Eto na ang araw , araw na ikakasal na ang bestfriend ko at ang taong mahal ko
Eto na ang araw para sumuko at kalimutan na ang lahat.
Eto na ang araw na napaka sakit pero handa akong tiisan makita lang silang masaya
Nasa kwarto ako at tinitignan ang susuutin kong light pink na gown para sa kasal mamaya
Ako sana ang kukunin nilang maid of honor pero umayaw ako kaya si Neva ang kinuha nila
Naiiyak ako , sobrang bigat ng pakiramdam ko pero pipilitin kong kayanin , lumuluha ako don ng biglang may kumatok sa pintuan at pumasok si mama
"Kaya mo ba anak ? " tanong niya
Tumango ako at ngumiti sa kanya
"Kakayanin ko ma , kase kahit masakit , masaya na rin ako kase masaya sila " sagot ko
Agad akong niyakap ni mama at hinalikan sa noo
"O sige na mag ayos kana at baka malate ka , andiyan pala sa baba yung pinsan mong mag aayos sayo " sambit ni mama
Lumabas na siya sa pintuan at ako naman pumasok na sa banyo para maligo , pagkatapos ko maligo ay nakita kong andun na ang pinsan ko kaya niyakap ko siya , bale naka bathrobe ako ngayon dahil aayusan niya muna ako bago ako mag palit
Pinsan ko siya sa mother side kase kapatid ni mama ang papa niya , ang pangalan niya ay Marietonie Yanni.
So ayun nag simula na siyang ayusan ako
Inuna na niyang ayusin ang buhok ko , kinulot niya ang dulo at half pony tsaka niya nilagyan ng ribbon ang parte kung saan niya pinusod ang buhok ko
Nagsimula na rin siyang lagyan ng make up ang mukha ko at ng matapos ay nakita kong simple lang ang make up pero maganda , bumagay sakin
"Napaka ganda mo Constancia " puri niya
"Salamat ate. " Sagot ko
"Mag kamuka talaga tayo " sambit niya kaya natawa nalang ako at ganun din siya
Pagkatapos nun ay tinulungan niya akong isuot ang gown ko at bago siya lumabas ay na pasalamat ako
"Salamat ate " sambit ko
"Walang anuman basta ikaw " sagot niya
Lumabas na siya ng kwarto at ako naman ay humarap sa salamin ng biglang tumunog ang cellphone ko , may tumatawag
Tinignan ko nag caller at nakita kong si Neva to
"Girl asan kana ? " Sambit niya
"Papunta na kame " sagot ko
"Osige hintayin kita "
"Osige sige bye " sambit ko tsaka binaba ang linya
Bumaba na ako para sabihan sila mama na malapit na mag simula kaya nag madali na kameng lumabas at sumakay sa kotse
"Napaka ganda talaga ng prinsesa namin " sambit ni kuya Mar
Kaya niyakap ko siya at nakiyakap narin si kuya Hex , nakita kong nakangiti si mama at papa sa harap
Pagkarating namin sa simbahan ay marami ng tao nakalinya na rin ang mga aabay sa labas kaya lumapit ako don at ang partner ko ay si Eli at ang partner naman ni Neva ay si Kuya Hex na crush na crush niya.
Narinig na namin ang tugtog hudyat na mag sisimula na ang kasal , kaya eto na kame at nag simula ng maglakad sa carpet at ng naka lakad na kame lahat ay nakita na namin si Kaj habang nakasuot ng wedding gown , nakita kong suot suot niya ang regalo ko nung debut niya , isa iyong korona sinadya kong bilin yon para dito sa kasal niya , nakangiti siya pero kita kong lumuluha siya , napatingin din ako kay Luigi at kita ko ang mga kislap ng mata niya , ansakit sakit makita ang taong mahal mo na ikinakasal sa kaibigan mo , sana ako naman ang tignan niya ng ganyan , sana maranasan ko siyang mayakap sa personal , sana maranasan kong mahalin niya ako sa personal , pero hanggang sana nalang yon
Nakarating na sa harap si Kaj at nakita kong inalalayan na siya ni Luigi para iharap sa altar at ipakilala sa panginoon , habang kinakausap sila ng pari hindi ko maiwasan ang mapaluha , nadudurog ang puso ko pero para sa ikakasaya nila handa akong masaktan .
"I do father " sagot ni Luigi
Ang mga salitang gusto kong marinig na saakin niya sinasabi , pero narinig ko ang salita niyang yon pero sa iba niya binanggit , nakita kong isinuot na niya ang singsing kung saan nag papatunay na kasal na sila . Na pag aari na nila ang isa't isa ang siyang nagpadurog ng tuluyan sa puso ko
Pero nung makita kong mag dampi na ang kanilang labi ay dun na nag unahang tumulo ang luha ko
Ansakit sakit , yung taong mahal ko ay pag aari na ng iba
Pinalaya ko ang taong di ko man lang naipag laban
Natalo ako sa laban na ako lang ang may alam
At nagmahal ako ng lalakeng pag aari ko sa mundo ng panaginip pero pag aari ng iba sa totoong mundo.
Ng matapos ang kasal ay pupunta na sa reception ang lahat pero nag paalam ako kay papa na may pupuntahan ako , ayaw sana nila ako payagan pero ang sabi ko susunod ako kaya pumayag na sila
Sumakay ako ng trycicle at pumunta sa Narem Falls , pagkarating ko don ay rinig na rinig ko ang pagaspas ng talon , naupo ako sa patag ng bato at dun na tumulo ang luha ko
Bakit ako nasasaktan ng ganito , dapat maging masaya ako
Nag paraya ako para sa ikakasaya ng dalawang taong mahal ko
Si Luigi Alejandro Villareal ay pag aari ko lamang sa mundo ng panaginip , pero hindi ko pag aari sa totoong mundo
Masakit man isipin na ang mga plano ko para saamin ay hindi na matutupad , na habang buhay hindi na matutupad .
Hindi ko pinag sisihan na nakita ko siya sa panaginip ko , hindi ko pinag sisihan na minahal ko siya doon , hindi ko pinag sisihan iyon
Ang kulay dagat niyang mga mata , at mapulang labi , ang matangos na ilong , ang maayos na buhok , at perpektong hugis ng mukha . Mamimiss ko ang ang mukhang yon , ang mukha ng bukod tanging lalakeng minahal ko
Mahal na mahal ko siya at mamahalin ko siya kahit alam kong walang pag asa
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa wala ng lumabas na luha sa mata ko , siguro nga pagod na ang mata ko , siguro wala na akong mailuluha
Nagpalipas muna ako doon hanggang sa naisipan ko ng pumunta sa bahay nila Kaj .
![](https://img.wattpad.com/cover/226932160-288-k195066.jpg)
YOU ARE READING
Blurry Romantic Dream (COMPLETED)
FantastikShe dreamt a blurry man until she fell inlove , the day has come that destiny has already brought them together , but it was too late , the man is destined in another woman