Kabanata 8

51 4 0
                                    

Badtrip ako pero wala ako magawa , alam niyo ba kung bakit ako badtrip ? Kase naman nanalo ang section namin ng pageant at malamang sa malamang kasama ako sa pag punta nila sa beach , ayaw ko sana sumama kaso sinabi ni ma'am sa GC na may point daw yon

Kaya eto ako ngayon nag eempake para sa pag alis ko , maaga ang alis namin kaya 4 palang ay nagising na ako at eto ako nag aayos na para sa pag alis , ihahatid daw ako ni papa dahil hindi pwede ang motor dahil maliit na maleta ang dala ko

Tsaka tulog pa si kuya Hex bale tatlong araw at dalawang gabi kame don kaya ayos na den , hindi masyadong matagal

Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong nag hihintay si papa sakin

"Oh ready kana ba ? " tanong ni papa

"Opo pa , tara na po " sambit ko

Palabas na sana kame ni papa ng marinig ko ang sigaw ni mama

"Tekaaaaaa Anak " sigaw niya habang may bitbit na malaking plastic tapos may maliit din na plastic

"Ano yan ma ? " tanong ko

"Ahm etong malaking plastic maraming chichirya diyan , biscuit , candies at may mga water and yakult . Eto namang maliit na plastic ay andiyan ang sandwich mo , bigyan mo nalang din si Kaj at Neva " sambit ni mama

Kinuha ko na lamang ang mga yon at humalik sa pingi niya bago sumunod kay papa at pumasok sa kotse

"Oh bunso mag iingat dun ha ? Wag pupunta sa malalim ha ? " paalala ni papa

"Opo pa mag iingat po ako don " sagot ko

Pagkarating namin sa school nakita ko na ang mga kaklase ko , bumaba ako ng kotse at lumabas din si papa para kunin ang mga gamit ko sa likod , pagkababa niya nun ay humalik na ako sa kanya at nagpaalam bago siya umalis

Pagharap ko sa mga kaklase ko ay nakita ko agad si Neva at Eli na lumapit sakin , kaklase pala namin si Eli

"Oh girl aga natin ah " sambit ni Neva

"Ginising ako ni mama eh " sagot ko "Nga pala wala pa ba si Kaj ? " tanong ko

"Wala pa nga eh , yun pa naman ang pinaka maagang nakakarating sa lahat pero tignan mo naman wala pa siya " sagot ni Neva

"Pero sabagay maaga pa pala " sagot ko

"Hi Tala tabi tayo ha " sambit ni Eli

"Oh Elimango andiyan ka pala ? " natatawang sabi ni Neva natawa nalang din ako

"Pwede ba Neva wag mo ako ipahiya kay Tala " sambit ni Eli habang naka kunot noo

"Oh bakit pake mo , bestfriend ko to no " sambit ni Neva at umakbay sakin

"Oo na bestfriend mo siya pero kailangan ba ipahiya mo ako " sambit ni Eli

"Luh kailan kita pinahiya ? " tanong ni Neva

"Ahh basta tsk "sagot ni Eli at umalis na hahaha napikon

"Ano nga pala yang dala mo ? " tanong ni Neva

"Ahhh ipinadala ni mama para satin daw " sambit ko

"Naks sweet talaga ni tita Marikit " sambit ni Neva

Habang nag uusap kame nakita namin ang palapit na si Kaj habang nakakunot noo

Anyare sa babaeng to ?

Padabog siyang lumapit samin at nakatingin parin kame sa kanya

"Anyare sayo ? " tanong ni Neva

"Naiinis ako kay daddy " sagot niya habang nag papapadyak habang naluluha sa inis

"Bakit ba ? " tanong ko

"Imagine ! Ipinag kasundo ba naman ako sa anak ng kumpare niya nakakainis lang , tapos ang sabi niya pag tapak ko daw ng 18 years old ipapakilala na daw nila kame as mag fiance " sambit niya habang naiiyak na

"Guys ayoko pa mag asawa , gusto ko pang makapag tapos , gusto ko malaya ako , ayoko ng asawa " sigaw niya pinag titinginan na nga kame eh

"Malay mo naman girl gwapo yung mapangasawa mo diba ? " sambit ni Neva

"Haysst bahala na , gusto kong kausapin si Dad kaso wala talaga akong magawa tatanggapin ko nalang na mag aasawa na ako " sambit ni Kaj habang pinupunasan ang mga mata niya

"Girl magkaka fiance ka palang hindi pa asawa tsk " sambit naman ni Neva

Nag hintay pa kame ng trenta minuto bago dumating ang bus , pumasok na kame sa bus at naupo , so bale magkatabi sa gilid namin sina Kaj at Neva at ako naman katabi ko si Eli , inilabas ko na ang sandwich at nakita kong apat na piraso ito sakto .. binigyan ko sila isa isa at kinain namin yon habang nasa byahe

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko na ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko

................................

Nasa rooftop ako at nasa tabi ko na agad si Luigi

"Namiss kita " sambit ko at niyakap siya ng mahigpit

Blurred paren ang mukha niya pero wala na akong pakeelam , masaya na ako na nakakasama ko siya

"Namiss din kita Tala " sambit niya at niyakap ako pabalik

" Bakit nga pala lagi kang nasa tabi ko ? " tanong ko

"Kase masaya ako pag katabi kita , kase magaan ang loob ko pag nakikita kong nakangiti ka " sambit niya

Unti unti kong naramdaman ang pag init ng pisngi ko  dahil sa sinabi niya

"Kinikilig ka noh ? Bat ampula ng pisngi mo ? " tanong niya

Hinampas ko lang ang braso niya at tumalikod sa kanya

Nagulat ako nung bigla niya akong kilitiin at napahiga na ako dahil sa kakailag at kakatawa

"Luigi tama na HAHAHAHHAHAA " sigaw ko pero ayaw niya parin akong tigilan

"Luigi please HAHAHAHAHHA " sambit ko

At tinigilan niya rin ako tumatawa akong umupo at narinig ko rin na tumatawa siya

"Parang musika sa tenga ko ang tawa mo " sambit niya

"Aysus bolero ka " sagot ko

"Hindi kita binobola Tala , napaka sarap sa tenga ang mga tawa mo " sambit niya

Naramdaman kong biglang may pumatak sa mukha ko at dumami pa itong hanggang sa umulan na nga , napaka lakas ng ulan , tumakbo ako para sumilong pero agad akong hinila ni Luigi at pinag dikit ang aming mga noo , blurred paren ang mukha niya

Unti- unti siyang lumapit ng biglang mag dampi ang aming mga labi , umabot ng halos bente segundo ang halik na iyon pagkahiwalay ng labi namin ay nakapikit parin ako , malakas parin ang ulan , unti unti kong minulat ang mga mata ko ng makita ko ang mukha niya

Ang mukha niya , hindi na malabo , malinaw na . Pumupungay ang mga mata niya habang nakatitig sakin

Ngumiti siya ng biglang ....






"Tala andito na tayo" yugyog sakin ni Eli

Agad akong napamulat at anlakas ng tibok ng puso ko , ang mukha ng mahal ko nakita ko na

Ang mapungay at kulay dagat niyang mga mata , ang makapal niyang kilay , ang mapula niyang labi , ang matangos na ilong , ang maayos na buhok , ang magagandang ngipin , at perpektong pagkakahubog ng mukha niya , ang mukha ng mahal ko

"Pangako hahanapin kita" sambit ko sa sarili ko bago tuluyang bumaba ng bus

Blurry Romantic Dream (COMPLETED)Where stories live. Discover now