07

54 2 0
                                    

"ano ang IATA code ng Roxas?"


"RXS!"


"e ang Busuanga?"


"USU"


"e ang Legazpi?"


"LPG! ay char! LGP pala!" nagtawanan kami sa sagot ni Jubelle, nandito kami ngayon sa White Bench, isa sa mga sikat na tambayan dito sa SPUP, white bench ang tawag because white ang benches at tables na nandito, may free access sa wifi for 30mins. at free sight seeing sa mga SITE student since katapat lang ng white bench ang building ng mga I.T at engineering students.


"LPG, gasul ka gorl?!" sabi ni Melo habang nagpupunas ng luha niya sa kakatawa. Nagrereview kami for our finals and we've decided to have a group review here at white bench while waiting for our next exam


kaso, very wrong idea na mag group review kami kasi ang ending neto magchichikahan at magtatawanan lang kaming lahat, makakaistorbo pa kami sa mga totoong nagrereview.


"thank you Lord, natapos din!" sigaw ni Bea as she stretched her arms for a little celebration


"Paskuhan is waving!" sabi ni Melo while skipping as she walks


"sana all chill lang sa Paskuhan" sabi ko while pouting, naglalakad na kami ngayon papuntang gate


"booth pa more!" sabi ni Chester tapos tumawa siya


"officer pa more!" pang-aasar naman ni Harvey


bago kasi ang finals namin, sinabihan na kami ni Ma'am Joy na magprepare ng booth namin this coming Paskuhan. Magbenta daw kami ng pagkain na kami mismo ang nagluto since inclined daw ang course namin doon


"dagdag problema pa 'tong tickets ng Battle of the Bands na bigay ng PSG sakin" pagrarant ni Bea. Lahat kasi ng secretary ng iba't ibang club sa department namin ay binigyan ng tickets na ibebenta


"edi ibenta mo sa Louisian mo" i said with a teasing voice. Bea glared at me as if i said something wrong


"huwaw! ako lang ba may Louisian dito?" she sarcastically said as she placed her hand on her chest, feeling accused of something.


"sapul! di ka nakailag! Bea for threeee points!" sabi ni Chester at ginaya pa ang tono ng announcer sa basketball. Patuloy lang ang pag lolokohan namin hanggang sa makalabas na kami ng school. We bid our temporary goodbyes as we head home


i was planning to sleep early tonight since we have to go to school early tomorrow to plan for our booth. 1 week nalang bago ang opening ng Paskuhan kaya we need to rush everything. Di na kami nag-usap ni Zach after ng nangyari sa mall kasi wala naman kaming dapat pag-usapan.


"sunod ka sa baba after mo magpa-sign" sabi ni Bea sakin. Nandito kami ngayon sa 2nd floor ng SP Building para magpapirma ng yellow card namin, it will serve as our attendance during the entire paskuhan.


first day ng paskuhan ngayon, ang daming booth sa NSTP park meron na ring mga rides sa field ng school pero wala pang activities since mamayang gabi pa talaga ang Opening at bukas pa officially magi-start ang mga contested events.


nililinis na namin ang aming booth dahil it's time for us to witness the lighting of lights. Pumunta kami sa tapat ng St. Pio Building dahil may mini play about the birth of Christ, after ng play ay nag-start na ang countdown tapos sabay-sabay nag-open ang mga Christmas light sa buong university.


It was so breathtaking because we can really feel the essence of Christmas lalo na pag nakikita namin ang ilaw sa loob ng Our Lady of Chartes Chapel na naka-locate sa gitna ng University namin.


Ethereal HavenWhere stories live. Discover now