"Nana Senya! Anong oras na ho ba?! Shit! Sobrang late na 'ko!"Nagmamadali kong sinuot yung ID ko at kinuha yung bag sa kama. Patakbo akong pumunta sa kusina para kunin yung sandwich na inihanda ni Nana Senya sa'kin. Napatingin ako sa orasan.
Late kasi ako nagising. As in late talaga! Alas siyete ang pasok namin, at 6:58 ako nagising! Halos wala pang five minutes yung pagligo ko dahil sa pagmamadali. Ngayon ay 7:15 na, labin limang minuto na kong late!
Ni hindi ko alam kung papapasukin pa ako ni kuya guard sa gate ng school."Kanina ka pa hinihintay ni Elias. 'O siya! Pumasok ka na sa eskuwelahan! Naku, talaga itong batang 'to 'oo!" Rinig kong sabi ni Nana Senya sakin. Tumakbo ako papalabas, nakita ko si Manong na nakatayo sa gilid nung kotse.
"Sorry po, Manong! Na-late ako ng gising e!" Saad ko bago pumasok sa loob. Napahinga ako ng malalim, bahala na kung late. Basta makapasok!
Masyado ata akong nag-focus sa pag-aaral kagabi at inabot ako ng alas diyes. Nakatulog pa ako sa study table, ang sakit tuloy ng leeg at katawan ko. Pasalamat nalang talaga at may rason kung bakit ako late ngayon.
Bigla ko tuloy naalala yung tutor session namin mamaya ni Caden. 'Di parin ako makapaniwala na pumayag siyang maging tutor ko. Nakakatuwa lang. Syempre crush ko yun e!
Nag-iwan din si Dad ng sticky note sa noo ko kanina. He said that he's proud of me and just be happy on what I'm doing. Itinago ko yung note sa diary ko. Nagulat siguro siya na nakikita akong nag-aaral. I smiled knowing that I made him proud. Kahit papaano nandyan parin siya para suportahan ako. 'E si mama kaya? Naaalala pa kaya ako 'nun?
"Thank you, Manong! See you later!" Paalam ko kay Manong Elias. I walked towards the gate, sarado na ito at halatang bawal na pumasok. 7:30 na, sa mga ganitong oras kapag may mga students na late, sa waiting shed nalang naka-tambay bago papasukin nung guard.
Syempre sesermonan muna tas paghihintayin sa labas saka papapasukin sa loob at kailangan mag-sign sa log book. I sighed. Hindi ito ang first time na na-late ako, pero ito ata ang first time na magkakaroon ako ng record sa log book.
"Miss, napaka-aga mo naman ata" I looked at kuya guard nang makita niya ko. Tinignan niya ako ng mabuti, probably thinking kung isa ako sa mga suki nila sa mga late.
"Patingin ng ID miss" Ipinakita ko yung ID ko sakanya. He scanned it and gave it back to me.
"Pumasok ka na sa loob, Ms. Loretta. Sa second subject ka nalang umattend ng klase" I looked at him, eyes widened.
"Hindi ako magsa-sign sa log book?" I asked. Narinig ko lang siyang tumawa bago umiling. "Hindi po, Ms. Loretta. 'Wag ka nalang sana malate ulit kung ayaw mong magka-record sa log book" I smiled widely.
"Thank you po!" Masaya akong pumasok sa loob ng gate. Dali-dali akong tumakbo papunta sa classroom namin. May mga mababait parin talagang tao sa mundo. Kuya guard was so nice for not letting me sign the log book!
Since sabi naman niya na sa second subject nalang ako pumasok ay naghintay ako sa labas ng classroom namin. I was standing beside the door, patiently waiting na matapos yung first subject.
Nang magbukas ang pinto ay nakita ko yung English teacher namin na si Mr. Nicasio. I gulped bago siya ngitian. "G-Good morning, Sir!" Bati ko bago mag-bow sakanya as a sign of respect.
"Late, Ms. Loretta?" Napakamot ako sa ulo ko bago tumango. I saw him move his head to the side. "Since you're late on my class, present this tomorrow. Report it infront of the class and give a 35 items quiz"
Napaawang ang labi ko. "S-Sir?!"
Binigay niya sakin ang isang six pages na papel. "Report or 0 attendance?"
YOU ARE READING
Chaotic Arrangement
Teen FictionTouch of Love Series #1 "Every girl doesn't deserve a broken heart" Despite being rejected, ignored, and humiliated for so many years by the guy she's head over heels with. Skylar's still dedicated to get her longtime crush to notice her, just a sim...