Chapter 9

12 1 0
                                    

“You're literally just walking with us, Caden! Help us with these fucking boxes!”


Nag-echo ang malakas na boses ni Seji sa tahimik na hallway ng school. Nautusan kasi siyang kuhanin 'yung mga kahon sa bakanteng room doon sa dulo, malapit sa maintenance room.

Ako naman tuloy ang sinama niya para may kakuwentuhan daw siya. Nakasabay namin 'tong si Caden kanina dahil nakita namin siyang nakahiga sa bench sa gilid ng hallway.


“Wala ka talagang dulot, umalis ka nga dyan! Babe let's go!” Aniya at sinadyang banggain si Caden.


Tahimik akong sumunod sakanya. Kanina pa silang dalawa nagbabangayan. Halos puro mura na nga lang ang naririnig ko sa mga bibig nila. Hindi ko tuloy alam kung magkaibigan ba talaga 'tong dalawang 'to o hindi.


Oh, and the babe thing? Yeah, simula nung first day of school ay tinawag na ako ni Seji ng ganun. Actually, pati sila Jo ay tinatawag din niyang babe. Pati rin sila Caden, minsan pa nga'y baby ang tinatawag nito sa kanila. But it was just a friendly gesture, he just wants to call his friends those endearments. And nasanay na rin kaming tinatawag na ganun.


Napahinto ako ng ilang segundo para muling ayusin ang pagkakabuhat sa kahon saka naglakad ulit. I admit, the box was too heavy for me. Halos manginig na 'yung katawan ko sa bigat.


“Well atleast help her carry that box, may puso ka naman siguro diba? And I goddamn fucking know it's beating fast”


I took a glance at Caden, he was a few feet away from me. He didn't budge, at tinapunan lang kami ng tingin. Nakapamulsa siyang nagpatuloy sa paglalakad. I sarcastically smiled, hindi naman kasi ako umaasang tutulungan niya ako.


“Wala ka talagang kwenta, Coleman. 'Pag ako naging straight, aagawin ko talaga 'tong si babe sayo”

“As if that's gonna happen”

Sinamaan lang siya ng tingin ni Seji bago ako tignan. He was looking worried. Kita naman sa mga mata niya. For the last four weeks na nakasalamuha namin si Seji, I was thankful for him. For not being a stranger, the first day he treated us well. Nilibre pa niya kami ng lunch nila Jo.


Kung straight lang talaga si Seji. Edi sana sakanya nalang ako nagkagusto, atleast kahit papaano may pag-asang maging kami. 'Di kagaya ng sitwasyon ko kay Caden. Mas malabo pa sa tubig kanal na magkagusto siya sakin.


“You can place the heavy stuff in my box para hindi ka na mabigatan” Napahinto siya sa harap ko bago ilapag 'yung kahon na buhat niya.


“Okay lang, Sej! Hindi naman ganun kabigat 'e!” Saad ko, pero kinuha pa rin niya 'yung mga ibang gamit na nakalagay kahon at inilipat ito sa kanya.


“Ah, hindi ganon kabigat? Okay, palit tayo! Amina 'yan!” Agaw niya sa kahon na buhat ko. I was literally shooting daggers at his back bago titigan 'yung kahon na ngayon ay halatang sobrang bigat dahil sa dami ng gamit sa loob.


I sighed bago ito subukang buhatin. I groaned while struggling to lift the box. I looked back ay Seji's direction, he was just walking away from me! Ni hindi man lang bumalik ang loko!

“Give me that”

Iniangat ko 'yung ulo para makita si Caden. Nandito nga rin pala siya. Hindi na ako nagpigil kaya hinayaan ko nalang siyang buhatin 'yung kahon.


It was again an awkward state for the both of us. No one was willing to talk, or start a topic. Kahit ako ay hindi ko siya kayang kausapin. I guess it's better to not just talk.

Chaotic ArrangementWhere stories live. Discover now