CHAPTER XVII: Unexpected

251 13 5
                                    

"Pinagtapo tayo hindi para maging tayo"
-Clark Keiron Mathews-

★CK★

Tahimik ako ngayon dito sa loob ng kotse ni Kuya Deither. Hindi naman siya nagtanong kung bakit. Mabuti na yun. Kaysa magbigay ako ng dahilan na makakasakit lang ng damdamin ko. Ayoko munang alalahanin yung nangyari. Hindi ito yung tamang oras para isipin ko yung sarili ko. Hindi pa nagigising ang kapatid ko at baka may tendency na di niya ako maalala.

Mula sa daan hanggang sa pagbaba ng kotse, wala akong ganang magsalita. Agad akong nagtungo sa room ni KC. Pagpasok ko sa room ay nakita ko sina Dad at Papa. Wala akong imik na umupo sa gilid.

"Are you okay?" tanong ni Dad sa akin. Anong isasagot ko? Na binasura na naman ako?

"Yes Dad, I'm fine," pagsisinungaling ko. Okay naman talaga ako eh. Sanay naman na.

"You shoul've stayed at home if you are not feeling okay. Besides, you still have class tomorrow," sabi ni Dad. Kung sa bahay lang ako, mas mararamdaman ko lang yung sakit. Ayokong matulog na basa yung unan ko.

"Vacant po namin ng first two periods tomorrow. Papasok na lang ako after breaktime. Kayo po dapat yung mag-rest muna. Ako na po muna magbabantay kay KC," sagot ko kay Dad.

"I can't go home. If ever na magising si KC, baka ako unang hanapin niya," sabi naman ni Papa.

"If you are tired, you can sleep muna. We will wake you up na lang this morning kapag uuwi na kami," dagdag ni Papa.

Ramdam ko na rin yung pagod. Sobrang emotionally devastated ako ngayong araw. Una, itong nangyari kay KC. Tapos yung sinabi ni Gab. Medyo naguguluhan na rin ang isip ko sa mga nangyayari. Deserve ko ba lahat ng ito?

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero biglang nagring ang aking phone.

"Dad, Papa, labas muna ako. I just need to take this call," paalam ko sa kanila.

Si Kiro tumatawag.

"Kamusta si KC?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa siya nagigising until now," sagot ko naman

"Dadaan kami bukas ni Papa jan. Ako muna magbabantay bukas tutal vacant class naman lahat ng class namin sa umaga," sabi ni Kiro.

"Okay," tipid na sagot ko.

"You have a problem right?" deretsahang tanong ni Kiro sa akin. Malakas talaga yung instinct niya. Paano ko ba sasabihin ito. Bigla na lang pumatak ang luha ko. Ang hirap na kasing pigilan. Kanina pa ako nagpipigil.

"Iniwan na naman ako sa ere," sabi ko sa kanya. Ang sakit lang talaga.

"Did you ask him why?" tanong niya sa akin. Ano pa bang tatanungin ko? Malinaw naman na yung sinabi niya eh.

"For what bro? Para malaman ko kung gaano ako ka-tanga?" Sagot ko sa kanya.

"Tinanong mo na ba sina Tito tungkol jan?" bigla akong napaisip sa sinabi niya. May kinalaman kaya sina Dad at Papa? Sila yung naghatid kay Gab. Baka may sinabi sila.

Pero kung iisipin imposibleng mangyari yun. Alam kong marami na silang napagdaanan at hindi nila gugustuhin na mangyari sa amin yung nangyari sa kanila. In the first place, bakit naman nila gagawin yun eh alam ko naman na gustong-gusto nila si Gab.

Hindi ko na lang sinagot yung tanong ni Kiro.

"Sige na, matutulog na ako," paalam ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BABY COMEBACK TO ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon