Walang emosyon sa mukha akong naglalakad papunta sa gym dahil may announcement daw na gaganapin doon ngayon. Kanina pa ako nakatambay sa library habang tumutulong sa final peta (performance task) namin sa Science.Kasabay ko ang iba pang mga estudyante na sa gym din papunta. I was carrying one of our designs with me, aksidente lang na nadala ko ito dahil nakalimutan kong hawak ko pala.
“YOW SKY!” Nakangiting kumakaway na sigaw ni Atlas sakin. My lips curved into a smile and walked with him inside.
Maraming ng tao sa loob, puro mga grade nine at ten ang nakapila. Tumingkayad ako para hanapin kung nasaan ang pila ng section namin, nakita ko sila Aki at Lor na nakatayo sa pila nila habang nagtatawanan.
Habang nakita ko naman ang mga ulo nila Storm sa pinakadulo. Anlayo pala nila, nagsasalita na 'yung admin sa harapan. May mga teacher din na nakabantay.
“Dito nalang tayo” Napatingala ako kay Atlas bago tumango. Parehas kaming nakatayo sa gilid ng court, pinagtinginan kami ng mga ilang estudyante na grade nine at halatang naga-gwapuhan dito kay Atlas.
I ignored them at nakinig nalang sa announcement. Prom was coming, that was the main focus. Hindi naman ako ganoon nae-excite sa prom dahil hindi ko din naman kasi makaka-partner si Caden. Mas gugustuhin ko pang walang ka-partner, I wanted my prom experience to be magical and lovely. Memorable and worth it.
“So, may naiisip ka na bang ka-partner sa prom?” Tanong ko kay Atlas. Hindi pa tapos magsalita si Mrs. Principal sa harapan, pero mukhang walang nakikinig sakanya dahil halos lahat excited sa prom.
“Hmm... wala pa naman. Ikaw?”
“Gusto ko makasayaw si Caden”
Napatingin ako sa malayo, I saw him look at me bago ngumisi. “Gusto ka ba?”
I glared at him bago siya hampasin. Tumawa lang ng malakas ang loko. “Hindi..” Mahina kong sabi bago mapatingin sa ibaba.
“Mmm.. di naten sure”
Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o medyo seryoso. Kinindatan lang niya ako bago ilagay ang mga kamay sa bulsa.
I scoffed and crossed my arms infront of me. “Well kung hindi ko man siya makasayaw, edi wow” Saad ko, I was trying to cheer myself up, dahil simula nung nangyari sa rooftop ay hindi ko na kinausap o pinansin si Caden.
“Ako nalang isayaw mo, Sky. Dancerist naman ako 'e”
Tinignan ko siya bago tumawa. Umiling ako. “No thanks, si Seji nalang”
“Mas lalong hindi marunong sumayaw 'yun! Alam lang nun mga pang-sex bomb na sayaw!” I almost cursed out loud. Natawa ako ng malakas habang hinampas-hampas siya.
“Aray! Masakit na ah! Susumbong kita kay Caden!” Ngawa niya habang nakahawak sa leeg. I rolled my eyes and smirked at him.
Nanatili siyang nakahawak sa leeg niya kaya nilapitan ko siya kaagad. “Uy! Hindi naman ganun kalakas 'yung hampas ko ah!” Protesta ko.
Inalis ko iyong kamay niya at tinignan 'yung parteng hinampas ko kanina. “Charot lang, OA mo naman” Loko niya bago ako akbayan. Napatingin ako sakanya ng masama.
“Hoy, Vandera! Ano 'yang ginagawa mo sa babe ko?!” Pareho kaming napalingon kayla Seji, na ngayon ay papalapit samin.
“Wala naman akong ginagawa ah!” Nakaakbay parin si Atlas sa balikat ko, kaya tinapik ko siya para tanggalin iyon. Nginitian lang niya ako.
YOU ARE READING
Chaotic Arrangement
Teen FictionTouch of Love Series #1 "Every girl doesn't deserve a broken heart" Despite being rejected, ignored, and humiliated for so many years by the guy she's head over heels with. Skylar's still dedicated to get her longtime crush to notice her, just a sim...