"paabot ng fairy lights please?" sabi ko while standing on top of a chair, we're currently decorating Alfresco for the Valentine's Dinner. Inabot ni Bea sakin ang lights saka ko ito ipinulipot sa poste ng isa sa mga gazebo dito sa Alfresco.
"guys! dalian niyo ng magdecor para makauwi na muna tayo para makapag-palit" sigaw ng isa sa mga classmate naming tamang lakad lang habang nagdedecor kami. 4:30PM na kasi and 6PM ang start ng event.
"sa apartment nalang tayo nila Melo mag-ayos" pagsu-suggest ni Bea, dinala na kasi namin ang Hospitality OJT uniform namin, White longsleeves button down polo tucked in a black pencil skirt na may thin linings tapos yung printed scarf na itatali namin ng pa-ribbon sa kwelyo ng long sleeves polo namin.
"sigi, pa-plantsa na rin" sabi ko naman, medyo 'di maayos ang pagkakatupi ko sa uniform ko kasi nagmamadali akong pumasok kanina.
From: Ian Ezekiel
san na si Bea? kasama mo pa rin siya?
eto namang si Ian, pang-ilang beses na niyang natanong kung nasan na si Bea
To: Ian Ezekiel
kakadating ulit namin dito sa Alfresco, anong oras ka ba pupunta dito?
"woy! mamaya na yang ka-chat mo" pagsusuway ni Bea sakin, may hawak siyang walis tambo kakatapos magwalis ulit.
"saglit! 5 minutes" sabi ko, inambahan niya ako gamit yung walis tambo na hawak niya, umilag naman ako kahit na alam kong di niya talaga ako papaluin.
"hoy! yung frenny niyo di na matigil sa ka-chat niya" sigaw niya kanila Melo at Chester na naga-adjust ng pwesto ng table napkins
"LQ lang kayo ni Ian e, pag LQ niyo sakanya ka lang magalit, wag mo 'kong idamay" pang-aasar ko sakanya. Part sa plano ni Ian na galitin si Bea ngayong araw para daw cute. Daming alam, nakakainis.
From: Ian Ezekiel
sabihan mo ko pag patapos na event niyo, saka ako pupunta dyan
nag-thumbs up nalang ulit ako tapos tumulong na sa final set-up. Nagsisidatingan na ang mga costumer, nagpapapicture pa ang iba sa photobooth namin bago sila pumasok.
"good evening, Ma'am, Sir. Welcome to Alfresco Restaurant" bati ko sabay abot ng red rose. Ako kasi in-assign nila na mag-welcome ng costumer, si Chester at Harvey ayun taga-assist papunta sa upuan nila. Tapos si Melo at Bea nasa buffet table.
para akong sirang plaka dito sa entrance, ang sakit na rin ng panga ko kaka-ngiti pero wala akong karapatang magreklamo, i signed up for this. Nang wala ng costumer ay medyo nakahinga na ako ng malalim
"Alazne!" biglang tawag ni Gio sakin kaya tumingin ako sakanya tapos clinick niya ang camera niya sabay tumawa ng malakas. Tangina Gio, iba nalang sana kinuha naming photographer. Pumasok siya sa entrance tapos nilagpasan ako na para bang wala siyang ginawang katarantaduhan sakin.

YOU ARE READING
Ethereal Haven
General FictionLight Series #1 People tend to search for something that's impossible to find. They crave for something that they can't possibly have and It's always a game of luck to find someone that can be your Ethereal Haven.