"Wala naman kasi sa label ang pagiging affected mo sa kalagayan ng isang tao,"
Clark Keiron Mathews~*~
★KC★Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng mga tao sa nangyari kanina. Bwisit lang talaga. Akala mo naman kung sinong umasta eh ex-boyfriend lang naman pala. Buti na lang at may hiya ako sa mga magulang ko dahil kung hindi lang kilala ng karamihan ang magulang ko baka sa hospital na ang bagsak ng lalaking yun.
Nananatiling tahimik si Alexis. Biglang pumasok sa isipan ko ang ginawa ko sa kanya kanina. Gosh. Damn it. Nabastos ko ba siya dahil hinalikan ko siya kahit hindi naman talaga kami totoong magboyfriend? Oo wala akong pakialam sa sarili ko. Pero siya, baka kumalat sa social media ang nangyari. Maaapektuhan pa siya. Sh*t lang KC hindi ka kasi nag-iisip eh.
"Hey, I'm sorry. Nabigla lang ako kanina," sabi ko kay Alexis. Hindi niya ako magawang tignan. Siguro galit siya sa akin dahil sa ginawa ko.
"Bakit bigla mo na lang akong hinalikan?" tanong niya sa akin. Bakit nga ba? Eto na naman tayo sa feelings natin na hindi natin maipaliwanag eh.
"May karapatan ako dahil boyfriend mo ako," sagot ko sa kanya. Meron naman talaga diba? Meron nga ba? Gosh KC, palagi mong tatandaan na challenge lang ang lahat ng ito.
"Wala sa usapan natin ang halikan pero hinalikan mo ako. Subukan ko nga rin minsan at ako naman ang unang hahalik sa'yo," natatawang sabi niya. Agad kong tinapakan ang paa niya. Akala ko galit siya yun pala may ibang binabalak.
"Bago mo pa maidikit yang labi mo sa labi ko, didikit muna itong kamao ko," sagot ko naman sa kanya. Minsan naiisip ko na nababaliw na ako. Alam ko sa sarili ko na may inis akong nararamdaman kapag kasama siya pero kapag konting banat lang niya eh kinikilig ako. Nabubwisit ako dahil parang may pumipigil sa akin na ipakita kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.
Hindi ko na siya pinansin ulit dahil baka kapag gawin ko iyon eh hindi na ako makapagpigil. Tsaka nakatingin na rin sa amin ang karamihan sa mga kaklase namin. Siguro curious sila kung anong relasyon namin. Alam naman siguro nila ang ginawa ko kanina. Bat ko ba kasi ginawa iyon. For sure papagalitan ako ni Papa dahil sa ginawa ko. Alam din kaya nila CK? Nakarating kaya yung ginawa ko sa kanilang building. Pag-uusapan na naman kami ng buong SHS Department. Possible rin aabot ito sa social media lalo pa eh kilala at matunog ang pangalan namin.
"Inaantok ka kanina pero dahil sa ginawa mo, parang nawala na yung antok mo. Mukhang source of energy mo yata ang halik ko ah. Subukan mo nga ulit sa ibang pagkakataon. Hahaha joke lang," pang-aasar niya sa akin. Baliw. Kung sabagay totoo naman yung sinasabi niya. Ay teka. Hindi ganon yon. Damn it. Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko. Tandaan mo KC, alipin mo lang siya at higit sa lahat hindi kayo magkakasundo dahil salungat ang ugali niyo sa isa't-isa. Hindi na lang ako umimik hanggang sa dumating na ang teacher namin.
Nagsimula na kaming magdiscuss ng aming lessons. Since si Kuya Deither ang first period namin at dahil Earth and Life Science ang subject namin ay hindi ko pinaramdam na parang wala ako sa mood mag-aral. Baka sabihin pa niya kay Papa.
Discuss
Discuss
Discuss
Dismiss.
Pinipilit ko na lang makinig kahit ayaw ko talaga. Bukod sa tinatamad ako eh alam ko na rin naman yung lesson eh. Yung ilang nga topics naman kasi eh napag-aralan na namin noong JHS kami. May naidagdag nga lang ng konti.
Ito namang second period namin eh medyo nakakabagot. Medyo boring din kung magdiscuss yung teacher namin. Maganda yung subject pero hindi effective yung pagtuturo niya.
BINABASA MO ANG
BABY COMEBACK TO ME (BL)
Genç KurguLahat ba ng tao ay karapat-dapat bigyan ng Second Chance? Lahat ba ng relasyon ay pwedeng nagkaroon ng Comeback? Lahat ba ng umaalis ay bumabalik? Lahat ba ng bumabalik ay hindi na aalis? Paano kung ayaw mo ng masaktan pero gusto mo pang magmahal? H...