Dahan dahan akong lumabas ng kwarto para bumaba , pagka labas ko ng hotel pumunta ako sa tabi ng dagat at nakita ko ang tipak ng bato doon kung saan ko siya nakatabi
Pero hindi ako umupo sa bato , umupo lamang ako sa buhangin at dumukdok , diko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha
Gustong gusto ko na siyang makita , sana totoo siya , sana makita ko siya , sana mag tagpo ang landas namin , sana makasama ko siya
Sambit ko sa sarili ko habang walang pasidlan ang pagpatak ng mga luha ko , halos isang oras na ako dun ng maramdaman kong unti unting binalot ng dilim ang paligid ko , wala akong makita
................
Nakita ko sa malayo may naglalakad . Ang likod niya pamilyar , ang imahe niya pamilyar
Bigla akong tumayo sa may buhangin at hinabol siya , pagkahabol ko ay niyakap ko siya patalikod , at naramdaman ko ang unti unti niyang pag harap sakin
Totoo nga , malaya ko ng nakikita ang mukha niya , hindi na malabo , siya nga to
"Luigi miss na miss kita " sambit ko habang lumuluha sa harap niya
Pinahid niya ang luha ko at hinalikan ako sa noo
"Namiss din kita Tala " sambit niya habang nakangiti
Naluha lamang ako sa harap niya dahil sa sobra kong pagkasabik
" Bakit ngayon ka lang" sambit ko habang nakatitig sa kanya , naiilang man ako ay pinilit ko paring hindi alisin ang tingin ko sa kanya dahil natatakot akong baka mawala siya
"Pasensya kana , hindi kita masasagot " sambit niya
Nanghinayang man ay hindi ko nalang inintindi at hinawakan ko na lamang ang kamay niya , wala akong balak bitawan siya . Wala akong pakeelam kahit makulong ako sa panginip basta makasama ko lang siya
"Luigi kung may mag sasabi ba sayong mahal ka niya , matatanggap mo ba ? " tanong ko
Ngumiti siya bago bumaling ng tingin sakin
"Of course , why not ? Im so lucky if ever na may babaaeng aamin sakin , tatanggapin ko ang pag ibig niya ng buong buo " sambit niya
Napangiti naman ako , siguro nga ito na ang tamang panahon para aminin ko sa kanya ang nararamdaman ko
![](https://img.wattpad.com/cover/226932160-288-k195066.jpg)
YOU ARE READING
Blurry Romantic Dream (COMPLETED)
FantasiShe dreamt a blurry man until she fell inlove , the day has come that destiny has already brought them together , but it was too late , the man is destined in another woman