3rd Desire: DEAL

1.1K 15 5
                                    

To my lil sis so seexy lady @BlacknWhiteAssassin.

THANK YOU EVERYONE FOR READING.

3rd Desire: DEAL

It’s CRAZY!!! ABSURD!!! IMPOSSIBLE!!! Me? Bring a man as a date? I don’t want to disappoint madam, parang sya na ang tumayong mom ko all these years na nagtrabaho ako under her.

There is no time left para maghanap ng ka-date. May isa pa akong problema, wala pa akong isusuot sa Saturday na un. and it’s already Thursday. Buti na lang walang pasok sa work bukas, busy kasi ang mga tao sa pagpprepare para sa party na un, last minute preparation ng team nila. Syempre di ako kasali, I hate organizing a party, aksaya energy ko lang un.

Kakauwi ko lang ngaun from work, and as expected wala si Dylan, tuwing gabi kasi wala sya at busy busyhan sa gig ng banda nya. hindi nga kami naguusap nun, nakikita ko lang un tuwing umaga pagkagising ko nandun na sya sa kitchen umiinum ng kape.

Sa pagod ko, di na ako nagatubiling magbihis at umupo na lang ako sa sofa at sinimulan maghanap ng magandang palabas. Habang kumakain ng chinesse noodles take out ko. I ended up watching Red Riding Hood… crush ko kasi si Amanda Seyfried, sexy much nya nakakapaglaway… hahah!

--------  ---------

Nagising ako sa maliwanag na araw. Teka…? nasa kama ako?? Anong oras ako humiga ditto? Hindi ko namalayan na humiga ako sa kama.

Pero ang tanda ko nasa sofa ako. Pagbangon ko nakadamit pa din ako ng suot ko kahapon. Baka sa sobrang pagod sa trabaho di ko na alam na naglalakad na ako papunta sa kama. Lumabas na ako ng kwarto at odd as it is lagi na lang nauuna si Dylan na magising sa akin. Ano kaya meron to? late na umuwi pero sobrang aga gumising. Di natutulog?

Pero bakit gwapo pa din sya? Teka… LESLIE DID YOU JUST SAID, GWAPO?! Takte!!! Am I out of my mind? Napailing na naman ako. Grabe nagagawa ng stress napapa-hallucinate ako bigla sa mga bagay bagay. As usual nakaupo na sya sa dining table at nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. Halos hindi kami nagpapansinan, buong week di kami nagsasalita sa isa’t-isa. Well, I’m ignoring him, obvious ba, may natitira padin akong grudge dahil sa kanya kung bakit muntik ng mabahiran ang aking perfect attendance.

Nagprito ako ng itlog at some bacon at nagtoast na din ng bread, ngaun lang ako makakakain ng decent breakfast sa bahay na to. nang makatapos ako umupo nako sa harapan nya sa table at sinimulan ng kumain.

“Alam mo ang bigat mo kagabi. Di ko akalain dami pala tinatagong taba yang binti mo.” at nginitian ako ng nakakaloko habang minamassage ang kanyang braso, that made me drop my fork, at napanganga sa sinabi nya.

Binuhat nya ako hanggang sa kama ko? Pagkatapos ng tulala mode ko, namalayan ko na ubos na ang bacon na pinirito ko.

“HOY! Ang bacon ko. Bakit mo kinain?! Magluto ka ng sa iyo.” Sigaw ko sa kanya nakakairita, agang aga. “Atska sino ba may sabi sayo na buhatin mo ako. Ha?!”

“Manunuod ako ng TV at kinuha mo na ang lahat ng space sa sofa.” Depensa nya.

“Okay sige yang bacon na yan ang kabayaran ko.” Ayoko tumanaw ng kahit anong tanawin galling sa arroganteng katulad nya.

“Aba! Anong tingin mo sa akin cheap papayag na un lang tatlong bacon ang kabayaran? Wala pa un sa 1/1000 ng bigat mo.”

“E ano gusto mong patunayan ha?!” nakakainis anong gusto nyang mangyari.

“Ipagluto mo ako ng breakfast every morning.” And he evil grin at me. eeeer… this is driving me nuts!!!

“Aba! Nakakalamang ka ata dyan! Edi araw araw din akong nalate sa trabaho ko?”

Hidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon