Alas onse nang magpunta sila Seji sa bahay, muntik ko ng makalimutan na pupunta pala kami ngayon sa mall. Late na kasi ako natulog kagabi dahil sa ginawa ko pa iyong peta ko sa Gen Math.
I groaned habang bumababa ng hagdan. Knowing na pagkatapos ng peta sa Gen Math ay practical research naman ang gagawin namin.
Nakita ko sila Seji na nakaupo sa lamesa at pinaghahain ni Nana Senya ng tanghalian. Katabi ni Caden si Samuel, he was staring at him with his doe eyes. Tahimik na nakaupo si Caden at halatang hindi komportable sa pagtitig sakanya ng kapatid ko.
“Kain lang kayo, huwag kayong mahiya. Paborito nila Skylar iyang niluto ko” Saad ni Nana Senya. Smelling the delicious scent of kare-kare in the kitchen. One of my favorite.
Kaagad akong naupo sa tabi ni Seji. Samuel looked at me and pointed Caden, who was beside him.
“Ate, he's the boy on you–”
“Don't talk when your mouth is full, Sam. Eat now, talk later” Mabilis na singit ko sa sasabihin niya. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Seji.
“Sarap ng luto ni Nana Senya! Parang gusto ko palagi tumambay dito sa bahay niyo babe!” Aniya habang ngumunguya. Kakasabi ko lang na don't talk when your mouth is full 'e. Tsk.
“Naku! Nambola ka pang bata ka! Welcome na welcome kayo rito, sabihan niyo lang ako kapag pupunta kayo para malutuan ko kayo!”
Matapos kumain ay tinulungan ko si Nana Senya na maglinis ng pinagkainan namin. Pero mapilit itong dalawa at sabing sila na daw ang maglilinis.
Si Caden ang nag-volunteer na maghugas ng pinggan, habang si Seji ang naglilinis ng lamesa. I was just silently watching them here beside the fridge, arms crossed.
“Di na natin kailangan kumain sa mall, shopping shopping nalang tayo mamaya!” Masayang sabi ni Seji.
“Akala ko ba mags-spy tayo?” Tanong ko bigla. Napatingin siya sakin bago tumango. “Yup! Mage-espiya tayo kayla Octavious at Antonio”
“Something's going on between them, at aalamin natin 'yon mamaya!” Aniya. Making me more curious and interested.
Kahit din pala siya ay nahahalata silang dalawa. Umakyat ako sa kwarto at nag-ayos na ng sarili. Si Seji ang nagmamaneho dahil kotse niya iyong ginamit namin. Si Caden ay nasa gunner seat, ako naman sa likod.
“Hoy, Coleman! Patulog-tulog ka lang dyan!” Bulyaw ni Seji sakanya. Napansin ko ring kanina pa tahimik 'tong si Caden.
“Hmm... inaantok ako” He said and groaned bago umayos ng upo. “Why am I even with you guys? I was supposed to do nothing today” Ngawa niya saka nag-unat.
“Just shut up, malapit na tayo”
I lightly extended my arms to stretch it out. Traffic was hectic. Siguro nga'y maniniwala ka talagang may forever sa EDSA. Even though malapit lang 'yung mall, ay inabot kami ng halos dalawang oras dahil sa mahaba at mabagal na pag-usad nito.
Napapikit ako saglit nang maramdaman ang malamig na aircon sa loob ng mall. Napansin ko ring maraming tao, mas marami dahil weekend ngayon. Walang pasok, at bonding time with family.
“Let's go shopping!” Nakangiting batid ni Seji bago kami hilahin dalawa ni Caden. Pumasok kami sa iba't-ibang clothing store. Lahat na ata ng clothing store sa mall ay pinasok namin. Halos limang paper bags ang buhat-buhat nitong si Seji pagkalabas namin ng H&M.
YOU ARE READING
Chaotic Arrangement
Dla nastolatkówTouch of Love Series #1 "Every girl doesn't deserve a broken heart" Despite being rejected, ignored, and humiliated for so many years by the guy she's head over heels with. Skylar's still dedicated to get her longtime crush to notice her, just a sim...