★CK★
"Nahanap na nila," sabi ng isang boses.
Nagkatinginan kami ni Kuya Deither at agad na napalingon sa nagsalita. Nakatayo si Tito Jake sa may pintuan habang may kausap sa kanyang phone.
"Oo, nasa garahe daw. Doon daw nilagay ni Kiro kahapon," sabi niya. Hays kala ko nahanap na nila si Tito Archie. Nagkatinginan kami ni Kuya Deither sabay buntong-hininga.
"How's KC?" tanong ni Tito Jake sa amin.
"Hindi pa siya nagigising," sagot naman ni kuya Deither.
What if magising siya tas wala na siyang maalala? Parang ramdam ko na kapag nagkamalay na siya, ni isa sa amin, hindi niya kilala. Ewan ko ba kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Siguro nag-ooverthink lang ako.
"O bakit tumutulo yang mga luha mo?" tanong ni Tito Jake sa akin. Di ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Sobrang sakit lang kasi kapag iniisip ko ang mga posibleng mangyari.
"I think kailangan mo na ring magpahinga CK," sabi ni Tito Jake.
"Dito lang po ako. I'll stay here hanggang sa magising si KC," sagot ko sa kanya. Bigla nalang kumalam ang aking sikmura.
"Pero kailangan mo ring kumain. Hindi ka pwedeng malipasan ng gutom may ulcer ka pa naman. Kumain muna kayo. Ako muna ang magbabantay kay KC," sabi ni Tito Jake. Sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya. Gutom na rin naman kasi ako eh. At tama naman siya. Ayokong dumagdag pa sa problema.
.
★Aeron★
Nagdesisyon kaming ihatid na lang si Arvin dahil gabi na. Hindi naman pwedeng hayaan na lang namin siyang umuwi ng mag-isa.
Nakaupo ako sa front seat samantalang si Arvin naman ay nasa likod ng kotse. Busy siya sa kanyang phone. Mukhang nagtetext na ang magulang niya. Di ko alam pero sobrang gaan ng loob ko sa batang ito. Mabait kasi siya and ang nakakamangha, nakapasa siya sa scholarship program ng Mathews Academy. Patunay lamang na matalino talaga siya. Mahirap ang exam ng school namin. Every year, iilan lang ang pumapasa. Sa scholarship kasi namin, libre lahat, tuition, miscellaneous fee, school uniform. Mayroon ding monthly allowance ang mga scholars.
Habang tinitignan ko si Arvin sa salamin, kamukha talaga siya ni CK. Habang naalala ko si CK, napabuntong hininga ako dahil sa inasal niya kanina. Hindi naman kasi tama na sisihin niya si Alexis sa nangyari kay KC.
Nagdrive thru muna kami sa McDonalds, medyo gutom na kasi ako. Bumili na rin kami para sa family ni Arvin. Sa totoo lang, isa sa mga rason kung bakit gusto namin siyang ihatid ay para makilala namin ang magulang niya.
Sa totoo lang kasi, may nasabi si Deither sa amin about sa magulang ni Arvin. Mabuti nang makasiguro kami ni Devin. Habang maaga pa, ayaw kong masaktang ang anak namin.
★CK★
Napagdesisyonan namin ni Kuya Deither na uuwi muna ako sa bahay para makapagbihis. Nasabi naman na namin kay Tito Jake.
Busy ako sa pagchachat kay Arvin. Baka kasi may nasabi na sina Papa at Dad sa kanya eh. So far wala naman daw. Buti naman.
Biglang napatanong si Kuya Deither.
"Nililigawan mo ba si Arvin?" tanong sa akin ni Kuya. Bigla ako napalingon sa kanya.
"Opo kuya," pag-amin ko. Tinitignan ko ang mukha niya kung ano ang reaksyon niya pero nakatingin lang siya sa daan. Syempre nagmamaneho. Pero blanko ang expression ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
BABY COMEBACK TO ME (BL)
Novela JuvenilLahat ba ng tao ay karapat-dapat bigyan ng Second Chance? Lahat ba ng relasyon ay pwedeng nagkaroon ng Comeback? Lahat ba ng umaalis ay bumabalik? Lahat ba ng bumabalik ay hindi na aalis? Paano kung ayaw mo ng masaktan pero gusto mo pang magmahal? H...