Chapter 1

606 132 53
                                    

Nakasilip ako sa bintana sa paborito kong puwesto dito sa bahay, hanggang sa pumasok si mama "Ashley, 'nak?, ready ka na ba? We will leave any minute now, kinakausap lang ng Papa mo ang magiging caretaker nitong bahay natin. " ani ni Mama.

Ngayon ang araw ng aming pag alis sa lugar na kinalakihan ko, maya maya lamang ay lilisanin na namin ang siyudad nang Manila  at pupunta na sa probinsya ng aking mga magulang ang Poblacion Miranda. Dalawang oras lamang at makakarating na din kami roon.

"Opo naihanda ko na kani kanina lamang," hindi ko maitago ang lungkot sa aking boses. Paano ba naman dito ako lumaki, hindi naman ako sanay sa probinsya. Ni hindi ko pa nga nakikita ang probinsya na tinutukoy ng aking mga magulang e. Isa pa naandito ang aking mga kaibigan, madami akong kaibigan dito at lahat sila babae, ewan ko, ayaw ko lang sa mga lalaki.

"Then come on now, follow me." then she turned her back on me.

Kinuha ko na ang aking shoulder bag at cellphone bago sinundan si Mama. Simple lang ang sinuot ko ngayon isang simpleng dress lang na bagay lang sa hubog ng aking katawan na binili ko sa Mall nung isang lingo, tinernuhan ko lang ito ng rubber shoes. Bagay lang sa akin ang kulay dahil sa kulay kayumanggi ko na namana ko sa aking papa.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ay tumunog na ang aking cellphone at nakita ang pangalan ng bestfriend kong si Amber.

"Hello? We're about to leave." Pinilit kong hindi ipahalata ang pait sa boses ko ngunit kahit anong gawin ko ay sadyang mahihimigan ang hindi kaligayahan dito.

"Oh my gee! Aalis ka na talaga? Why naman kase kahapon mo lang sa amin sinabi? nakakapagtampo ka talaga!" hindi ko mapigilan ang luhang nag babadyang tumakas sa gilid ng aking mga mata. "By the way, Ash, please always contact me, huh? sabi mo tatapusin mo lang ang Senior High School mo don at babalik ka na dito, right?"

Hindi ko nga din alam sa aking mga magulang kung bakit nila naisip na doon pa ako mag senior high ay hamak naman talagang mas maganda dito sa siyudad. Malay ko ba kung maalam ang mga tao doon gumamit ng cellphone o kaya naman ay laptop, malay ko  ba kung may tv ang mga iyon doon. Ganon naman talaga sa mga teleserye diba?

"Oo naman," tuluyan ng tumulo ang mga luha ko "hahanap ako ng signal doon, ano ka ba? Tsaka sabi naman ni mama may signal don." sabi ko habang pinipigilan ko ang pagbakas ng pait sa boses ko.

"I will miss you! big time!" aniya na sa palagay ko'y naiiyak na din.

"I will miss you too! Bye na kanina pa akong hinihintay nina Mama, bye I love you!" aniko dahil kanina pa din akong tinatawag ni Mama "See you soon!" kasabay non ang luha na tumakas sa aking mga mata. Muli kong sinilip ang aking kinalakihang bahay at humingang malalim bago tuluyang tinalikuran ito.

Pag pasok ko sa aming sasakyan agad nagsalita si Papa, "Bakit parang namumula ang mga mata mo, anak? Nakapagpaalam ka na ba kayna Amber at iba mo pang kaibigan?" Halata ang pag aalala sa kanyang boses, bago ako sumagot ay nilingon ko muna ang aking kapatid sa tabi ko

"Yes papa, nagkadramahan lang kami kaya ganito ang mata ko." Aniko habang inaayos ang buhok ng nakababata kong kapatid.

"Then, how does your farewell speech goes?" aniya na natatawa pa.

 "Papa naman e!" 

Sanay na kami sa ganito ewan ko. Basta alam ko sobrang close naming apat sa isa't isa. Muli kong nilingon ang bahay namin nang maramdaman ko ang pag galaw ng sinasakyan namin. I will miss this place... so much.

Pana'y ang kwentuhan namin kaya hindi nakakaboring ang naging byahe. Pana'y din naman ang tawa ng aking kapatid dito sa tabihan ko dahil sapag papatawa ni papa.

"Mga 15 minutes na lang at naroon na tayo." Anunsyo ni papa.

Pagkasabing pagkasabi niyang yon ay kinuha ko ang aking make up kit upang mag retouch. Tiningnan ko ang aking mukha gamit ang salamin. Una kong sinilip ay ang aking mata na namana ko sa aking lola, kulay hazel brown na mata at kung sinuswerte nga naman ako ay nabiyayaan din ako ng makapal na pilik mata. Sunod kong sinilip ang aking hindi katangusang ilong dahil baghagya itong namamawis. Kasunod nito ay ang aking labi na heart shape nakuha koi to sa aking lolo.

Pagtapos kong gawin ang dapat kong gawin ay tumigil na din an gaming sasakyan sa tapat ng isang bahay na sa tingin ko ay two storey house.

Sabay sabay kaming lumabas nina mama sa sasakyan, at may sumalubong sa amin na hinala ko ay trabahante "Ma'am, Sir, naandito na po pala kayo, naroon na si Seniora sa tanggapan at kanina pa kayong inaantay." Nakangiti nitong saad.

"kakadating lang Mang Kulas, mauuna na po kami, pakisunod na lang po ng mga gamit sa loob. Salamat ho." Pagkatapos sabihin ni papa iyon ay dumiretso na kami sa pinto.

Kumatok muna si papa ng tatlong beses bago nabuksan ang pintuan na agad sumalubong sa amin ang aking lola "Robert, Cassandra tuloy kayo. Kanina ko pa kayong mag-anak hinihintay. Halikayo pasok, nakahanda na ang mesa sa hapag tayo na lang ang hinihintay. Tara na at alam kong pagod kayong apat."

Malaki ang bahay at kita sa mga mwebles ng bahay na may ipagmamalaki ang may ari nito mula bubong hanggang sahig. Pag pasok namin sa hapag sumalubong sa amin ang napakadaming pagkain.

Napaka daming kwentuhan ang nangyare hanggang natapat sa akin ang pag pupulong. "Ikaw Ashley iha, may bumihag na ba ng puso mo?" ani ni lola habang nakangiti "Nako lola NBSB po ako, sadyang pag aaral muna ang inuuna ko. Nag kakaroon po ng crush pero alam naman po lahat iyon ni mama, diba Mama?" sabay tingin ko kay mama.

"Nako, Inay madaming nakwe kwento iyan sa akin na crush niya ngunit sa t'wing manliligaw na ang kanyang crush ay iniiwasan na agad!" aniya habang natatawa tawa pa. "Aba malamang napakagaganda naman sadya ng mga apo ko, natural na hahabulin siya ng mga kalalakihan." Ginantihan pa ni lola ang saad ni mama.

-

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakatitig sa kawalan, iniisip kung pano ako makiki-halubilo sa mga tao dito, lalo na't sa darating na lunes na daw ang simula ng pasukan. Pero naayos na daw nina mama ang pag e enroll ko kailangan ko na lamang mag pa picture para sa aking id bukas.

Namimiss ko na ang dati naming bahay, hindi ko pa din lubusang maisip na wala na talaga kami sa Manila at papasok ako sa eskwelahan na walang kakilala.

But I should also admit that half of me now is a bit excited why? Only because I want to take the risk, no, I love taking a risk. This situation is really challenging me. But also half of me is afraid to be rejected, of course! What if they don't accept me? What if they bully me? I have no one to hold on. Am I ready for the next days? but i have no choice.

; hi guys! This is my first story here on wattpad. So expect that some scene is not so good as you imagine and also the grammars, typos, and such. But still I hope that you will still support me all the way, spread the news! Vote and comments guys! Thank you in advance! Hope you had a good day ahead! God bless us.

Taking A Risk For YouWhere stories live. Discover now