Sino tong humahabol sakin ?tumatakbo ako sa isang masukal ng gubat takbo lang ako ng takbo
"Oh diyos ko kayo na pong bahala saakin , kung papatayin man ako ng taong to sana po mahanap ako ng pamilya ko "
Nananalangin ako habang binibilisan paring tumakbo , nakikita kong malapit na akong maabot ng humahabol saakin ng bigla itong tumumba , sa sobrang gulat ko bigla rin akong napaupo
Nakita kong bumaling sakin ang tingin ng lalakeng humampas sa humahabol sakin , grabeng kaba ko dahil hindi ko man lang makita ang kanyang mukha , sino to jusko
Tumutulo na ang pawis ko at gusto ng magbagsakan ng mga luha ko pero umaatras parin ako , ngunit nagulat ako nung bigla niyang binilisan ang paglapit sakin kaya't napatayo ako at tumakbo nanaman
Pagod na pagod na ako pero kailangan kong makaalis sa lugar na ito , ayoko na dito . Tumutulo na ang luha ko kasabay ng pawis ko , kailangan kong makahanap ng tataguan
Habang lumilinga ako at naghahanap ng matataguan bigla na lamang may humawak sa balikat ko , bigla akong natigilan unti unti akong luminga sa likod at biglang
Kringggggggggggggggggggg !!!
Napabalikwas ako ng bangon , pawis na pawis ako at puno rin ng luha ang mga mata ko
Shet panaginip !
Bumaba na ako sa aking kama at bumaba na para makapunta sa banyo , tulala parin ako kaya tumama ang mukha ko sa pintuan ng banyo
"Aray pota" daing ko
" Ano ba yan Tala mag iingat ka naman ? " Sigaw ni mama
Napanguso nalang ako at pumasok na sa banyo , habang naghihilamos ako biglang nagpakita ang imahe nung lalake kanina , bigla akong napamulat
Hindi ko nakita ang mukha niya , napaka misteryoso , malabo ? Nakatunganga lang ako habang nag iisip , sino yon ?
"Tala ano ? Diyan ka na ba titira sa banyo ? Kanina kapa diyan ah , kakain na" sigaw ni mama
Eto talagang si mama umagang umaga nasigaw di ba pwedeng hayaan niya muna ako dito sa banyo jusmiyooo
" Opo lalabas na " sigaw ko
Lumabas na ako sa banyo at baka ratatat nanaman ang abutin ko kay mama niyan
Umupo na ako sa hapag kainan at nakita kong kompleto na sila don
"Oh Tala ano ? Magpapaenroll kaba ngayon ? " Tanong ni kuya Mar
Siya ang panganay kong kuya siya si Margux Jude Ejanduares
"Oo nga bunso sumabay kana sakin " sabi naman ni kuya Hex
Siya si kuya Hexon Marx Ejanduares siya ang sumunod kay kuya Mar
"Osige kuya sasabay na ako sayo " sagot ko
" Oh eh dapat bumili na kayo ng gamit pang eskwela ngayon habang maaga pa ? At baka pag sa linggo pa kayo bibili eh dagsaan ang mga tao " sabi ni papa
Siya naman ang papa ko Constancio Jes Ejanduares , si papa ay nangangalaga lamang ng mga lupain namin dito sa Sibonga
" Oo nga naman bat di pa kayo bumili sa ngayon ? " sabi ni mama
Siya naman ang mama ko Bituin Marikit Ejanduares , si mama ay may pinapatakbong negosyo , meron kameng sari sari store at meron din kaming taniman ng mga prutas
"Osige ma ayos din naman yan para hindi narin kame mahirapan ni bunso " sagot naman ni kuya Hex
Pagkatapos ng halos limang minuto namin sa hapag kainan , pumasok na ako sa kwarto para ayusin ang susuotin ko
Pumasok na ako sa banyo upang maligo , at makalipas ang 30 minutes ay natapos na rin ako , nag suot lamang ako ng simpleng tshirt at jeans nag rubber lang din ako
"Bunso tara na " sigaw ni kuya
Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta na sa sala upang humalik kay mama at papa
" Mag iingat kayo ha ? Eto ang pera " paalalan ni papa
" Opo pa mag iingat po kame " sagot ko at kinuha ang perang inaabot niya
"Alis na po kame " sigaw ni kuya bago paandarin ang motor niya
Tumango lamang si papa , sumakay na ako at umalis na kame
Hayyy napaka sarap talang ng hangin dito sa Sibonga
Malapit lamang naman ang school kaya agad rin kameng nakarating , pumasok na kame upang pumunta sa office para makapag enroll
"Oh mag eenroll kayo ? " Tanong ni Ma'am Alida
"Opo ma'am " sagot ni kuya
Oh maupo kayo diyan at pirmahan iyang form na iyan
Naupo kame ni kuya at ibinigay saamin ang papel na pipirmahan namin
"Anong grade kana ba Tala ? " Tanong ni ma'am
" Ahh grade 12 po ma'am " sagot ko
" Ikaw Hex anong year muna ? " Tanong ni ma'am kay kuya
"Third year college na po ma'am " sagot ni kuya
"Nako at isang taon nalang eh gagraduate kana. ? Eh yung kuya niyong si Margux ? " Tanong ni ma'am
" Nako ma'am isang ganap na pong engineer si kuya " sagot naman ni kuya
"Aba'y mabuti iyan , napaka husay na bata iyong si Margux nako at pati kayong dalawa ay mahuhusay rin , manang mana kayo sa mga magulang niyo " sagot ni ma'am habang nakangiti
Makalipas ang kinse minuto at pinasa nanamin yung form
"Oh sige magkita kita na lamang tayo sa susunod na linggo " sabi ni ma'am
Nginitian lang namin siya at nagpaalam na upang makabili ng gamit namin para sa pasukan
Agad kaming dumeretso ni kuya sa NBS or National Bookstore upang bumili ng mga magagamit
Bumili na ako ng papel , ballpen , bag , bond paper , colored paper etc. Nakita ko ring tapos na si kuya at sabay na kameng pumunta sa counter upang mag bayad
Pagkatapos naming makuha ang nga pinamili namin ay lumabas na kame
" Oh saan tayo punta ? " Tanong ni kuya
" Pasyal muna tayo kuya , panigurado boring din sa bahay " sagot ko
" Oh tara " aya ni kuya
Sumakay na kame sa motor at nag punta sa tianggehen upang mamili ng kung ano ano
May nakita akong isang kwintas na dream catcher , bigla ko nanamang naalala ang panaginip ko , sino yung lalakeng yon bakit hindi ko makita ang mukha niya , habang nakatulala ako biglang nag salita ang nag titinda
" Oh Tala bibili kaba ? " Tanong niya
Nakatitig lamang ako sa dream catcher nag iisip kung bibilin ko ba o hinde pero sa huli binili ko ren
" Magkano po itong dream catcher " tanong ko
" Trenta lamang yan anak " sagot maman ni Aling Hilda
Ibinigay ko na ang bayad kay Aling Hilda at agad kong isinuot sa leeg ko ang kwintas na dream catcher
Nakita kong palapit na sakin si kuya habang may hawak hawak na turon at palamig
Inabot niya sakin ang turon at palamig at nanliliit ang mata niyang nakatingin sakin
"Anong problema ? " Tanong ko
" Bagay sayo yang kwintas mo ah , dream catcher " sabi niya habang nakatitig parin sa kwintas na suot ko
Hindi na lamang ako nag salita at kinain ang bigay niya .. halos anim na oras kameng nag libot bago namin naisipang umuwi na at baka naghihitay na sila mama doon
Agad kameng sumakay sa motor at umuwi na.
YOU ARE READING
Blurry Romantic Dream (COMPLETED)
FantasyShe dreamt a blurry man until she fell inlove , the day has come that destiny has already brought them together , but it was too late , the man is destined in another woman