8th Desire: LET'S HAVE FUN

960 12 7
                                    

thank you for fanning, i'm so happy, i hope you like this. :)

VOTE. FAN & COMMENT

i totally appreciate it! sobra, sasabog puso ko sa kasiyahan pagnakakakita ako sa newsfeed na may nagvote, nagcomment at lalo na ang nagFan. i will dedicate every chapter here kung sino man willing na magFan. :)Thanks.

8th Desire: LET’S HAVE FUN

Hmmmm~ bakit masarap gumising ng may nakayakap? Lalo na kapag malamig…

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, ang bright ng early morning, foggy pa ang paligid, but it was a fine sight to see. I inhaled deeply, at ang sweet and masculine scent so familiar, intoxicating. I can’t imagine a man can actually smell this nice. Teka…? bakit ko katabi to?

Nakayakap sya sa akin habang half of my body ay nakadapa sa kanya tapos nakakumot kaming dalawa. The feeling is very nice, di ko mapaliwanag kung bakit. Ang constant ng tibok ng puso nya, napaka-peaceful. Tumingala ako para Makita ko sya. Oopss… nagising ko ata sya. Umibo kasi sya tapos tumungo and smiled at me. hindi ko mapigilan na hindi din mapangiti sa kanya.

“Good morning Sunshine.” He smiled with his breath taking crooked smile at me.

“Morning.” Sagot ko. It seems nakatulog na ako kagabi habang kinakantahan nya ako ditto sa bubong.

Dahan dahan na kaming bumaba ng bubong at nagpunta sa kusina, siguro nagtataka na sila kung saan na kami nagpunta. Waffles, bacons, eggs, toast at fresh milk… fresh na fresh talaga yan, as in galling sa baka.

“Kanina pa kayo hinahanap ng dad, saan ba kayong dalawa nagsuot?” tanong ni ate Sara na busy sa pagluluto. Nagkatitigan na lang kami ni Dylan at nagkangitian.

“Buti naman at nagpakita na kayong dalawa, mamaya magsisimula na ang parade. Sama kayo.” Bati ni Kuya Lindon, tapos humalik kay Sara. Eeeehhkk!! Sa unahan pa namin.

Tinabig ni Dylan ng siko nya ang tagiliran ko, “Want some too?” tapos tumawa sya. Umarte ako ng parang nasusuka.

--- --- ---

Sumakay kami sa truck na amoy baka, at sumama sa parade, bonggahan talaga ang parade ngaun ditto, may street dancing tapos may mga tall mascout pa, ung may mahabang legs… tapos malakas na tugtugan ng marching band. Si Dylan nman busy na busy sa pagkuha ng mga litrato habang ako, nagsasaboy ng candy.

Nang makarating kami sa isang malawak na field na pagmamay-ari ng Reed, gumawa lang ng malawak na trapal para maging bubong, naggather kaming lahat ditto, may pa-U shape na table magkakaharapan ang mga tao. This means, Budol Fight. Katabi ko si Dylan at parang nacoconfuse pa sa gagawin.

“Maalam ka ba magkamay?” laking mayaman kasi to kaya hindi nya siguro alam kung paano to. Sino ba naman ang taga syudad na kumakain by hands.

“I’ll try.” Parang di pa sya sure sa sinagot nya.

“START!” un na ang hudyat na kainan na. Adobo at lechon ang ulam, habang ako sarap na sarap sa pagkain, sya naman hindi magkanda ugaga sa pagkain kasi nalalaglag ang mga kanin na nadadampot nya. haha. Nakakatawa ang itsura.

“Kawawa ka naman, eto o.” sabi ko tapos iniabot sa kanya ang pagkain sa kamay ko. “Aaaah.” Sabay buka ng bibig ko. At ginaya nya naman at isinubo ko sa kanya ang pagkain, sabay kagat sa daliri ko, “Aray!” tumawa sya at natawa na din ako. Tinuruan ko sya kung paano kumain gamit ang kamay. At sinusubuan na din nya ako.

“Uuuuuyyy… ang sweet nila oh!” sigaw ng binata ko ng pamangkin. Tapos pinipicturan kami gamit ang cam ni Dylan. “Smile naman kayo dyan.” Sabi nya, nagpose na lang kaming dalawa habang may pagkain sa kamay.

Hidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon