16

35 2 0
                                    

"feeling ko ngayong gabi ko na mahahanap si the one" Chester said while fixing the sleeves of his polo


we're inside the guest house, may pa-beach party si Jarius para sa late birthday party celebration niya and friends niya pala lahat ng nandito sa resort nila. He invited Harvey since they're childhood friends tapos kapal ng mukha ni Harvey na sabihing nagpa-reserve siya


"scam talaga 'tong si Harvey, muntik na akong maniwala na siya talaga nagbayad ng reservation" sabi ni Bea habang nakaharap sa salamin at nag-aayos ng buhok


"de, sakto kasi sa sched natin yung party so ayun sinama ko na rin kayo. Hashtag Tipid Tips" sabi niya at nagform siya ng hashtag using his fingers


"hoy Chester, siguraduhin mong dito ka matutulog at 'di sa ibang guest house" sabi ko kay Chester


"ay? parang ako lang nagsabi sa inyo nyan kanina a?" sabi niya at tinignan ako ng masama


"boomerang, bitch" i said as i rolled my eyes at him then i applied some liptint. I'm wearing a beige knitted halter bikini top and a maong high waisted shorts. Bea is wearing a white tube and a dark blue floral boho shorts, Melo on the other hand is wearing a black bikini top paired with a black high waisted shorts underneath her white see through dress ending inches above her knees.


"ay! taray!" sabi ni Harvey nang makita niya ang ayos naming tatlo, tinignan lang namin siya at nag-pose ng parang model sa harap nila ni Chester


"kasuya! tara na nga" sabi pa neto bago lumabas ng pinto, ang kapal talaga ng mukha


medyo marami ng tao sa labas, and woah! they're wild! some are dancing already while holding their glasses and canned beer. Now this is a beach party.


"sosyal, may pa-dj at disco light" sabi ni Melo na nasa tabi ko


"shocks gorl! nakikita mo ba ang nakikita ko?" Chester said as he hooked his arm into mine, so i looked at him "daming yummers!" sigaw pa neto. Parang iba kutob ko rito a?


"you and your hawk eye, bitch" i said as i chuckled at him


"uy! nandito na pala kayo" salubong ni Jarius samin, he's holding a glass of margarita. Naki-high five siya kay Harvey at nakipagbeso siya samin. Binati namin siya bago kami kumuha ng drinks namin at umupo


"wag muna kayong lilingon agad" sabi ni Bea habang may tinitignan, sabay-sabay kaming tumingin sa direksyon ng mata niya


"mga bobo! sabing wag lilingon agad e" gigil na sabi ni Bea, she gestured us to come closer para mas marinig namin ang sasabihin niya


"cutie nung naka sky blue na polo" kinikilig niyang sabi


"ahhh, yung naka-sky blue?" sabay-sabay kaming napatingin kay Ian na nakisali sa kumpulan namin. Agad naman kaming napaupo ng maayos at nagkunwaring walang nangyari. He's now standing straight, arms crossed above his chest while looking down at Bea

Ethereal HavenWhere stories live. Discover now