Chapter 2

21 3 0
                                    


Halos mapatalon ako sa pagkakatayo nang marinig ko yung boses niya. Liningon ko si Caden, he was wearing his backpack, hands in both pockets, and coldly staring at me.

I gulped heavily habang nakatitig sa'kanya. “A–Ahm.. ano k-kasi..” Nauutal na sagot ko. Kaso hindi ako makapagsalita ng maayos, damn! Syempre si Caden 'tong nasa harapan ko 'no!

Ilang minuto ko din siyang tinignan, then he raised his brows. Giving me a sign na sagutin ko yung tanong niya. I blinked my eyes.

“Ah! Oo! K–Kasama ko si Aki! M-May binili lang sa tindahan pero babalik din 'yun!” Natatarantang sagot ko.

He furrowed his brows, and slightly nodded. Maglalakad na sana siya kaso biglang dumating 'tong si Aki.

“Hoy, Skylar! Diba sabi ko don't talk to strangers—Ay! Hala si Coleman pala! Hi, bro!” Aniya bago kumaway. Napahawak ako sa noo ko, kahit kailan talaga 'tong si Asher Kylo. Punyemas. Caden gave me one last glance bago tumango.

“Okay” He said bago tuluyang lumayo sa'min. Hinampas ko sa braso si Aki. “What? Kilig naman dyan. Iwanan kita dito e” Banta niya.I hooked my arms sa braso niya.

He just gave me look bago kami maglakad papunta sa sakayan ng jeep. Oh well, still thanks to Aki at nakauwi ako ng safe. Kahit buong byahe niya 'kong inaasar about kay Caden.

.

I heavily sighed while looking at my quiz score in English. Eighteen out of thirty-five. Damn. You're so dumb, Skylar Jade. It's not my fault I'm not great in academics, or anything at all.

Paano ako mapapansin ni Caden kung hindi man lang ako magaling sa kahit anong bagay? I should try harder! Ugh, ilang beses ko ng sinabi 'yan pero hindi naman ako nag-iimprove.

Kahit si Dad ay nadi-disappoint sa grades ko. Anong magagawa ko? I'm just not smart enough, I'm too lazy to study! Pero gusto ko ring matuto, anong mararating ko sa buhay kung bobo ako? I should be preparing myself for me and Caden's future!

Argh! Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko?

“Uy, Sky! Tahimik mo dyan! Ays ka lang?” I looked at Lor and sighed again.

“Hala! Guys, si Skylar! Ang tahimik! Kuhanan niyo ng video bilis! Once in a blue moon lang 'toh!” Aniya bago mabilis na tapikin sila Aki. Loko talaga.

“That's a first. May problema ba, Sky?”
Mahinhin na tanong sa'kin ni Jo while she places her hand on my shoulder.

Napabuntong-hininga ulit ako, I looked at her. “Is it because you had a low score sa quiz?” Tumango ako sa tanong ni Jed.

“E wala ka namang pakielam kung mababa yung score mo diba? Sinasabi mo pa nga, grades lang 'yan!” Singit ni Aki. Napatingin ulit ako sa papel ko.

Napaisip din ako, 'bat ngayon ko lang 'to naramdaman? Halos wala naman akong pakielam kung mababa ang makuha kong grade. I don't even care about it. Pero 'bat ngayon, parang nalulungkot ako? 'Bat nadi-disappoint ako sa score ko?

“Teh, may sakit ka ba?” Ani Astrid bago hawakan yung noo at leeg ko, checking if I had a fever or anything.

“Guys.. hindi ba kayo nadi-disappoint sa grades niyo?” Bigla kong tanong. They all looked at me. Probably, shocked sa tanong ko.

“Well, it's okay naman diba? We can still catch up. Hindi pa naman huli ang lahat” Sagot ni Esme.

“Yeah, even though I scored twenty-eight. It's okay” Singit ni Jed.

Chaotic ArrangementWhere stories live. Discover now