CHAPTER VI: First Kiss

996 49 12
                                    

★Clark Keiron★

Nagising ako dahil sobrang init ng paligid. Tinignan ko ang mga kasama ko, ayun tulog pa rin sila. Natawa ako sa itsura nila na natutulog. Lima kami dito sa tent. Si Kiro, Ian, Chester, Alexis at ako.

Agad kong binuksan ang aking phone. Ganon naman talaga ang karamihan diba. Pagkagising sa umaga phone agad ang hanap. Six o'clock na pala. Agad kong binuksan ang facebook ko para makasagap ng balita.

Ang daming notification. Syempre ganyan talaga ang mga gwapo. Nasanay naman na ako eh. Unang tumambad sa news feed ko ang post ni KC 10 mins. ago.

Sh*t pictures naming natutulog. Kung ano-ano ang mga posisyon namin habang natutulog. May group pictures kami tapos may solo pa. Tinignan ko lahat ng in-upload ni KC. Sobrang daming reacts. Mostly "😂" yung iba naman "❤️". Sobrang dami din ng comments. Ang aga-aga pinagpipyestahan na agad kami sa facebook.

"Mga bugok gising," sigaw ko sa kanila habang hinahampas ko sila ng unan.

"10 more minutes Dad," sabi ni Ian. Pinagsasasabi nito. Kala niya siguro nasa bahay siya. Hinampas ko ulit sila gamit ang unan.

"Pinsan, ano ba ang aga pa lang oh," reklamo naman ni Kiro.

"Anong maaga pa, tanghali na. Bumangon nga kayo. Pinagpipyestahan tayo ngayon sa facebook," inis na sigaw ko sa kanila. Agad namang bumangon sina Chester at Kiro pero si Ian hindi pa rin kaya hinapas ko ulit siya ng unan.

"Aray ko," inis ka sabi niya pero bumangon rin. Agad kong ipinakita sa kanila ang pictures namin. Si Kiro nakataas ang kamay. Si Ian nakayakap kay Chester. Si Chester naman nakanganga. Ako naman nakapatong yung paa kay Kiro. Si Alexis, wala siyang picture. Halatang kaming apat ang napagtripan ni KC.

"Sh*t ang pangit ko jan habang natutulog," panlalait ni Ian sa sarili.

"Kahit di ka natutulog ganyan rin naman itsura mo ah," biro ni Chester kay Ian kaya nakatanggap siya ng hampas sa ulo. Mga sira ulong kaibigan.

"Tama na nga yan. Bumangon na kayo at mag-ayos na tayo. Wala munang magsasalita, ang babaho ng mga hininga niyo," sabi ko sa kanila. Binigyan naman nila ako ng matatalim na tingin. Agad akong lumabas ng tent bago pa man nila ako batukan. Natawa naman ako sa kanila.

Hays ang sarap gumising sa umaga kung ganito lang naman kaganda ang kapaligirang nakikita mo. Sobrang presko ng hangin. Masarap pakinggan ang mga alon na humahampas sa buhangin.

Nakarinig ako ng mga tawa mula sa tent nila Dad. Teka, baka yung pictures namin yung pinagtatawanan nila ah. Agad akong lumapit sa tent nila.

"Good morning po," bati ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin. Teka, nandito rin si KC? May atraso pa siya sa akin ah.

"Good morning son," bati rin sa akin ni Dad. Si KC naman halatang nagpipigil ng tawa.

"Nakatulog ba kayo ng maayos. Kumusta gising mo anak?" tanong naman sa akin ni Papa. Tinaasan ko ng kilay si KC na kanina pa nagpipigil ng tawa. Aba himala, masaya yata siya ngayon ah.

"Maayos naman po yung tulog namin. Masama nga lang po yung gising," sagot ko kay Papa na may kasamang parinig kay KC

"Hahahaha," tawa naman ni KC. Mukhang nang-iinsulto pa ang loko.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito sa tent nila Dad?" kunwaring naiinis na tanong ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Malamang nakaupo, nakikita mo naman diba? Dito ako natulog kagabi. Ano may problema ka?" mayabang na sagot niya. Bat siya natulog dito?

BABY COMEBACK TO ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon