Chapter 7

20 2 0
                                    

Tahimik akong nagbabasa dito sa library kasama sila Astrid at Aki. Kanina pa kami nakatambay rito habang hinihintay 'yung iba. Abala halos lahat ng mga students at teachers dahil dalawang araw nalang ay recognition na namin. Sa Saturday pa 'yung graduation ng mga graduating students.

Kasama sila Lor sa mga abalang nag-aayos para doon. Napagalitan kasi sila nila Esme noong isang araw dahil sakanya. Kaya ayun, tumutulong silang apat sa gym kung saan gaganapin yung recognition day sa Friday.

"Sky, napansin ko lang nitong mga nakaraang linggo. Hindi ka ata sabik makita si Coleman. Nauntog mo ba 'yang ulo mo sa pader?" Tanong ni Aki. Binigyan ko lang siya ng tingin bago napabuntong-hininga.

I've been ignoring Caden for the last few weeks, or months maybe. Isang buwan nang matapos 'yung academic contest kung saan siya yung nanalo. Noong una, sobrang hirap akong hindi siya lapitan at kausapin. Kahit 'hi' man lang di ko magawa. I've been struggling alot because of it.

"Nauntog ko nga ata 'tong ulo ko sa pader. Mababaliw na 'ko" Sagot ko bago titigan 'yung librong kanina ko pa binabasa.

"Iba na 'yan, tara ipatingin natin sa clinic"

"Hala ka, may nakain ka bang hindi maganda? Ha? Hindi ako sanay na hindi ka nakikitang kinikilig kay Caden. Dios mio, tara dito Skylar iuuntog ko uli 'yang ulo mo sa pader!"

I just simply sighed again. Halos wala na kong gana pumasok. Nawala na 'yung pagkasabik ko sa araw-araw para pumasok sa eskuwelahan at makita si Caden. Oo, nakikita ko nga siya dito sa school. Pero hindi ko naman siya magawang lapitan.

Pero hindi ko iyon ginawang hadlang sa studies ko. Lalo na't ngayon na gumaganda na 'yung grades ko. Bawat araw na lumilipas, feeling ko sasabog na 'yung puso ko dahil kay Caden. Ti-nry kong alisin 'yung mga pictures niya sa wall ko, pero binalik ko din after five minutes.


Napailing ako saka ipinukpok ang ulo gamit 'yung libro na hawak ni Astrid. Nababaliw na talaga ako.

"Sky, hindi tatalab 'yan. Sa pader mo iuntog mas effective"

At minsan talaga walang dulot ang mga kaibigan kong palagi nalang akong inaasar at binibiro. Hay, but despite all that, nitong nagdaang araw. Sinubukan kong hindi isipin si Caden kahit isang araw lang. Tuwing makakasalubong ko siya sa hallway, tinatrato ko nalang siyang hangin kagaya ng pagtrato niya sakin.

Napagod na rin akong kakapupok ng libro sa ulo ko, inihiga ko nalang ito sa table. I was starting to feel sleepy. Nakakaantok mag-isip.

At akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla dumating si Esme na tumatakbo papunta samin.
Tumigil siya at naghabol ng hininga.

"Anyare sayo, teh?" Tanong ni Astrid sakanya. Napatingin siya samin.

"Teka lang, hinihingal ako"

"Sino ba kasing nagsabing tumakbo ka? Pwede namang maglakad nalang" Singit ni Aki.


"Bwisit 'to! Nakapaskil na 'yung mga achievers. Nandoon 'yung pangalan ni Sky!"

Kaagad nanlaki ang mga mata naming tatlo. Napatingin ako sa kanya, lumapit siya sakin saka ako niyakap.


"If you don't believe me, tara sa bulletin!" Aniya sabay hila sakin.

"Bilis! Ambabagal naman!"

Tumatakbo kaming apat papababa ng hagdanan. Muntik pa kong madapa dahil hinihila parin ako nitong si Esme habang nasa likod namin sila Aki.

Chaotic ArrangementWhere stories live. Discover now