★Clark Keiron★
Pagkatapos naming kumain ay napag-isipan naming gumala muna dito sa tabing dagat para magpahangin. Gusto sana naming magcampfire pero hindi kami pinayagan ng mga magulang namin. Bukas na lang daw.
"May period ba si KC? Bakit kanina pa yun tahimik?" tanong ni Kiro.
"Ang tagal na nating nagsasama di ka pa nasanay? Ganon naman talaga yun. Sa school nga eh ayaw niyang maexpose sa public," sabi naman ni Ian.
Yes, ganyan si KC. Ayaw niya ng crowd. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan. When we were kids, hindi naman siya ilag sa maraming tao. Kung tutuusin mas hyper pa nga siya sa akin noon eh. Siguro malaki yung naging epekto ng pagkakaopera niya sa ulo.
We were both 8 years old noong naopera siya sa ulo. Dahil sa kakulitan niya noon, nadulas siya sa hagdan. Nagkaroon ng internal bleeding yung ulo niya then naapektuhan yung utak niya. Kinailangan niya noong maopera.
Last year sobrang nag-alala sina Dad at Papa sa nangyari sa kanya dito sa resort. Buti na lang daw at walang internal bleeding na naganap sa ulo niya. Palaisipan pa rin sa aming lahat kung paano siya nakaahon sa pool at kung sino ang nagligtas sa kanya. Walang nakakita sa mga naganap noon. Kaya kung sino man yung sumagip sa kanya ay laking pasasalamat namin dahil buhay yung kapatid ko.
"Ano pala yung kinuha mong strand?" tanong sa akin ni Kiro.
"HUMSS. Si KC naman STEM. Kayo ba?" pabalik na tanong ko sa kanila.
"HUMSS rin kami. Si Kiro lang yung STEM," sagot ni Ian.
"Alam niyo, bilib ako sa samahan ng mga magulang natin. They're just like teenagers," natatawang sabi ni Chester.
"Sinabi mo pa. Hahaha! Minsan nakukwento sa akin ni Daddy yung samahan nila dati. Nakakatuwang isipin kasi tayong mga anak rin nila yung magkakasama," sabi ni Ian.
"Walang iwanan ha," sabi ni Shekinah.
"Of course kahit maghiwalay kayo ni Kiro, dapat walang iwanan," pabirong sabi ni Chester. Agad naman siyang binatukan ni Kiro.
"Loko, as if naman maghihiwalay kami. Going strong kami noh. Diba babe?" sabi naman ni Kiro.
Dahil lumalalim na rin ang gabi, nagtext sa akin si Dad at pinapapasok na kaming lahat sa loob resort.
Naglakad kami patungo sa kanya-kanya naming room. Pagdaan ko sa room ni KC, nakabukas pa ito kaya sumilip ako sa loob. Ayun naglalaro pa siya ng ML. Kumatok ako pero wala siyang naririnig kasi sobrang lakas ng audio ng phone niya kaya pumasok na lang ako. Pagpasok ko ay lumingon naman siya sa akin saka pinagpatuloy ang paglalaro.
"Are you ok?" tanong ko sa kanya. Halata naman sa kanya na parang may problema siya eh. Yes, he is cold pero makikita mo naman sa kanya kung problemado siya eh.
"Yeah. Why did you ask?" pabalik na tanong niya. Saktong natapos na ang paglalaro niya.
"Coz I know you're not," sagot ko. Huminga siya ng malalim.
"If you are not comfortable to stay here, I can tell to Dad. We can go home tomorrow if you are not fine," sabi ko sa kanya. Marami pa rin sigurong bumabagabag sa kanya dahil sa nangyaring aksidente sa kanya last year.
"I'm fine. I will be fine. It's just that there are a lot of questions going on inside my mind. I don't know why but it seems like I am missing something in my life," pageexplain niya.
"Everything will be fine. You just need to find time to know your surroundings," sabi ko sa kanya.
"Ok. Good night," sabi niya sa akin saka siya humiga. Lumabas naman ako kaagad sa room niya.
BINABASA MO ANG
BABY COMEBACK TO ME (BL)
Genç KurguLahat ba ng tao ay karapat-dapat bigyan ng Second Chance? Lahat ba ng relasyon ay pwedeng nagkaroon ng Comeback? Lahat ba ng umaalis ay bumabalik? Lahat ba ng bumabalik ay hindi na aalis? Paano kung ayaw mo ng masaktan pero gusto mo pang magmahal? H...