Halos dalawang linggo ko ng hindi pinapansin at iniiwasan si Kaj , nakikita kong nasasaktan siya , at nasasaktan din ako pero wala akong magawa
Isang linggo nalang din ay ikakasal na sila ni Luigi
Nag ready na ako para sa pag pasok ng biglang may kumatok sa pinto ko , agad ko naman itong pinakbuksan at nakita ko si Kuya Mar
"Kinausap ako ni Kira at tinatanong kung ano daw ang problema mo ? Bakit daw hindi mo siya pinapansin ? " tanong niya
Yumuko naman ako , naluluha nanaman ako pero pinipilit kong pigilan
"Iniiwasan mo ba siya dahil ikakasal siya kay Luigi ? " tanong ulit ni kuya kaya nag salita ako
"Oo kuya iniiwasan ko siya , kase panay ang kwento niya tungkol kay Luigi at nasasaktan ako , kuya hindi ko makakayang maikasal sa iba ang taong mahal ko " sambit ko at humagulgol na
Hinawakan ako ni kuya sa balikat at tinitigan sa mata
" Sana nung una palang sinabi mo na kay Kira na mahal mo ang lalakeng yon , edi sana nagkaroon siya ng ideya baka sakaling napigil niya , wala akong kinakampihan pero bunso mali ang ginagawa mo , walang ideya si Kira kung bakit mo siya iniiwasan at nilalayuan , oo bunso nasasaktan ka pero nasasaktan din ang kaibigan mo sa biglaan pakikitungo mo sa kanya , alam mo bang humahagulgol sa harap ko si Kira at tinatanong kung may nagawa ba siyang mali sayo? Pero hindi ako nag salita kase gusto kong ayusin niyo " sambit ni kuya
Hindi ko na mapigilan na umiyak ng umiyak at yumakap kay kuya
"Kuya im sorry umiwas lang ako kase nasasaktan ako , ni hindi ko man lang naisip na nasaktan ko siya " sambit ko habang umiiyak
"Wag ka sakin humingi ng tawad bunso , sa kanya ka humingi ng tawad " sambit ni kuya
Tumango lang ako at pinunasan ang luha ko , hihingi ako ng tawad kay Kaj pero hindi ko sasabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ako umiwas , ayokong maguluhan siya sa ngayon magpaparaya ako
Nginitian ako ni kuya at nag tinanguan bago lumabas ng kwarto , na ayos na din at lumabas na
Nakita ko si kuya Hex na naghihintay sakin sa labas
"Ano nag usap na kayo ni kuya ? " tanong niya
Tumango lang ako at sumakay na sa motor , pina andar na niya ito , at pagkarating namin sa school ay late na pala ako , kaya dali dali akong tumakbo at pagkarating ko sa room andun na si ma'am
"Sorry i'm late " sambit ko at yumuko
Tinanguan lang ako ni ma'am at dumeretso na sa upuan
Hindi ako binati ni Kaj at Neva kaya alam kong naiilang sila , kaya mamaya kakausapin ko sila
Nakinig na lamang ako sa klase at pagkatapos ni ma'am ay pumasok na din agad ang second subject teacher namin at nag focus na lang ako sa pakikinig , ng matapos na siyang mag turo ay lumabas na siya
Paalis na sana sila Kaj at Neva ng bigla ko silang tawagin kaya napatingin sila sakin
Agad akong tumakbo sa kanila at niyakap sila , nag simula na ring tumulo ang luha ko
"Im sorry " halos pabulong na sambit ko
Nakita kong umiiyak na din silang dalawa
"Ano ba kaseng problema ? " tanong ni Neva
"Wala akong problema sayo , kay Kaj lang ako may problema " sambit ko
Agad namang napatingin sakin si Kaj at parang nahihiyang mag salita
"Ano bang nagawa ko ? " tanong niya habang umiiyak
Ayokong sabihin sa kanya ang totoong dahilan kaya gumawa nalang ako ng rason
" Umiwas ako sayo kase at nag tampo kase ikakasal kana at mawawala kana samin , tsaka panay pa ang kwento mo tungkol sa mapapangasawa mo kaya nag tampo ako " paliwanag ko
"Ano kaba hindi namn ako mawawala sa inyo eh , kayo parin ang bestfriend ko tsaka may hindi ako nasabi sayo dahil galit ka sakin " sambit niya
"Ano yon ? " tanong ko
"Gusto ko sana ipa move ang kasal kaso ang sabi ni dad kailangan na daw madaliin dahil aalis na daw si Luigi papunta sa ibang bansa at kasama ako , kaya wala ako nagawa , sana maintindihan no " sambit niya habang nakayuko
Agad ko siyang niyakap at yumakap din siya pabalik
"Naiintindihan ko Kaj , bestfriend kita kaya maiintindihan ko at alam kong masaya ka dun kaya ayos lang " sagot ko
"Maraming salamat Tala " sambit niya
Niyakap ko siya at nakiyakap narin saamin si Neva habang naiiyak na rin , saka lang kame nag kahiwa hiwalay nung mag salita si Eli
"Oh tama na ang drama tara na sa canteen " sambit niya
Kaya nagtawanan kame at sabay sabay ng bumaba
Hayy napaka sarap pala sa pakiramdam na nag kaayos na kame oo mabigat parin ang dibdib ko kase ikakasal ang kaibigan ko sa taong mahal ko pero kailangan ko ng magparaya , siguro nga hanggang dun lang talaga
Masaya kami buong mag hapon hanggang uwian at ng nasa labas na kame ng gate ay humarap sakin si Kaj
"So girl makakapunta ka sa kasal ko ? " tanong niya
Tumango naman ako tsaka ngumiti sa kanya , kakayanin ko nalang ang sakit dahil isang araw lang naman yon , kailangan kong maging masaya para sa kanila
"Sure yan ha ? Aasahan kita" sambit niya
"Pangako " sambit ko at nakita na namin ang sundo niya kaya kumaway na kame
"Haysst buti naman nag kabati na kayo grabe naipit ako sa sitwasyon " sambit ni Neva
Agad ko naman siyang inakbayan at ginulo ang buhok niya
"Sorry na " sambit ko
"Wala na ako magagawa kase nangyare na " sambit niya
Natanaw na rin namin ang sundo nila ni Eli at bago pa pumasok ay humarap sakin si Eli at hinalikan ako sa noo
Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya pero nakasakay na siya sa kotse ,napatingin ako kay Neva at nakita kong nakangisi siya , mga abnormal sambit ko nalang sa sarili ko
Narinig ko na ang motor ni kuya at nakita kong nasa harap ko na siya , agad akong sumakay at umuwi na kame sa bahay.
YOU ARE READING
Blurry Romantic Dream (COMPLETED)
FantasyShe dreamt a blurry man until she fell inlove , the day has come that destiny has already brought them together , but it was too late , the man is destined in another woman