Nabalitaan ko kay Shane na natalo ang Lightning Thunders, sobrang naging dikit daw ang laban. Plinano ko na manuod sana, gusto ko kasi sana i-surprise si Marco pero hindi ako natuloy dahil nagpatulong sa akin si lola, well atleast nagkatotoo yung dahilan ko kay Marco.
Monday came and Ethan cheerfully greeted me. Mukha syang nanalo sa lotto. Kaya naisip ko na biniro lang ako ni Shane na natalo ang team.
"Idle! May kwento ako!!!" bungad ni Ethan. Umagang umaga at punong puno siya ng energy. Full charge na naman ang loko.
"Ansaya ah, parang hindi natalo." Pambasag ko sa energy nya. Pero mali ako, dahil mas natuwa pa ang loko.
"Oo, natalo nga kami, tapos," saad nya bago pumikit at tumingala.
"tapos?" kyuryoso kong tanong.
"tapos sinagot na ako ni Shane!" dugtong niya bago tumingin sa akin at nag tatalon.
Natigilan ako sa sinabi ni Ethan. Nakakapanghina. Bakit ganon? Sana hindi ko na lang siya ginusto. Sana mas pinili ko na lang layuan sya. May mas sasakit pa ba dito?
"Sobrang madaming thank you idle, kung hindi dahil sayo hindi ako maglalakas ng loob tapatin siya." Saad niya bago ako niyakap.
Unti unti namuo ang tubig sa aking mga mata. Ang hirap pigilan ng mga luhang nagbabadyang kumawala anumang oras galing sa aking mga mata.
Bago pa pumatak ang luha na kanina ko pang pinipigilan, kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Ethan.
"Bakit ka naiiyak idle?" panguusisa ni Ethan. Bakit nga ba?
"Ano ka ba? ito ang tinatawag na tears of joy. Di mo knows?" I lied. Ayaw kong sirain ang moment nya.
"sayang nga lang at hindi ka nanuod kahapon." Bakas ang lungkot sa boses niya. Ano gagawin ko don? Paparusahan ko ang sarili ko? wag na din.
"may ginawa nga kase ako." Pagdadahilan ko, pero tunay naman na may ginawa ako ah! Napalingon ako sa pintuan dahil nakita ko ang aking kaibigan, si Shane. "Oy! Congrats Shane!" bungad ko. napalingon naman sa gawi ni Shane si Ethan.
"Sinabi ko na kay idle, hindi ko matiis e." depensa agad niya. So balak pa sana nilang ilihim sa akin?
"Ako nga kasi dapat ang mag sasabi." asik ni Shane, nag pout pa habang papalapit sa gawi namin.
Ganito na naman ang mag hapon ko, at baka lumala pa para sa mga susunod na araw. Sana kayanin ko. no kakayanin ko ito! Ako pa ba?
Our Morning class ended, and it's our lunch time now. Ethan decided to eat with us, with Neons Head also he will bring Marco with him. Nahihiya akong harapin si Marco. Baka kasi nagtatampo sa akin. Nakokonsensya din kasi ako sa ginagawa ko.
Nasa kainan na kami ngayon nila Bryan. Nakaupo kami sa aming pwesto magkatabi si Marco, Ethan, Shane, at Lilibeth. Tapos katapat ako ni Marco, si Roi katapat si Ethan, sa tabi ni Roi nakaupo si Rosian at si Bryan sa dulo ng aming side.
Mukha namang hindi na naiilang sa amin si Ethan, hindi gaya ni Marco na tahimik sa harap ko. Hindi pa kami nag uusap panay sulyapan lang ang ginagawa naming. Nahihiya akong mag initiate ng aming konbersasyon dahil nga nung kahapon.
Sina Shane at Ethan naman hindi pa inaamin sa grupo na sila na, siguro ay mamaya pa nila sasabihin pagtapos naming kumain.
At ang ibang kasamahan naman namin maingay, hindi na talaga sila naubusan ng kwento. Hindi pa din nila alam yung sa amin ni Marco. Hindi ko din naman kase alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanila. Ano sasabihin ko ba na isinet up kami ni Ethan? Ang sama naman tingnan kapag ganon.
YOU ARE READING
Taking A Risk For You
Teen FictionHeart is the greatest enemy of our brain. It's hard to choose between the two. There are strangers who just met to make their lesson in life, and there are not. Some people stay, and some are not. Hi! Please support this story, this story is my firs...