01

90 5 10
                                    

"mare! ang gwapo talaga nung taga St. Louise!"


"may jowa kaya yun?"


"kung wala, ako nalang"


"may isa pang gwapo ih taga ISAP"


it's been a week and di pa rin nakaka-move on 'tong mga hudas kong kaibigan sa mga gwapong nakita nila noong skills olympics. Nandito kami ngayon sa Nancy's Square para mag-lunch, isa siyang kainan outside our school


"oh my gosh!" napatingin kaming lahat kay Chester


"ang yummy mga mareee!" sabi niya sabay pakita samin ng picture ng lalaki. He's just wearing a beach shorts while looking away from the camera exposing his manly side profile


his jaw is so sharp, pwede ng mag-slide sa ilong niya and pwede na sigurong mag-chop ng karne sa abs niya, ang sexy pucha


"sino yan?" tanong ko


"mygooosh yung Louisian na nag-virtual tour! yung kumausap sayo" sabi ni Bea while giving me a meaningful look


tignan mo 'tong gagang 'to, nakita niya kasi yung nangyari and simula nun binibigyan niya na ng meaning lahat. Before kasi magperform si kuyang Lousian he looked at me and smiled tapos habang nagfa-facilitate ako sa cooking showmanship nahuhuli ko siyang tumitingin sakin and nahuhuli rin siya ni Bea na nakasunod ang tingin sakin


"abaaa! talaga namang inistalk niyo agad" sabi ko


"syempre a! dami niyang frenny na yummy rin" sabi ni Chester


"imposibleng di mo inistalk?" tanong ni Bea sakin


"hindi, di ko naman alam pangalan niya 'no" sabi ko, totoo namang di ko siya inistalk at di ko talaga alam pangalan niya kasi di ko na tinanong kay Bea magbibigay nanaman ng meaning yun e. Siya kasi Secretary namin and siya ang naghandle ng registration so alam niya lahat ng pangalan ng mga poging nag-attend sa event. Perks of being an officer.


"ay? ano ba yan? pano ka madidiligan pag ganyan ka kabagal?" tumatawang sabi ni Melody


"alam mo ikaw Melo? Tuyot na tuyot ka na siguro. Puro dilig nalang bukambibig mo" sabi ko sakanya sabay hampas sa braso niya


"duuuh! walang pasok ng 1 week, uuwi ako para magpadilig" sabi niya while rolling her eyes. Taken na kasi 'tong babaeng 'to and almost 3 years na sila ng jowa niyang Senior High. Mahilig sa Kiddie Meal


"ay sana all!" sabi ni Bea at Althea


"ay bakit? di ka magpapadilig Althea?" tano ni Bea


"nasa Maynila gaga! sayang" sabi ni Althea at bigla siyang sumimangot. She's in a Long Distance Relationship sa jowa niya and 1 and a half year na silang in a relationship


nagpatuloy lang ako sa pagkain ko nang bigla nanamang napa-oh my gosh si Chester. 'tong baklang to malapit ko ng sapakin, kanina pa siya stalk ng stalk di nalang muna magfocus sa pagkain niya


"eto na mango shake mo" sabi ni Tita Singles sabay lapag ng shake sa tabi ko, Tita Singles tawag namin sakanya since 'singles' ang name ng stall niya, i smiled and said thank you. Kukunin ko na sana ang shake para makainom na pero biglang hinablot ni Harvey at siya ang uminom


"kabibili ko lang puñeta ka" sabi ko at binatukan ko siya ng malakas. Kala ko ay titigil na siya sa kaiinom pero di siya huminto kaya naman tumayo ako and i headlocked him


Ethereal HavenWhere stories live. Discover now