CHAPTER XI: He's Mine

706 38 6
                                    

"Love is one of the most unpredictable things in this world"


~*~

★KC★

Dahil sa sobrang pag-aalala ay hindi na namin tinapos ang aming pagkain at agad na kaming nagtungo sa hospital.

Ano bang nasaisip ni Chester at nagawa niyang magsuicide. Kaya ba sobrang tahimik niya kanina sa school? Kung tutuusin wala naman akong alam na problema niya. Hindi ko mapigilang maluha. Damn it. Sana walang masamang mangyari sa kanya.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Dad sa sasakyan. Si CK ay sumabay sa kotse nila Lolo. Sinusubukan kong tawagan si Shekinah pero hindi niya sinasagot. F*ck. Sobra na akong nanginginig dahil sa kaba. Pagkahinto palang ng sasakyan dito sa harap ng hospital eh agad na akong bumaba. Saktong nakita ko naman si Ian na siguro ay naghihintay sa amin.

"Nasa emergency room sila. Hindi pa siya gumigising," maluha-luhang sabi ni Ian. Agad akong tumakbo papuntang ER. Hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng aking luha dahil nakita kong alalang-alala ang mga magulang ni Chester. Nasa labas kami ng ER ngayon dahil bawal munang pumasok.

"Kasalukuyan pa rin siyang nirerevive ng mga Doctor," nag-aalalang sabi ni Tito Gino na siyang nasa tabi ko ngayon.

"Ano po ba kasing nangyari Tito? Ano bang ginawa niya?" lumuluhang tanong ko.

"Nalunod siya sa pool," sagot sa akin ni Tito.

"We all know na magaling lumangoy si Chester kaya imposibleng malunod siya by accident. It was a suicide," paliwanag sa akin ni Tito Gino. Pero bakit niya ginawa yun.

"It was a suicide but I don't think na sinadya niyang magpalunod," sagot ni Tito Kean. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ayon sa sinabi ni Shekinah, noong nakarinig siya na may bumagsak sa pool agad siyang lumabas para tignan kung sino. Ang buong akala niya eh lumalangoy lang si Chester pero after a few seconds hindi na siya gumagalaw," paliwanag ni Tito Kean. So anong ibig niyang sabihin?

"Kean has a point. With that few seconds he can still breathe underwanter knowing na swimmer si Chester unless pinigilan niya talagang huminga," paliwanag naman ni Dad. Sa ngayon ay hindi ko pa naiintindihan kung ano ang ibig nilang sabihin.

"Kung hindi niyo siya narevive through CPR noong nakuha niyo na siya sa pool that means na may ininom siyang gamot o di kaya eh harmful substance," paliwanag ulit ni Dad sa kanila na para bang malalim ang kaniyang pinagkukunan ng mga paliwanag.

"Pero bakit niya po ginawa yon?" tanong ko sa kanila.

"I don't see any reason para gawin niya 'yon. Wala naman siyang sinasabing problema sa amin," umiiyak na sabi ni Tita Leiyan. Biglang bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang isang doctor.

"Doc. kumusta po ang kalagayan ng anak namin?" nag-aalalang tanong ni Tito Nick.

"Stable na ang condition ng pasyente. Hindi po drowning ang main reason kung bakit po siya nawalan ng malay. Mayroon po siyang ininom o tinurok na pampatulog kaya po siguro hindi pa po siya nagigising sa ngayon. Clear naman po yung lungs niya and wala naman pong nakapasok na maraming tubig sa katawan niya. Hintayin na lang po nating magising ang pasyente. Pwede na po kayong pumasok sa loob," sabi sa amin ng Doctor. Nakahinga kami ng maluwag sa magandang ibinalita ng Doctor. Thank you Lord for saving him.

Pumasok na kami sa loob ng ER. Gaya nga ng sabi ng Doctor eh hindi pa siya nagigising dahil sa pampatulog na na-take niya. Ang nakakapagtaka lang eh bakit siya iinom o tuturok lang ng pampatulog kung balak talaga niyang magpakamatay? Sinadya niya bang mahulog sa pool habang nakainom ng pampatulog para hindi na niya masagip ang sarili niya o magdalawang isip pa? Kung ganon desidido pala siyang kitilin ang kaniyang buhay? Pero bakit?

BABY COMEBACK TO ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon