Kabanata 16

45 4 0
                                    

May pasok ngayon pero wala akong balak pumasok , buong gabi akong umiiyak kaya alam kong magtataka sila kung bakit namamaga ang mga mata ko

Nakahiga lamang ako nung may kumatok sa kwarto ko

"Bunso labas na kakain na " tawag sakin ni Kuya Hex

"Kuya masama pakiramdam ko , baka hindi ako makapasok " sagot ko

Narinig ko ang mga yapak niya paalis pero agad ring may kumatok

"Bunso buksan mo to " sigaw niya habang kumakatok

Bumangon naman ako at binuksan ang pintuan

"Eto kumaen ka muna at uminom ng ga-- teka bat namamaga mga mata mo " tanong niya

Agad naman akong tumalikod at sinabing nag lagay ako ng efficacent oil sa may sintido ko at nalanghap ng mata ko kaya nag luha mag magdamag

Tumango naman siya at inilapag na ang pagkain at gamot sa may higaan ko , sinimulan ko ng kainin to kase alam kong hindi titigil si kuya hangga't di ko to kinakain

Pagkatapos ko kumaen ay ininom ko na ren ang gamot , medyo masakit lang ang ulo ko kase puyat ako

Kinuha na ni kuya ang mga pinagkainan ko at hinalikan ako sa noo bago nag paalam na lalabas na at papasok na

Tumango lamang ako at hinintay siyang lumabas , pagkalabas niya ay agad akong tumagilid , unti unti ko na namang naramdaman ang sakit sa puso ko , ang mga pangarap ko , ang mga plano ko para saamin bigla nalang nag laho

Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin , hindi ko inakala na ang kasiyahan ko pala sa una naming pagkikita ay magiging pighati

Tumulo lang ng tumulo ang luha ko ng marinig kong may kumatok sa pintuan , agad kong pinahid ang luha ko at naramdaman kong may pumasok

"Tala " si Kuya Mar "ayos ka lang ba ? " tanong niya

Humarap ako sa kanya at ngumiti

"Ayos lang po ako " sambit ko

Agad siyang lumapit sakin at  tumitig sa mga mata ko

"Alam ko kung kailan okey ka , at kung kailan hinde , kaya sabihin muna ayos ka lang ba ? " tanong niya

Agad ko siyang niyakap at hinayaang tumulo ang luha ko, hinihimas niya naman ang likod ko kaya hindi ko na mapigilan ang humagulgol , at ng medyo tumahan na ako ay tinanong niya ako

"Anong problema ? " tanong niya kaya wala akong nagawa kundi ikwento lahat

Habang nagkukwento ako ay ramdam na ramdam ko ang hapdi sa puso ko , pinipilit kong maging buo ang boses ko para hindi ako humikbi pero hindi ko na mapigilan lalo na at nakikita ko ang awa sa mukha ng kuya ko

Pagkatapos ko ikwento lahat ay niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko ang pag singhot niya kaya alam kong umiiyak na rin siya

"Bunso tatagan mo ang loob mo , maaaring hindi siya ang para sayo , marami pang darating sa buhay mo at hindi lamang siya " sambit ni kuya

Agad niya akong hinarap at pinunasan ang mga luha ko .

"Magpahinga kana ha ? " sambit niya

Tumango lang ako at humiga na , kinumutan na niya ako at hinalikan sa noo bago siya lumabas

Pagkalabas niya ay naramdaman ko nanaman ang bigat sa dibdib ko, mahal na mahal ko si Luigi

Na guguilty ako kase minamahal ko ng palihim ang magiging asawa ng kaibigan ko , oo ako ang nauna pero wala akong laban

Kailangan ko muna sigurong iwasan si Kaj kase masasaktan lang ako kapag maririnig ko siyang ikinikwento ang mga masasayang ginagawa nila ni Luigi at hindi ko kayang marinig ang mga yon

Buong mag hapon akong nag kulong sa kwarto at dinadalahan lang ng gamot at pagkain , mugto na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak , pagod na pagod na ako

Binuksan ko ang bintana at nakita kong madilim na , agad ko rin itong isinara at nahiga sa kama , nakatunganga lamang ako ng marinig ko ang pag bukas ng pinto at pumasok sila mama at papa

"Anak may problema kaba ? " Tanong ni Mama

"Ayos lang po ako " sagot ko

"Anak kung may problema ka handa ka naming tulungan , makikinig kame sayo " sambit ni papa

Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko pero unti unti nanamang nag situlo ang mga luha ko

Agad akong niyakap ni mama at papa , napahagulgol na ako kase alam kong may karamay ako

"Ano ang problema anak ? " tanong ni ma

At hindi na ako nahiyang ikweto sa kanila ang lahat ng iyon mula sa panaginip hanggang sa naganap sa birthday ni Kaj

"Ang ibig mo bang sabihin anak , matagal mo na siyang nakikita sa panaginip mo ? " tanong ni papa

"Opo pa , paulit ulit pero paiba ibang pangyayare , sinabi niya dun pa na mahal niya ako " sambit ko habang humagulgol na sa pag iyak

Pinapatahan ako nila papa pero umiyak lamang ako hanggang sa naramdaman ko na ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko

........................

Nakasakay ako sa maliit na bangka habang nakapikit at dinadamdam ang pag dampi ng hangin sa balat ko ng maramdaman kong may yumakap sakin sa likod

Humarap ako sa kanya at nakita ko ang maaliwalas na mukha ng nakangiting si Luigi , ang mahal ko

Agad akong tumingin sa harap at kita ko ang paglubog ng araw

"Napaka ganda ng pag lubog ng araw , kasing ganda ng mapapangasawa ko " sambit niya

Agad ko naman siyang hinarap at nginitian

"Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sakin Tala , ikaw lang ang nag iisang babae na gusto kong pag alayan ng lahat , gusto kong ikaw ang maihaharap ko sa altar , gusto kong sayo ko maipaparamdam ang langit , gusto kong makabuo ng mga anghel ng mang gagaling sayo " sambit niya sa tenga ko

Napaluha ko at agad ko siyang hinarap at pinag dikit ang aming mga noo , pumikit ako at nag salita

"Sayo ko lang din gustong ialay ang lahat , gusto ko ikaw ang magiging ama ng magiging anak ko , gusto ko ikaw lang Luigi , mahal na mahal kita " sagot ko habang walang tigil ang pag tulo ng luha ko

"Mahal na mahal din kita Tala Constancia Ejanduares " sambit niya at pinag dampi ang mga labi namin

Hinalikan niya ako ng maingat at ramdam na ramdam ko ang pag mamahal niya  , ang halik ng taong mahal ko

Ng maghiwalay ang aming mga labi ay pinahid niya ang aking mga luha , kaya naman tumalikod ako at niyakap niya ako sa likod habang nakatitig kame sa palubog na araw

Ansarap sa pakiramdam , napaka saya ko kase kasama ko ang taong mahal ko at mahal din ako



Unti unti kong minulat ang mata ko , at unti unti nanamang mag situlo ang luha ko at pinangarap na sana nakulong nalang ako sa mundo ng panaginip

Dumukdok ako sa aking mga tuhod at umiyak ng umiyak habang iniisip ang mga masasayang ala ala ko kay Luigi sa mundo ng panaginip .



Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now