Chapter 6

9 1 0
                                    


Todo aral ako nitong mga nagdaang araw dahil nga ako ang lalaban doon sa academic contest sa school. Halos sumabog na yung utak ko kakabasa ng mga libro tungkol sa Science. All about science kasi ang lalabas sa contest, kaya heto ako ngayon sa library, nag-aaral at taimtim na nagfo-focus.

Hindi na rin ako nakaka-attend nung tutor session namin ni Caden dahil nga dito. Sinabihan ko na rin naman siya na magiging busy ako, pero hindi ko sinabi sakanya na kasali ako doon sa contest. Malalaman din naman niya sooner or later. I was too shy to say it to him, dahil baka magtaka at ipahiya niya lang ako.

Saka desidido ako rito sa contest, noong una ay kinakabahan pa ako at naisipan ko pang hindi nalang ituloy. But when I told Dad about it, he was so surprised and happy. And seeing him that way makes me really want to participate. At pursigido din akong makakuha ng place, never kong na-imagine ang sarili ko na maging competitive.

But here I am, just a low-class student participating on an academic contest. Ni hindi ko makita ang sarili ko na nakikipagkompetensya sa mga students na mas matalino pa sakin.

Napahawak ako sa noo ko, my head was starting to ache dahil sa sobrang pagod and stress. Inaantok na rin ako. Halos hindi na ako nakatulog kagabi. Samuel was teasing me, saying that I looked like a panda dahil sa mga eyebags ko.

Naalala ko tuloy, umorder ako sa shopee noong isang linggo. Umorder ako ng panda na phone case, hindi ko alam kung mali ako ng pagkakarinig pero sinabihan ako ni Caden na mukha daw akong cute na panda. Syempre, kinilig ang ateng niyo! Kaya ayun! Napaorder tuloy ako sa shopee ng panda na phone case.

"That's a first.."

Iniangat ko yung ulo ko, seeing Caden infront of me holding a water bottle and a book on his hands. I quickly blinked my eyes, baka kasi namamalikmata lang ako.

"Did you hit your head?" Napakunot ako ng noo sa tanong niya.

"H-Ha?"

"Did you hit your head at the wall kaya nag-aaral ka ngayon?" He said clearly. Napaawang ang labi ko bago bigyan ng tingin yung mga gamit na nakakalat sa table.

"B-Bakit? Masama ba mag-aral?" Tanong ko saka tumingin sakanya. He just looked at me coldly. "You look like a panda again" Aniya.

Hala! Halata ba yung eyebags ko? Ohmygosh. Tinakpan ko na yan ng pulbos e! Argh! Kailangan ko na talaga ng mahabang beauty rest!

I saw him glance at the book I was reading. He raised his brow. "So, you're the representative of your section on the contest?"

Napalunok ako. I nervously nodded. Nakita ko siyang ngumisi. "Good luck then, you'll need it" Saad niya bago umalis.

Napaface-palm ako. Good luck talaga sa utak ko, sa kaluluwa ko. Talong-talo na ko kay Caden, halata namang siya na kaagad ang mananalo. Tingin palang e. Parang nawalan na tuloy ako ng pag-asa na makakuha ng place. Pero hindi! Like my Dad said, never give up on the things you really want to achieve! And I will never give this up!

Napaisip tuloy ako. At biglang nakaramdam ng tapang. I want to beat Caden at the contest. Oo, alam kong napaka-imposible nun mangyari. Pero gusto ko siyang talunin. I want to beat him, no hard feelings. Love na love ko parin siya! I just want to beat him! And I want to make a deal!

I smiled widely bago dali-daling inaayos lahat ng gamit. I ran out of the library at nagpunta sa classroom namin.

"'O, tapos ka na mag-aral Sky? Ang bilis naman!" Napatingin ako kay Aki. Anong ang bilis?! Halos tatlong oras na nga akong nandon sa library e!

Chaotic ArrangementWhere stories live. Discover now