Halos isang buwan na rin ang klase at ganun parin palagi ang ganap ko , laging nakatulala sa tuwing napapanaginipan ko si Luigi
Napansin ko lang sa panaginip ko ha ? Kase sa bawat panaginip ko andun si Luigi pero iba't ibang lugar at pangyayare , pero minsan bumabalik kame sa ibang lugar , nakakalito na
So ngayon may ganap ang school may pageant , ayoko na sana pumasok kaso pinilit ako nila Kaj kaya napilitan ako
Kaya eto ako ngayon bagot na bagot , itong mga kasama ko naman enjoy na enjoy ng may lumapit saamin na lalake
"Hi " sambit niya at ngumiti
Gwapo siya , matangkad , matangos , medyo singkit , maliit din ang mga labi niya , at mapuputi ang ngipin , kitang kita rin ang mga malalalim niyang dimple pag ngumingiti siya , moreno siya at maganda ang pagkakaayos ng buhok niya
"Hello " sambit ni Kaj habang kinikilig
"Ahm pwede ko ba makilala yang kasama mo " sambit niya
Nag cecellphone na lamang ako kase hindi ako interesado ng bigla akong kalabitin ni Kaj
"Hoy girl gusto ka daw makilala " sambit ni Kaj
Tumingin naman ako sa lalake ng nagtataka
"Im Kim Elizer Bautista but you can call me Eli and you are ? " sambit niya habang nakalahad ang kamay
"Tala Ejanduares " sagot ko at inabot ang kamay niya para makipag shake hand
Pero nagulat ako nung bigla siyang batukan ni Neva
"Bat di mo sinabi sakin na nandito ka ? " tanong niya
"Eh hindi ba sinabi sayo ni tita ? " sagot niya
"Malamang hindi kaya nga nagtanong ako diba ? " sagot ni Neva habang nakataas ang kilay
"O edi sorry " sagot ni Eli
"So ? Dito kana mag aaral ? " tanong ni Neva
"Obvious ba ? " sagot naman ni Eli ng biglang nagsalita si Kaj
"Hep ! Hep ! Hep ! Teka magkakilala kayo ? " tanong niya habang nagtataka
Tanga ba tong si Kaj o lutang hindi niya ba narinig na ang apilyido ni Eli eh Bautista malamang sa malamang mag pinsan yan
"Hmm oo mag pinsan kame " sagot ni Neva
"Omg " sagot naman ni Kaj habang nakahawak sa bibig niya
"Oh baket ? " tanong ni Neva
" Seryoso mag pinsan kayo ? Layo ng itsura ah " sambit ni Kaj at binatukan naman eto ni Neva
"Ano akala mo sakin panget ? " tanong ni Neva
"Hindi naman , pero sobrang gwapo kase ng pinsan mo tapos ikaw ganda lang " sambit ni Kaj
Nakita kong umirap lamang si Neva at tumingin sa pinsan niya
"Oh ano pang ginagawa mo dito ? " tanong niya
"Gusto ko lang sanang ayain si miss Tala at ng mailibre ko siya ng lunch "sagot niya
Ako naman eto nagulat , speed naman ng taong to jusmiyo
"Hindi sasama si Tala pag hindi kame kasama " sagot ni Neva
"Aysus gusto mo lang makalibre eh " sambit naman ni Eli
" Oh eh ano naman ngayon , basta pag di mo kame isinama , walang Tala na sasama " sambit ni Neva at kumapit sa braso ko
"Tama , walang Tala na sasama " sambit naman ni Kej at kumapit din sa isa kong braso
"O siya siya tara na at para narin makahanap tayo ng pwesto mamaya pag nanuod tayo " sambit ni Neva at hinila na ako paalis kasama si Kaj
Kitang kita ko kung pano mag kamot ng ulo si Eli bago sumunod samin
Kumaen lamang kame at pagkatapos ay pumunta na kame sa gym at humanap ng magandang pwesto at ng makahanap kame naupo na kame don at maghintay
Makalipas ang trenta minuto ay nag simula naren
Hiyawan dito , hiyawan doon , napaka ingay
"Go 12-Gold"
" Ang ganda mo Maliaaaaa "
"Justin Joy ang sexy mo "
"12- Silver for the win "
"Wahhhhhhhhhh Angelou "
Puro lamang sila hiyawan kung tatanungin niyo kung para saan tong pageant na to , ito ay Miss Beach , oo tama kayo kung sino ang mananalo ay ang buong klase nun ay pupunta ng Beach
Walang kwenta pero yun ang gusto nila , naiirita na ako dahil sa sobrang ingay kaya nagpaalam muna ako para umalis
Pumunta ako sa likod ng building sa may garden at naupo don , habang nakatungaga ako naramdaman kong may tumabi sakin pagtingin ko nakita ko si Eli
"Bat ka umalis don " tanong niya
"Wala lang , ayoko sa maingay eh " sagot ko habang naka tanaw sa mga ibon sa puno
"Hmm ganun ba ? Pwede ba mag tanong ? " tanong niya
"Spill it " sambit ko
"Ahm san galing yung pangalan mo " tanong niya
"Hmm saan nanggaling ? Sa pangalan ng magulang ko ? " Sagot ko
Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka kaya ipinaliwanag ko
"Ang pangalan kase ng mama ko ay Bituin kaya ang first name ko ay Tala , tapos ang pangalan naman ni papa ay Constancio kaya ang second name ko ay Constancia " paliwanag ko
"Ahh ang astig naman ng pangalan mo , yung Talang pangalan mo bagay na bagay sayo kase parang Tala ang kagandahan mo " sagot niya
Nagulat ako at natigilan , ganun na ganun din ang sinabi sakin ni Luigi hindi ko alam pero ambilis ng tibok ng puso ko
Si Luigi ba ito ? Pero Eli ang pangalan niya , sino to bakit pareho sila ng sinabi ni Luigi
Para na akong mababaliw sa kakaisip ng bigla niya ang tawagin
"Tala ayos ka lang ? " tanong niya
Tumingin lamang ako sa kanya "Oo ayos lang ako " sagot ko at ngumiti
"Pwede pa ba mag tanong ? " sambit niya habag kumakamot sa ulo
"Sure " sagot ko
"May boyfriend kana ba ? " tanong niya
"Wala eh " sagot ko
"Pero nagka boyfriend kana ? " tanong niya ulit
"Hmm hindi ren " sagot ko
"Bakit hindi pa ? "tanong niya
"Ayoko pa kase eh " sagot ko sabay tayo at paalis na sana ng tinawag niya ako
"San ka pupunta ? " Tanong niya
"Uuwi na ako " sagot ko
"Hatid na kita " aya niya
" Kaya ko na " sagot ko at tuluyan ng umalis habang kumakaway
Mag tatrycicle nalang ako , alam kong busy parin si kuya ...
At umuwi na lang ako dahil boring din naman sa school , pag labas ko sa gate ay pumara na ako ng trycicle at umuwi
YOU ARE READING
Blurry Romantic Dream (COMPLETED)
FantasíaShe dreamt a blurry man until she fell inlove , the day has come that destiny has already brought them together , but it was too late , the man is destined in another woman