13

49 2 0
                                    

tahimik kaming kumakain dito sa Nancy's Sqaure nang biglang nagsalita si Chester


"di na ako natutuwa, ako nalang single!" sabi niya tapos sinabunutan niya ang kanyang sarili


"ligawan mo na kasi, Harvey" pang-aasar ni Bea


"pag tropa, tropa lang" sabi ni Harvey sabay kain ng kalamares niya, natawa naman ako sa naging reaction ni Chester sa sinabi ni Harvey.


"tamang tawa ka naman dyan, gaga" sabi ni Chester sakin nang mapansing tumatawa ako, napatakip tuloy ako ng bibig ng wala sa oras.


"kayo na ba?" pagtatanong ni Melo habang umiinom ng shake, i looked at her and shook my head while smiling with my lips closed


"kailan mo balak sagutin?" tanong ni Bea bago siya kumagat sa fried oreo niya.


"sus! maniwala kayo dyan kay Alazne? Kaya naimbento yung 'sempol mga pa-fall' dahil sakanya e" biglang singit ni Harvey, tinignan ko siya ng masama


"wag mo 'kong itulad sayo, Harvey" i said then rolled my eyes at him, he just made face sabay kuha ng shanghai ko. napaka-immoral talaga. i looked at Bea to answer her question.


"baka after this sem? ilang weeks nalang naman finals na" i said then sipped on my juice


"ang bagal, sis!" pagrereklamo ni Chester


"ayaw mo 'nun? di ka nag-iisang single" sabi ko na natatawa pa


"kung wala kang balak sagutin si Zach, akin nalang siya" hirit pa niya, nabato ko tuloy ng crumpled tissue


di kami nagkita ni Zach for 2 weeks, di rin kami masyadong nakakapag-usap ng matagal unlike before kasi busy din siya para sa finals nila.


i badly miss him, nakaka-miss din pala yung mga biglaang banat niya. i sighed while thinking about him kaya napatingin sakin sila Chester. Kakatapos kasi ng class namin at palabas na kami ngayon ng school


"stress na stress ka na ba gorl?" natatawang tanong ni Chester sakin


"parang gusto ko nalang maging bato tapos magpasipa ng malakas para makalayo-layo muna sa events" sabi ni Bea. Kala nila iniisip ko yung about sa final exam namin, pinapagawan nanaman kami ng event pero this time, involved na ang buong population ng Hospitality and Tourism students.


"gosh! matapos lang talaga 'tong sem na 'to, hello Divilacan na!" excited na sigaw ni Chester


napangiti ako nang mabanggit niya ang summer destination namin, pati tuloy ako na-excite bigla


"baka 'tong sem na 'to tatapos satin" sabi ni Bea bago tumawa


"punyeta, wag ganon!" sabi ni Melo tapos hinampas ang braso ni Bea


"tara kanila Alazne" biglang pag-aaya ni Melo, napatingin kami sakanya "tara nomi" dugtong pa niya


we all frowned at her, nakakapagtaka na siya ang unang mag-aayang uminom. I looked at Bea and Chester then we nod at each other. Siguro, Melo has a problem, kaya siguro kaninang lunch pa siya wala sa mood.


"ano kayang problema ni Melo?" biglang tanong ko kay Bea at Chester


"malay ko? lakas pa ng tawa niya kahapon e" nagtatakang sagot ni Chester habang nilalapag ang mga plato sa dining table ng kusina namin. Inutusan namin si Harvey at Melo na sila na ang bumili ng iinumin namin.


Ethereal HavenWhere stories live. Discover now