Pagkauwi namin sa bahay nakita ko si mama na nakaabang sa labas
"Oh bakit ngayon lang kayo " tanong niya
" Ah nag libot pa kase kame ma " sagot ko at humalik sa pisngi niya , ganun din ang ginawa ni kuya
" Oh siya pumasok na kayo " sabi ni mama
Pagkapasok ko nakita kong nakaupo si papa sa sofa habang nagbabasa ng diaryo , tumingin siya samin
" Oh bat ngayon lang kayo anak ? " Tanong ni papa hay! big deal ba talaga pag uwi namin ng late
"Namasyal po kame papa at namili na ren " si kuya na ang sumagot
Agad akong dumiretso sa kwarto dala dala ang mga pinamili kong pang eskwela at para narin mag palit
Pagkatapos ko magpalit lumabas na ako at nakita ko silang tatlo sa sofa habang nanunuod lumapit ako sa kanila
"Asan si kuya Mar ? " Tanong ko
" Nako may tumawag na kliyente sa kanya kanina at may balak daw ipatayo na building , si kuya mo ang tinawagan , aayaw nga sana si kuya mo pero sakanya lang daw nagtitiwala ang kliyente niya " sagot ni papa
Tumango lamang ako at kumuha ng juice na na nasa mesa
"Nako yung anak mong yun talaga napaka tamad pero bilib din ako sa pag iisip nun " ani mama
Nag uusap usap lamang kame doon ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon si kuya
"Oh kamusta ang trabaho " tanong ni papa
"Ayos naman pa medyo nakakabagot lamang " sagot ni kuya na halatang halatang bagot na bagot
"Nako eh kailangan mong pag tiisan yan lalo na at ikaw pinakamagaling na engineer dito sa Sibonga " sabi ni mama at binigyan ng juice si kuya
"Hay wala ako magagawa " sagot ni kuya
Makalipas ang sampong minuto namin sa sala ay nag aya na sila upang kumaen ng hapunan
Habang kumakaen kame ay nag kekwentuhan lamang sila , di pa ako makarelate sa kwentuhan nila
"Nga pala Tala ang ganda ng kwintas na suot mo ah " puna ni Kuya Mar
"Ah binili ko lang to sa tiangge " sagot ko
Tumango lamang si kuya at nag patuloy na sa pagkain
Pagkatapos namin kumaen ay tumambay muna ako sa sala upang magpababa ng kinain bago ako pumasok sa kwarto
Pagkahiga ko ay napahawak ako sa kwintas na suot ko
" Yun ba ulit mapapanaginipan ko ? makikita ko naba yung mukha nung taong yon ? " Tanong ko sa sarili ko
Habang nakatitig ako sa kisame unti unti kong naramdaman ang pag bigat ng talukap ng mga mata ko at agad na akong nakatulog
....................................
Habang nakaupo ako sa ilalim ng puno nakita kong may lumapit saakin na lalake
Sino to ? Tanong ko sa sarili ko
Tumabi siya sakin habang nakatalikod bale naka side view ako habang nakatalikod siya ?
Adik ba to ?
"Bat ka tumatabi sakin ? " Tanong ko
"Bawal ba tumabi sayo ? " Sagot niya
"Bakit may sinabi ba akong bawal tumabi ? Tinanong ko lang naman ah " sambit ko
![](https://img.wattpad.com/cover/226932160-288-k195066.jpg)
YOU ARE READING
Blurry Romantic Dream (COMPLETED)
FantasyShe dreamt a blurry man until she fell inlove , the day has come that destiny has already brought them together , but it was too late , the man is destined in another woman