Naglakad ako pabalik sa'king desk matapos kong ipresenta yung pinapareport ni Mr. Nicasio sakin kahapon. Marahan kong sinuklay yung buhok ko nang makaupo ako. Kita ang mga eyebags ko sa mata, kaya naasar pa ko nitong sila Aki na mukha daw akong panda.Paano ba naman kasi, halos madaling araw na ko natulog kagabi! Hindi ko kasi maintindihan yung irereport ko kaya natagalan ako, tapos inaral ko din yung mga tinuro sakin ni Caden. Kaya ayun, ala una ng madaling araw ako nakatulog.
Muntik pa nga ulit ako malate, thank you nalang talaga kay Nana Senya dahil pilit niya kong ginising ng maaga. But still atleast, I aced the report. Very good pa nga daw ako sabi ni Mr. Nicasio. Minsan lang ako masabihan ng ganyang mga salita, kaya nakakagaan ng pakiramdam.
"Mga nilalang, papasok ba si Logs?" Liningon namin si Astrid.
Nagkatinginan kaming lahat, hindi rin alam kung bakit hindi pumasok si Lor. I shrugged.
"May sakit siguro?" Patanong na sabi ko.
"E kahit naman may sakit o wala, papasok pa rin yun!" Napabuntong hininga kami parehas ni Aki. Medyo nag-aalala sa kaibigan. I hope he's okay.
Tatlong subjects ang lumipas, halatang wala talagang balak pumasok si Lor. Nakanguso akong lumabas kasama 'tong sila Astrid. Ayaw lumabas nila Aki at Jed, kaya kami nalang daw ang bumili ng pagkain nila. Malungkot kasi kapag kulang kami, 'di masaya pag 'di kompleto.
"By the way, A. I think I saw you yesterday kasama mo si Octavius" I looked at Astrid. Nanlaki yung mga mata niya sa sinabi ni Jo, namutla siya bigla.
"P-Pinagsasabi mo? May shift ako kahapon sa resto. 'Bat ko sasayangin oras ko dun?" Sagot niya. Naningkit naman ang mga mata nitong si Esme.
"Bakit ba inis ka kaagad kapag naririnig mo yung pangalan ni Octavius? Ha?" Nakapameywang na tanong niya.
"Ayoko lang sakanya, 'lam niyo namang hindi ako mahilig sa mga lalaki. Ikaw lang naman ang sabik sa pogi, Esme" Balik ni Astrid. Natawa kami ni Jo.
"Grabe 'to!"
Nagtatawanan kaming apat sa hallway dahil sa mga kinukwento ni Esme. Then we suddenly stopped nang makita namin si Lor na papalabas ng principal's office. Dali namin siyang tinakbuhan.
"Logan Rhys Rionel! Anong nangyari sa'yo?!"
Bungad ni Astrid sakanya. I looked at him, his face was full bruises. Kinabahan ako bigla, knowing the reason behind it.
Nagulat siya saglit nang makita niya kami. But smiled after, "Hi, mga bebe!" Nakangiting bati niya. Hinampas naman siya ni Jo.
"What happend, Lor? 'Bat ganyan ang itsura mo?" Nag-aalalang tanong niya. Napakamot ng ulo si Lor habang tinitignan kami. Probably thinking of a lie. Magsisinungaling nanaman siya samin, pero in the end alam na namin ang totoong dahilan nito.
"May nakabunggo lang ako papunta rito, napogian ata sa mukha ko kaya binugbog" Biro niya. I clenched my fists.
"Lor, si Tito Norman nanaman ba gumawa niyan sayo?" Mariin na tanong ko.
He gasped and looked at me. He knew I was dead serious, kitang-kita naman sa itsura ko ngayon. I was ready to punch someone.
"H-Hindi! Wala si paps sa bahay! May nakaaway lang talaga ako" I closed my eyes and sighed. Napakasinungaling talaga.
Kahit anong pilit namin, hindi rin naman niya aaminin ang totoo. Nakakainis talaga tong si Lor.
"Gago talaga 'yang tatay mo" Napalingon kami sa gilid, nakatayo sila Aki kasama si Esme. Tinawag pala niya sila.
YOU ARE READING
Chaotic Arrangement
Teen FictionTouch of Love Series #1 "Every girl doesn't deserve a broken heart" Despite being rejected, ignored, and humiliated for so many years by the guy she's head over heels with. Skylar's still dedicated to get her longtime crush to notice her, just a sim...