✧∘₊✧──────✧₊∘───※ ·❆· ※───∘₊✧──────✧₊∘✧
Tirik na ang araw nang magising ako, tumingin ako kaagad sa brasong nakadantay sa hubad kong katawan. Tang ina
Napabuntong hininga na lamang ako nang makita ko si Allen.
Napakatanga mo talaga Raven, buti na lang maganda ka.
"Don't put meanings on this set up" malamig na saad ni Allen, hindi ko napansin na gising na din pala siya. Napatitig na lamang ako sa kanya.
"What? Dont act like you fall in love. This was just pure sex, like your thing with Ash " tanga ina mo. Pasalamat ka, magaling at daks ka.
Tumayo naman na ito at dumiretso sa banyo, hudyat na din na mag bihis ako at umalis sa silid niya.
Tahimik lamang akong naglalakad sa hallway ng House of Diamond, walang pakialam sa mga pinupukol na tingin sa'kin ng mga panget na estudyante ng Diamond.
At dahil lutang ako, hindi ko man lang napansin na nakabungguan ko si Paul, kasalanan niya, dapat siya na ang umiwas.
"Sorry" hindi bukal sa loob kong paghingi nang tawad, wala ako energy makipagtalo at makipag plastikan.
Lalakad na sana muli ako nang hawakan nito ako sa kamay para pigilan.
"Wait, are you okay?" bakas sa tono nito ang pag aalala.
Tumingin naman ako dito at nagkunwaring hindi ko alam na siya ang naka bungguan ko.
"Paul, ikaw pala. Oo naman, ayos lang ako, sige mauna na ako ah"
"Sure ka?, mamaya ha? Don't forget the dinner with us" peste, umagang umaga ha.
"Oo naman, sige ha, bye" binigyan ko siya nang napakatamis na ngiti at tumalikod na para umalis.
Himala at napaka bait nito ngayon, hindi kapanipaniwala, nakasalubong ko naman ang dating grupo ni Paul. Inirapan pa ako ng isa. Great. What a way to stat my morning.
"Problema mo? Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda ha Jasnget"
"Anong Jasnget? It's Jasmin, pokpok" asar na sagot nito sa akin, bobo naman nito.
"Jasmin at panget kasi iyon, imbecile"
"'tsaka pokpok talaga ako, pero maganda, premium class pokpok"
"magpaganda ka din kasi, nang matikman mo din sila" asar ko dito. Binigyan ko pa ito nang tingin mula ulo hanggang paa.
"Jasnget talaga, bye!" sabay flip hair at mabilis na nilisan ang lugar ng mga pangit at talunan na house.
Wala naman nang nagtangkang humarang sa akin at binigyan daan na lamang ako, alam ko naman na nasanay na ang mga estudyante dito sa pabago bago kung ugali at walang tigil na pagbubunganga.
Mukha lang anghel at mahinhin tingan ang istura ko pero napakasalungat ng ugali.
Agad akong naligo nang makarating ako sa aking silid, pahiga na sana ako para matulog muna sapagkat wala talaga akong lakas at wala sa mood nang may kumatok.
Inis na inis akong bumangon sapagkat walang tigil sa pagkatok kung sino mang animal ang nasa labas ng pintuan.
Pagkabukas ko sa pintuan ay mas lalo akong nainis nang makita si Ash.
Walang paligoy ligoy at salita na sinabi si Ash, bigla na lamang ako netong tinulak papasok at sinunggaban nang halik nang maisara ang pintuan ng kwarto ko.

YOU ARE READING
Tale of Outcast: Fallen Giants
FantasyOld Title: Imminence Language: Tagalog - English Categories: Action-Adventure-Fantasy-Tragic-LGBTQ Raven, a young boy, along with his cousins Crest and Ivy, decided to embark on a journey to explore the unknown. They wanted to gain knowledge and exp...