Today was very tiring day, luckily we are able to present properly our research. Also, we're done presenting our market research. Bukas pachill chill na lang, ayaw ko na sana umattend ng klase bukas kaso kelangan daw para sa attendance. Sayang naman ang perfect attendance ko.
Tulugan na ngayon dito sa bahay, gabi na din kasi e. Hindi pa lang ako makatulog, plano ko kase magpalate bukas kaya mag pupuyat ako. Bababa muna ako sa kitchen para makakuha ng ice cream, kakainin ko habang nag m-movie marathon.
"Roberto! Sino yung babaeng buntis na kumausap sa akin kanina? Angela ang pangalan." Napakinggan ko ang galit na boses ni mama sa labas ng kanilang pintuan. "B-bakit...ang sinasabi sa akin ikaw ang a-ama?" kasabay ng paghagulhol ni mama ang pag iyak ko.
No, hindi totoo ito. Please papa sabihin mong hindi totoo. P-please. Patuloy ang pag iyak ko sa labas ng pinto. Pigil pigil ang luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata. Please papa. Alam kong hindi mo magagawa ang bagay na iyan.
"Cassandra, maniwala ka. Hindi ko sinasadya. P-patawad." Ani ni papa halata sa boses niya na naiiyak na din siya.
Hindi ko mapaliwanag ang emosyon na nararamdaman ko ngayong gabi, hindi ko kayang tanggapin ang impormasyong nakalap ko. pakisabi naman kung nananaginip ako, gisingin nyo ako sa bangu-ngot na ito.
Sana wag lumabas si Lilien sa kaniyang kwarto. Alam kong lubos siyang masasaktan. Hindi niya kakayanin ang bagay na ito. Sa aming dalawa siya ang mas higit na malapit kay papa.
"Putanginang sorry yan Roberto!" gusto kong umalis na sa kinatatayuan ko. "Tanginang hindi sinasadya yan!" patuloy pa ni mama. "Sana nag isip ka muna bago ka gumawa ng ganiyang bagay. Kulang pa ba kami ng mga anak mo? Kulang pa ba ako?..."
hindi ko na kayang pakinggan ang mga susunod pang sasabihin ni mama. Dali dali akong pumunta sa kwarto ko. maingat na isinara ang pinto, dahang dahang umupo sa likod at doon ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko.
bakit? Papa bakit?
Patuloy ang pag agos ng mga luha sa aking mga mata. Ang sakit, ang sakit, sakit.
Sabi ko kukuha ako ng ice cream e, bakit iba ata ang nakuha ko?
Napaka unfair ng mundo para sa akin! Bakit ako? Bakit laging ako? Tangina.
-
Hindi ko na namalayan ang oras. Nagising ako sa eksaktong pwesto kung saan ako umiyak kagabi, hinihiling na sana, sana panaginip lang ang nangyare kagabi. Pakiramdam ko pagod ako, kulang lang siguro sa tulog. Babawi na lang ako mamaya sa room.
Dali dali akong nag ayos para pumasok, sakto lang ang gising ko. naayon sa plano, saktong pagdating ko sa school late na ako.
Matapos kong ayusin ang sarili ay dali dali na akong bumaba para i-tsek kung panaginip nga lang baa ng nangyare kagabi. Sana panaginip na nga lang.
Pag baba ko sa aming sala nakita ko si mama sa hardin namin, nag didilig. Mali nilulunod na nya ang halaman, kagaya niya na lunod na din sa malalim niyang pag iisip. Masasabi kong hindi siya okay. Alam ko, kilala ko ang mama ko. Napunta naman ang aking mga mata sa aming hapag, nakita ko si papa na naka tulala sa kalayuan habang hawak ang tasa ng kape.
Tangina, totoo nga. Gusto kong kausapin si mama, pero pinili kong huwag na lamang. Hahayaan ko muna siyang mag isip-isip. Peace of mind, yan ang kailangan niya.
Hindi na ako nag abalang mag paalam sa kanila, dumiretso na ako sa labas kung saan nag aabang si Mang Kulas.
"Good morning Ashley, late ka nang bata ka. Alas diyes na." Bungad ng matanda. Wala akong gana sa lahat ngayon, pero nahihiya naman ako kung hindi ko papansinin si Mang kulas kaya nginitian ko na lamang siya.
YOU ARE READING
Taking A Risk For You
Teen FictionHeart is the greatest enemy of our brain. It's hard to choose between the two. There are strangers who just met to make their lesson in life, and there are not. Some people stay, and some are not. Hi! Please support this story, this story is my firs...