CHAPTER X: Suicide

800 42 8
                                    

"Hindi niyo masasabing in a relationship kayo kung hindi pa nasisimulan ang pagmamahalan ninyo"
Keifer Claython Mathews

~*~

Clark Keiron★

Paano mo masasabi na gusto mo yung isang tao? Paano mo masasabing mahal mo yung isang tao? Nagustuhan mo ba yung personality niya kaya nasasabi mong mahal mo siya? Cute ba siya, matalino ba siya, mabait ba siya kaya mo siya minahal?

Kanina pa ako naguguluhan. Sobrang dami kong tanong sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko simula pa kanina sa school.

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa gilid ng pool namin dito sa bahay. Si KC naman, hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Kanina pa siya nababadtrip dahil sa spin the bottle kanina. Naiimagine ko kung anong mangyayari sa kanilang dalawa ni Alexis. Si KC magiging boyfriend na boss samanantalang si Alexis magiging alalay ng kanyang boyfriend.

~Flashback~

"Boyfriend? Asa ka naman. Tapos ang hinihingi mo pa eh one month? Bahala ka sa buhay mo. Kung gusto mong magkarelasyon punta ka doon sa Administration Building at sabihin mong kailangan mo ng jowa," naiinis na sabi ni KC kay Alexis.

"Bakit ka nagrereklamo eh can't say no nga to. Ginawa mo nga akong alipin eh. I accepted your challenge at dapat ikaw rin," depensa naman ng isa.

"Eh sa akin one week lang eh sa'yo one month. Aba sobra naman yata yan," reklamo naman ni KC.

"O sige ganito na lang. Gawin mong one month yung sa'yo para fair. Nakakahiya naman kasi sa iyo," sabi naman ni Alexis. One month na magiging alipin siya ni KC?

"At ginawa mo pa talagang one month ang pagiging alipin mo. Bakit di mo na lang gawing one week yang challenge mo para fair. O baka naman kasi gusto mo ng one month para mas matagal mo akong makasama," naiinis na sabi ni KC. May point si KC. Magiging alipin siya for one month para maging boyfriend niya si KC for one month. Aba abnormal din ang isang ito ah.

"Basta yun na yung challenge. Can't say no. Yun na yun. Period. Deal. Wala ng magbabago," sabi naman ni Alexis. Mukhang hindi na talaga magbabago ang isip ng isang ito ah.

"Bahala ka sa buhay mo. Hindi ko gagawin yan," pagmamatigas ni KC.

"Ayaw mo o sasabihin ko," pamba-blackmail ni Alexis. Biglang nanlaki ang mata ni KC sa sinabi ni Alexis. O gosh this is exciting.

"F*ck. Damn it," bulong ni KC pero rinig ng lahat. Clueless ang iba kung ano yung maaaring sabihin ni Alexis samantalang ako, nakangiti lang kasi alam ko naman kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Hoy ang daya niyo. Walang sikreto uy. Mayroon ba kayong tinatago sa amin?" tanong ni Ian.

"Shut up," inis na sagot ni KC sa kanya. Si Alexis naman pangiti-ngiti lang at naghihintay ng sagot kay KC.

"Ok fine. Damn it," pagsang-ayon ni KC sa challenge. This is going to be fun. Hahaha ano na lang kaya ang mangyayari sa kanila as Boss and slave tapos mag-jowa? Siguro mas magiging utusan itong si KC kasi may alas si Alexis laban sa kanya.

~End of Flashback~

Napapangiti ako habang iniisip ang mga nangyari kanina. Pansin naman kasi kay KC na nagkukunwari rang siya kapag kaharap si Alexis. Sabagay mahirap naman talagang umamin ng nararamdaman mo lalo na kung hindi ka siguradong mamahalin ka rin nila palabik.

BABY COMEBACK TO ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon