"Minsan talaga dumarating ang pagmamahal sa hindi inaasahang pagkakataon,"
★Clark Keiron★
Gaya ng inaasahan, magkakasama kaming magbabarkada, magkakatabi rin kami sa upuan. Lahat kami magkakakilala na dito pwera na lang siguro sa isang transferee na nakaupo sa dulo malapit sa pintuan. Nasa likod din siya. Bali katabi ni Shekinah. Kita ko na naa-out of place siya kasi siya lang ang walang kakilala.
Siya yung tinulungan namin ni KC kanina. Siya yung nabangga ko kanina.
"Pssst. Sino yung tinitignan mo?" tanong ni Ian sa akin.
"Wala yung katabi ni Shekinah. Siya yung tinulungan namin ni KC kanina," paliwanag ko sa kanila. Tinignan ko yung relo ko, anong oras na, wala pa rin yung adviser namin. Buti na lang at hindi mainit dito sa loob ng room.
"Sheki, palit nga tayo ng upuan," sabi ko kay Sheki, pumayag naman siya sa akin. Busy sa pagcecellphone itong katabi ko. Napatitig ako sa mukha niya. May napapansin lang ako sa kanya. Tinignan ko ang itsura ko. Ginamit ko ang phone ko bilang salamin. Tumingin ulit ako sa kanya. Magkahawig kami ah.
Bigla kong naalala yung nabasa ko sa facebook kagabi. Na karamihan daw sa perfect couple eh yung magkamukha.
Lol, ano ba tong naiisip ko. Tinigil ko na ang pagtitig sa kanya baka mahalata niya ako. Sakto namang may pumasok na teacher.
"Good morning class, I am Mr. Sirius Reyes, I am your adviser and your DISS teacher," pormal na sabi niya, lahat naman kami ay natahimik. Yung name niya pang Harry Potter. Parang strikto itong adviser namin ah.
"Kung inaakala niyo ay ako yung tipong teacher na mahilig sa 'MY NAME IS' well nagkakamali kayo," sabi ng adviser namin.
"As a Humanities and Social Sciences student, dapat makilala kayo ng mga tao sa pamamagitan ng pagiging bihasa niyo sa pakikipagtalastasan. You should know how to reason out and justify your perspectives," sabi niya. Bigla akong kinabahan sa mangyayari. Bakit ganito yung adviser namin.
"Okay, can you give me one dominant approach of Social Science," sabi ni sir. First day na first day nakakastress na.
Biglang nagtaas si Keisha. With Honors siya last year. Matalino siya oo pero mas mataas average ko. Well sa aming batch si KC ang may pinakamataas na average (99.375%).
"Yes, stand up. Introduce yourself and answer the question," sabi ni sir. Agad naman siyang tumayo.
"I am Keisha Alliah Dela Cruz. One of the dominant approaches of Social Science is Structural Functionalism," sabi ni Keisha.
"Okay, what do you know about Stuctural Functionalism?" tanong ni sir.
"Stuctural Functionalism states that the society is composed of different groups with their own interest to protect and each group is competing for power and resources," confident na sabi niya. Agad naman nagpalakpakan ang lahat maliban sa akin, si Shekinah at ng katabi ko. Bigla na lang siyang nagtaas ng kamay.
"Yes, you at the back, do you want to say something? Introduce yourself first" tanong ni sir kaya tumayo siya. Lahat ay napatingin sa kanya.
"I'm Arvin Gabriel Villegas," pagpapakilala niya. Cute name.
"I would like to clarify the answer of Ms. Dela Cruz dahil mali po yung sagot niya," matapang na sabi niya. Napanganga naman ang lahat.
'What'
BINABASA MO ANG
BABY COMEBACK TO ME (BL)
Teen FictionLahat ba ng tao ay karapat-dapat bigyan ng Second Chance? Lahat ba ng relasyon ay pwedeng nagkaroon ng Comeback? Lahat ba ng umaalis ay bumabalik? Lahat ba ng bumabalik ay hindi na aalis? Paano kung ayaw mo ng masaktan pero gusto mo pang magmahal? H...