Pagkalabas ko nakita ko ang pag aalala sa mukha nila Kaj
"Girl anyare sayo ? " tanong ni Neva
Umiling lang ako at umupo na rin para piliting kumaen , at nung natapos na kame tinawag na kame ni ma'am para mag simula sa unang activity
Wala parin akong gana ! Nagsi lapit na kami kay ma'am at nakita kong may kasama na siyang dalawang teacher na kanina lang din pala nakarating
"Okey class so dahil 20 lang tayo sa klase ay i grogroup namin kayo into 5 bale apat na grupo , tig 5 members , so meron tayong tatlong game na gagawin , so mamaya na natin ipapaliwanag isa isa so ngayon i gugroup muna namin ngayon
Group 1
Mendez , Sanchez , Delos Santos , Marinduque , ManuelGroup 2
Fernandez , Acosta , Sarmiento , Evangelista , YapGroup 3
Bautista , Ejanduares , Garcia , Bautista , AsuncionGroup 4
Peralta , Afable , Villanueva , Nastor , Gatan"Okey so kayo ang magka kagrupo " sigaw ni Ma'am
Swerte naman at nagkasama sama kame pero wala parin talaga akong gana , naninikip parin ang dibdib ko
"Okey guys lumapit na kayo dito at gagawin na natin ang unang activity , so ang ating unang activity ay meron tayong apat na flag , sa group 1 ay yellow flag , sa group 2 ay green flag , sa group 3 ay red flag , at sa group 4 ay blue flag so ang gagawin ay kailangan niyong mahanap ang apat na klase ng prutas at dapat may isang maghihintay dito para kainin ang apat na prutas na mahahanap niyo pagkatapos nun ay kailangan niyong tumakbo sa may dagat para hanapin ang box na kahoy wag kayo mag alala dahil may kulay iyon kaya malalaman niyo kung ano ang sa inyo. Pag katapos ay hanapin niyo ang susi dito sa harap at makikita niyo sa loob ng box kung saan niyo mahahanap ang inyong flag ang unang nakakagawa ng activity ay hindi na mag lalaro sa susunod kaya humanda na " mahabang paliwanag ni ma'am
Nagkaisa na kami at nag usap usap kame , wala akong gana pero kailangan kong gawin to para sa grupo
"So kailangan mag hiwa hiwalay tayo " sambit ni Neva
"Ikaw Eli ang maiiwan dito " sabi ni Kaj
"Bakit ako ? " tanong niya
"Kase mas kakayanin mong kainin ang mga prutas kesa saming mga babae " sambit ni Kaj
"Eh si Dave nalang " sabi ni Eli sabay turo kay Dave
"Ikaw na dude, di ko kayang kumaen ng madami , baka matalo pa tayo " sabi naman ni Dave
Kaya sa huli si Eli din ang naiwan
"Okey class , come here " sigaw naman ni Sir Elton
"Ready naba kayo ? " sigaw naman ni ma'am
"Yes ma'am " sigaw naming lahat
"Okey in timer start now " sigaw ni ma'am at nagkanda takbo takbo na kame para mag hanap , bale nag hiwa hiwalay kame
Pumunta ako sa parteng masukal para hanapin doon ang prutas habang nag lalakad ako ay bigla akong natisod
Shit malas naman !
Tatayo na sana ako ng maramdaman kong di ko maigalaw ang paa ko sa sobrang sakit , may naipit atang ugat . Naupo na lamang muna ako at nag titingin tingin sa paligid , ng maramdaman kong okey na ang paa ko ay tumayo na ako para mag hanap
Palabas na sana ako sa parteng yon ng may nahulog na dahon sa buhok ko at pag tingala ko, may nakita akong ubas sa taas ng puno . Iniisip ko kung paano ko to aakyatin eh may pilay ako . Kaya sa huli nag hanap na lamang ako ng panukit ko
Mga ilang segundo lang ay nahulog na ang prutas at dali dali akong pumunta sa pwesto at nakita kong andun na silang tatlo , kita ko ang pag aalala sa mukha nila dahil sa may pilay ako pero nagpatuloy parin ako sa pag takbo palapit , bale ako nalang ang hinihintay pagkabigay ko ng prutas ay sinimulan ng kainin iyon ni Eli , makalipas ang halos sampong minuto niyang pagkain ay nag takbuhan na kame papunta sa dagat at hinanap ang box nq kulay pula na saamin , at ng mahanap iyon ni Dave ay bumalik na kame dun para hanapin ang susi neto , at nung mahanap namin ay binuksan na namin ang box at may papel sa loob , binuksan namin iyon at tinignan ang nakasulat
First Tree in the Right Side
Agad nagtakbuhan sina Eli at Dave dun at nung makuha na nila ang flag ay inilagay na namin ito at sa huli kami ang nauna
Sumunod lamang ng isang minuto lang ang group 1
" Okey dahil nanalo ang group 3 sa unang activity ay hindi na sila ulit mag aactivity , so group 1 , group 2 , and group 4 mag ready na " sigaw ni ma'am
Ako naman ay nag paalam muna para magpahinga sa room at napansin nila ang pilay ko kaya pinayagan naman nila ako
"Hatid kita gusto mo ?" tanong ni Eli pero umayaw na ako at nag patuloy na sa pag alis
Pagkapasok ko sa room ay nag palit na ako ng damit at nahiga na muna , gusto ko na mag pahinga , gust kong matulog
Habang nakahiga ako , di man lang ako dalawin ng antok , pinipilit kong pumikit at matulog pero ayaw talaga kaya hindi ko na lamang pinilit
Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako dun sa kwarto hanggang sa nakita kong pumasok na sina Kaj at Neva
"Girl magpapalit lang kame baba na tayo after para makapag hapunan na , kamusta pala ang paa mo " sambit nila
"Ayos lang ako " sagot ko
Tumango lang sila at nakita kong sabay na silang pumasok sa banyo
Naninikip parin ang dibdib ko , hindi pa rin mag sink in sa utak ko na hindi ko siya nakita sa panaginip ko , unti unting tumulo ang luha ko pero agad ko itong pinunasan
Nakita kong lumabas na ng banyo ang dalawa at sabay sabay na kameng lumabas ng room para bumaba
"Oh andiyan na pala kayo halina kayo kakain na " sambit ni ma'am
Habang kumakaen kame ay bigla nanamang may sinabi si ma'am
"Magpahinga na kayo at bukas ng alas nuebe ay aalis na tayo okey ? "
"Yes ma'am " sabi naming lahat at nag patuloy na sa pagkain
Pagkatapos namin kumaen ay dumeretso na agad kami sa kwarto at nagpahinga na
Makalipas ang isang oras ay di parin ako dinadalaw ng antok pero kita kong tulog na tulog na sila Kaj at Neva
Tumayo ako para sumilip sa may balcony para masilayan ang dagat , pagkalabas ko ay tumama agad sa mukha ko ang lamig ng hangin , tumingin ako sa baba at napansin ko agad ang pamilyar na lugar
Ang dagat sa panaginip ko kung saan sinabi sakin ni Luigi na umamin na ako sa taong mahal ko , diyan yon
Sambit ko sa sarili ko agad akong tumalikod at isinara ang bintana .
YOU ARE READING
Blurry Romantic Dream (COMPLETED)
FantasyShe dreamt a blurry man until she fell inlove , the day has come that destiny has already brought them together , but it was too late , the man is destined in another woman