“Bye, Sky! Love you!” Paalam ni Aki sabay kaway sakin bago siya pumasok ng classroom nila. Sabay kaming pumasok dalawa, inaya niya kasi ako kahapon na sabay daw kami dahil matagal na rin kaming hindi nagkakasabay pumasok ng school.Naglakad ako sa loob ng room at dumiretso na kaagad sa desk ko. May mga kaklaseng binati ako at may iba namang palihim na umiirap at tinitignan ako ng masama.
“Goodmorning, Sky!” Bati sakin ni Jo. I smiled at her and placed my things at the desk. “Morning, babe!” Bati naman ni Seji habang nag-aayos ng buhok niya.
“Morning, guys!” Bati ko sakanila bago makipag-kwentuhan.
I glanced at Caden's desk infront of me. Hindi pa siya pumapasok, usually ay maaga pa lang nandito na siya. I guess he's late..? Or maybe absent?
Hindi ko nalang pinansin iyon at nakinig nalang sa mga kwento nila Jo. Caden's voice kept ringing in my head, the way his voice soothingly sings the lyrics of the song. Sayang nga at hindi ko nai-record 'yun. Gagawin ko sanang ringtone at alarm.
Tuluyang natahimik ang lahat nang pumasok 'yung guro namin sa first subject. Inilayo ko ang sarili kay Jo at inayos ang mga gamit ko. Hindi ko magawang makinig sa tinuturo dahil tanging nakatitig lang ako sa upuan ni Caden na ngayon ay blangko at walang nakaupo.
“Seji..” Tawag ko.
“Hindi ba papasok si Caden?” His brows furrowed at napaisip ng kaunti.
“I don't know, hindi naman siya nagchat sa groupchat kanina. Maybe he's sick?” I sighed bago mapaayos ng upo.
Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita ang presensya ni Caden. It wouldn't be exciting kapag wala siya. Napasimangot tuloy ako buong klase, minsan lang naman kasi umabsent 'yang si Caden. Dahil sakanya nakaka-perfect attendance ako every year.
“Did you guys read the story yesterday? I think may recitation tayo sa English”
I was scribbling some nonsense on the back of my notebook habang nakikinig sakanila. It was already the third subject, pero mukhang hindi talaga papasok si Caden.
I held the pen tightly bago isara 'yung notebook. I looked at the board at sinimulang basahin at aralin ang mga nakasulat doon.
Halos mapatalon ako ng biglang malakas na bumukas 'yung pinto ng classroom namin, revealing Caden. He looks different today, parang may mali. Parang wala sa mood. Halata sa mukha niya ang galit at inis.
Isinara niya ang pinto bago maglakad papunta sa desk niya. We were all looking at him. He tossed his bag at the ground saka marahang naupo sa upuan niya. I was looking at Seji and the others, we were giving glances at each other habang tinitignan siya.
Inilabas ni Caden ang isang libro at tahimik itong binasa. Hindi ito 'yung mga libro namin na ginagamit sa klase, it was a different book.
Hindi umimik sila Seji at tinuloy nalang ang pagkukwentuhan. I was bothered at Caden, dahil mukhang hindi maganda ang araw niya. And ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Staring at his back, parang nag-aapoy ang likod niya sa galit. I didn't want to ask him dahil baka mas lalong mag-init ang ulo niya. I just sighed bago malamyang sumandal sa upuan. I closed my eyes and hoped that this day won't get any worse.
—
“Okay lang ba si Caden?”
I pursed my lips nang itanong ni Jo 'yun kayla Seji. Kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria, nakaupo kami sa isang malaking table sa gilid, kasama sila Aki.
YOU ARE READING
Chaotic Arrangement
Teen FictionTouch of Love Series #1 "Every girl doesn't deserve a broken heart" Despite being rejected, ignored, and humiliated for so many years by the guy she's head over heels with. Skylar's still dedicated to get her longtime crush to notice her, just a sim...