay labas ng phone para i-video ang pagmumukha ni Chester na nakatingin sa kawalan tapos sinend ko sa GC naming magkakaibigan


"this has been Chester Martinez, your emcee for today, now signing off. Again, congratulations to all teams for giving their best, you made our SBAHMFest more enjoyable and memorable. Have a good night everyone!" Chester said then the operator played a music that hyped the students


nagsisigawan ng "HM/TM nambawan" ang mga ka-course namin, kami nanaman kasi ang overall champion. Chill, kami lang 'to.


we took some group pictures on stage tapos nung nakita na namin si Chester, hinila na namin siya sa photo booth para makapagpicture na kami. Di nanaman namin mahagilap si Harvey kaya kaming apat lang muna ang nagpicture


"ay! taray! kinalimutan ako" sabi ni Harvey after we took some photos


"kung san-san kasi napapadpad!" sabi ko saka ko siya hinila para makapasok siya sa frame


"uy sorry a? may mga nagpapa-picture sakin e" pagmamayabang niya habang inaayos ang damit niya saka tumingin sa camera


"ay gwapooo!" sabi ni Melo. Gwapo naman talaga si Harvey and he's jolly kaya may mga nagkakagusto sakanya, lagi nga namin siyang ipinapain sa mga prof naming may crush sakanya.


"ginawa akong photographer, pota" sabi ni Harvey bago siya ngumiti sa camera, that made us laugh.

Ethereal HavenWhere stories live. Discover now