Uwian na pero tulala parin ako , nasa labas lamang ako ng gate at hinihintay ang pag dating ni kuya Hex , kasama ko parin sila Kaj at Neva
"Girl ano kanina kapa tulala ? " tanong ni Neva
"For sure hindi niya makalimutan sinabi mo kanina ? " sambit ni Kaj
"Nalilito na kase ako , gusto ko makita ang mukha niya , baka sakaling kilala ko siya pero hindi ko magawa " sabi ko habang naka kunot noo
"Hay nako girl hayaan mo muna yan , palipasin mo lang malay mo mamaya makita mo na diba ? " sambit ni Kaj
Nabuhayan ako ng loob oo nga baka mamaya makita ko na , sana nga makita ko na
Hindi ko alam pero nasasabik akong makita ang mukha niya , hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya sa panaginip ko pinipilit ko paring aninagin , nababaliw na ata ako
Habang nakatayo kame doon nakita kong palapit na ang sundo kay Kaj
"Oh girl alis na ako , kita kita nalang tayo bukas ? " paalam niya
"Okey girl ingat " sambit ni Neva
"Ingat ka " sambit ko naman
Umalis na ang sasakyan nila Kaj at makalipas ang isang minuto lamang ay dumating narin ang susundo kay Neva
"Oh alis na ako ha ? Ayos ka lang ba dito ? " tanong ni Neva
"Oo ayos lang ako hihintayin ko lang si kuya " sagot ko
"Osige una na ako bye " sagot niya at pumasok na ren sa kanilang sasakyan
Nakaalis na ang sasakyan nila kaya eto ako nag hihintay parin kay kuya , bat antagal niya ? Makalipas ang trenta minuto ay wala parin siya kaya napag desisyunan ko ng tawagan siya
At mabuti nalang sinagot niya
"Kuya asan kana ba ? Kanina pa ako nag hihintay sayo ? " tanong ko
"Bunso nasa library ako may tinatapos lang , paalis na rin ako hintayin mo ako diyan " sambit niya
"Osige po " sagot ko at pinatay na ang linya
Nag hintay ako don at kita ko na na nag lalakad na siya papunta dito
"Nag hintay kaba ng matagal ? Pasensiya na di ko nasabi sayo " ani niya
"Ayos lang kuya , ano tara na ? " tanong ko
Tumango lamang si kuya at pinuntahan na ang motor niya para paandarin , sumakay na ako sa motor at agad din kameng umalis dahil mag aalas singko na
Pagkarating namin sa bahay ay nakita naming nasa labas si mama at may sinusulat
"Andito na po kame " sigaw ko bago humalik kay mama
"Oh siya pumasok na kayo sa loob at tatapusin ko lamang itong pag kwenta sa mga perang ibinayad para sa prutas " sambit ni mama
Tumango lamang ako at dumiretso na sa sala , nakita ko naman si papa na nag babasa ng diaryo panigurado wala pa si kuya Mar
"Pa andito na po kame " sigaw ko bago lumapit at humalik
"Oh kaawaan ka ng diyos , kamusta naman ang unang klase ? " tanong ni papa
"Ayos naman po , masaya " sambit ko
"Osiya pumasok kana sa kwarto mo at mag bihis , baka matuyuan ka ng pawis "sambit ni papa
Tumango lamang ako at dumiretso na papunta sa kwarto ko
Pagkapasok ko sa kwarto ko pumasok nanaman sa isip ko yung sinabi ni Neva kanina , talaga kayang past ko yon or padating sa buhay ko ?
Tangina nababaliw na ako kakaisip
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala sa kwarto bago ko narinig ang pag katok ni mama sa kwarto
"Tala anak kakain na " sambit ni mama
"Opo nandiyan na "sagot ko bago tumayo sa kama at lumabas para mag punta sa kusina
Nakita kong kompleto na sila don , makalipas ang trenta minuto ay natapos na ren kameng kumaen , so nagpababa muna ako ng kinain bago ako pumasok sa kwarto
Pagkapasok ko ay nahiga ako at nag iisip nanaman. Ilang oras pa akong tulala bago ko naramdaman ang pag bigat ng mga mata ko at
.....................................
Eto nananaman ako nakaupo sa isang parke , nag iisa nanaman ng may biglang tumabi sakin at nag abot ng inumin
"Ano yan ? " tanong ko
"Maiinom malamang " sambit niya ng pabalang
"Alam kong inumin yan , ang tinatanong ko bakit mo ko binibigyan niyan ? " tanong ko
" Wala lang kita ko kaseng tulala ka kaya binigyan kita " sambit niya
"Ahh Luigi taga san ka nga pala ? " tanong ko
"Hmm hindi ko alam eh promise hindi ko talaga alam kung taga saan ako " sambit niya
Seryoso hindi niya alam ?
"Ikaw Tala taga san ka ? " tanong niya
"Taga Sibonga ako " sambit ko
Tumango lamang siya at uminom sa hawak niya , bakit ganun blurred parin
"Tala alam mo hindi ko alam pero nung makita kita kanina pakiramdam ko nakatingin ako sa isang anghel " sambit niya
Napatingin lamang ako sa kanya , bakit hindi ko siya maaninag . Nagulat ako nung unti unti siyang tumayo at inabot ang kamay niya sakin
"Bakit ? " tanong ko
"Pasyal tayo , masarap mamasyal pag gabi " sambit niya
Inabot ko ang kamay niya at naglakad na kame paalis ng parke
Habang nag lalakad kame kitang kita ko ang maraming ilaw sa paligid , maraming maliliit na tindahan lamang maliwanag at kitang kita na masaya ang paligid , gising pa ang mga tao kahit gabi na
"Asan tayo ? " tanong ko
"Hmm hindi ko rin alam eh " sagot niya habang nag papatuloy parin kame sa paglalakad
Marami kameng pinasukan na tindahan at palaruan , masasabi kong sobrang saya neto , ramdam na ramdam ko ang pag kurba ng isang ngiti sa labi ko
Ansaya saya
Nang mapagod kame nag pahinga lamang kame sa isang waiting shed na may dim light kitang kita parin ang maliliwanag na ilaw na nanggagaling sa daan , gitna ng kalsada na maraming bulaklak .. ang ganda
Nagulat ako nung may bigla siyang inilagay sa tenga ko . Ano to ?
Hinawakan ko ang tenga ko at naramdaman ko na isa yung bulaklak
"Napaka ganda mo " sambit niya
Nakatitig lamang ako sa kanya habang nakangiti , hindi ko alam pero ansaya saya ko . Hindi ko man makita ang mukha niya pero alam ko masaya ako
Ano tong nararamdaman ko , ambilis ng kabog ng dibdib ko
Habang nakatitig ako sa kanya naramdaman ko ang paglapit niya sakin , palapit ng palapit hanggang madampian ng labi niya ang labi ko
Ilang segundo ang halik na iyon bago siya kusang humiwalay
Ngumiti siya at tumayo ng bigla siyang nawala
Asan na siya ? Sambit ko sa sarili ko
"LUIGI ! LUIGI ! LUIGI asan ka " sigaw ko habang humahagulgol na
"LUIGIIIIIIIIIIIIIIIII !!!! " sigaw ng ko ng biglang
Napabalikwas ako ng bangon , ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib ko , kinapa ko ang mukha ko at puno ito ng luha
Ano yon sambit ko at di ko na mapigilan ang umiyak
Pakiusap ipakita mo na ang mukha mo !!!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/226932160-288-k195066.jpg)
YOU ARE READING
Blurry Romantic Dream (COMPLETED)
FantasyShe dreamt a blurry man until she fell inlove , the day has come that destiny has already brought them together , but it was too late , the man is destined in another woman