Chapter 15

4 1 0
                                    


Dalawang oras na akong nakatitig sa laptop ko, at dalawang oras na rin akong nakatulala dahil dito sa peta namin sa Gen Math. Kakatapos ko lang mag-almusal kaninang alas nuwebe, at naupo ako kaagad dito sa study table para gawin na 'tong powerpoint at aralin iyon.


Isang linggo na rin matapos ang nangyari kayla Seji at sa amin ni Louise. Nagkaron silang dalawa ni Mico ng record dahil sa ginawa nila. Balik na rin sa dating sarili 'tong si Seji, hindi na rin kami nagpapansinan nila Louise. That's a good thing. Kung ayaw namin ng gulo, let's just not interfere each other's business. Wala nalang pakielamanan para walang gulo.



My Dad knew I had detention, hindi naman siya nagalit dahil ikinuwento ko sakanya lahat ng nangyari. I didn't want anymore trouble, dahil ayoko na ring mag-alala sila sakin. This would probably be the last time I will get detention. Dahil makakaapekto ito sa performance ko sa university.


Nawala ang pagkakatitig ko sa screen ng laptop ng biglang tumunog 'yung phone ko sa gilid ng desk. I checked it and answered the call.


“Hello?”



[Sky! Are you home?] Iniayos ko ang pagkakahawak ng telepono sa kamay. “Yeah.. 'bat mo naman natanong Seji?”


[Okay! You better get ready dahil susunduin ka namin dyan in a few minutes, manonood tayo ngayon ng game nila Aki!] Nilayo ko ng unti 'yung phone dahil sa malakas at tinis na boses ni Seji sa kabilang linya bago ito binaba.



Namilog tuloy bigla ang mga mata ko nang magsink-in 'yung sinabi niya. Napatingin ako sa petsa ngayon, damn! Championships pala ngayon! I literally forgot about it!


Hindi ko na pinansin iyong ginagawa kong powerpoint at mabilis na nagtungo sa banyo para maligo. Ngayong araw ang final game ng Myrrion Academy at Steid Galdos University. Championships na ngayon. Hindi nakapasok ang school namin dahil nga hindi nakapaglaro si Mico. He's one of the best players of the team.



Pagkatapos ay bumaba na rin ako para magpaalam kay Nana Senya. As usual, nakaupo nanaman ang pinakamamahal kong kapatid sa sofa habang nanonood ng tv. I didn't bother him at ginulo na lamang ang buhok.


I saw Seji waving at me inside the van, windows rolled down. Ngumiti ako at isinukbit ang shoulder bag sa balikat.


“Hi, Sky! You gorgeous angel!” Bungad ni Esme pagkabukas ko ng van. Inilingon ko ang mata sa kanila. Nakita ko sila Jo at Astrid kasama si Jed. Si Storm iyong nagmamaneho ng van, at nasa gunner's seat si Seji.


Naupo ako sa tabi nila Esme at Jo. Nasa harapan namin sila Caden at Atlas. Sakto lang kaming siyam sa loob ng van.



Napansin kong ding iba-iba ang kulay ng suot naming damit. Si Jo ay naka-tshirt na maroon, sila Esme at Jed ay naka-navy blue. Habang si Astrid ay naka-yellow na top.

Storm was wearing a black varsity jacket. Si Atlas naman ay naka-white na longsleeves. Habang si Seji ay nakasweater na mixed colors of red and blue. Caden was wearing a white shirt and denim jacket. Damn, ang pogi.


While I was wearing a white crop top and high-waisted denim pants with white sneakers. Hindi ko kasi alam kung anong kulay ng damit ang susuotin.



Magkalaban ang school nila Aki at Diego. Players ng MA sila Lor, habang sila Diego at Kio sa SGU. That's why I didn't wear any maroon or blue clothes. Parehas kong susuportahan both teams.


“Kanina pa ko tini-text nitong si Asher Kylo. Hindi daw ba tayo manonood ng laro nila?” Rinig kong sabi ni Astrid sa likod. I slightly glanced at them habang nakakunot ang noo.


Chaotic ArrangementWhere stories live. Discover now