★CK★
2 weeks after the dinner
Minsan iniisip ko, paano kaya kumg nanatiling lihim ang lahat. Mangyayari ba sa akin ito? Mararamdaman ko ba lahat ng ito? Gaya nga ng sabi sa Third Law of Motion, 'For every action, there will always be an equal or opposite reaction.' Lahat ng desisyon natin sa buhay, mayroong consequence. Sometimes the things we least expected to happen are the greatest things.
Dahil vacant period namin ngayong third period sa afternoon and vacant din namin sa last period, tamang tambay lang dito sa field. Abala kaming lahat sa paggawa ng assignments namin. Sayang naman kasi yung oras. Wala naman kaming ginagawang iba kaya dito namin binubuhos ang free time namin.
Natapos na ako sa paggawa ng assignments ko pero yung iba eh abala pa rin sa pag-aaral. Tanging si Gab lang ang kasama kong nakatapos na ng assigments namin. Yes, Gab na ang tawag ko sa kanya.
Ano na nga ba kami? Well, hindi pa kami dahil nililigawan ko pa lang naman siya. Tsaka ko na kang ikukwento sa inyo kung anong nangyari sa dinner namin 2 weeks ago.
"Gab," pagtawag ko sa kanya.
"Mas gusto mo talaga akong tawagig Gab no?" tanong niya sa akin. Hindi ko rin alam kung bat mas gusto kong tawagin siyang Gab. Wala lang maiba lang ganon.
"Bakit, may problema ba doon?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Di lang talaga ako sanay na Gab yung tawag sa akin," sagot naman niya.
"Diba nanggaling ka sa Ilocos Sur? Sino sa mga magulang mo ang taga Ilocos?" tanong ko sa kanya.
"Si mama yung taga Ilocos. Namatay siya noong pinanganak niya ako. Mahirap yung buhay namin noon. Magsasaka si Papa. Tricycle driver din siya. Sobrang laki ng sakripisyo niya sa akin. Mag-isa siyang nagpalaki sa akin," kwento niya sa akin. What if ganoon rin yung nangyari sa buhay ko.
"Hindi ba kayo nagpatulong sa mga kamag-anak ninyo? As in si Papa mo lang yung nag-alaga sa iyo? Hindi ba siya nag-asawa ulit?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw kasi ni Papa na dumepende sa iba. Minsan eh tinutulungan kami ng mga relatives ni mama. Dahil sa hirap ng buhay, natutunan kong magsumikap. Kapag may nagpapatutor, go lang. Minsan nagbibigay sila ng pera. Kapag mayroon ding mga contest like essay writing, quiz bee, declamation, debates, sumasali ako kasi malaki prizes ng mga nananalo. Hindi na naisipan ni Papa na mag-asawa pa," sagot niya sa akin. Ang hirap pala ng mga pinagdaanan niya sa buhay.
"Hindi ba siya nagalit noong nalaman niya yung kasarian mo? Only child ka diba?" tanong ko sa kanya. Mostly naman kasi na tatay kapag naging bakla yung anak tapos only boy pa, usually nagagalit sila or ayaw nila na maging ganon yung anak nila.
"Never siyang nagalit. Tanggap niya ako kung sino ako. Mayroon din daw kasi siyang kapatid na gaya ko," sagot niya sa akin.
"Oh! That makes sense. Hoping to meet my future father-in-law as soon as possible," biro ko sa kanya. Gusto kong ma-meet yung Papa at Lolo niya.
"Luh, future father-in-law daw. Nahihiya ako na ipakilala ka sa kanya. I mean hindi naman sa tinatago ko yung buhay ko pero nahihiya kasi ako na patuluyin ka sa bahay namin. Hindi naman kasi kagandahan yung bahay namin tsaka maliit lang," parang nahihiyang sabi niya.
"Ano ka ba. Hindi naman ako maarteng tao. Wala naman sa laki ng bahay, nasa nakatira yan. Yes, the house maybe not as beautiful as you wanted to be but it is your home," sagot ko sa kanya. Tama naman diba. Hindi sa itsura ng bahay ang basehan. Nasa mga nakatira yan. Kasi kahit anong ganda ng bahay kung hindi naman maganda ang pakikisama ng mga nakatira, useless din.
BINABASA MO ANG
BABY COMEBACK TO ME (BL)
Genç KurguLahat ba ng tao ay karapat-dapat bigyan ng Second Chance? Lahat ba ng relasyon ay pwedeng nagkaroon ng Comeback? Lahat ba ng umaalis ay bumabalik? Lahat ba ng bumabalik ay hindi na aalis? Paano kung ayaw mo ng masaktan pero gusto mo pang magmahal? H...