Prologue

180 25 25
                                    

From a well arranged party, the celebrant has arrived. He is wearing a black suit and sharing that sweet yet manly smile for everyone.

"🎶Happy birthday to you~
Happy birthday to you~
Happy birthday~
Happy birthday ~
Happy Birthday Maximus~🎶"

Sabay sabay na kanta ng mga malalapit na kaibigan at pamilya na sumalubong sa kaniya. Nakangiting kinamayan niya at pinasalamatan ang mga taong nandoon para maging mas espesyal ang kaarawan niya.

"Happy birthday, Son." His mom greeted him.

Niyakap naman niya ang ginang at hinalikan sa pisngi. "Thank you Mom."

Madaming pagkain ang nakahain para sa mga bisita ng binata.

"May we call on the celebrant here on the center stage." His cousin announced.

Hinila pa ng mga pinsang lalaki ang binata para mapapayag na pumunta sa gitna. Sapilitan siyang dinala sa gitna ng mga pinsan at pinaupo sa isang stool na nakalaan para sa kaniya.

Pulang pula naman ang mukha ng binata dahil sa kagagawan ng mga pinsan niya.

"Seriously guys? Hindi ako babae na magdedebut para sa ganito." Reklamo niya ng makaupo siya sa stool.

Nagtawanan naman ang mga bisita niya pero mas maririnig ang halakhak ng mga pinsan niyang sinto sinto na parang kinulang sa buwan bago ipanganak.

"It is for you to be spoiled now" nakakalokong sigaw ng pinsan niya hindi kalayuan sa pwesto niya.

Napailing na lang siya dahil wala na siyang magagawa sa mga trip ng mga pinsan niyang nag organize ng party para sa kaniya.

Isa isang tinawag ng pinsan niyang si Marjorie Smith ang mga kaibigan na nagbigay ng regalo at mensahe para sa kaniya. At hindi maiiwasan ang mga kakaibang throwback.

"Couz, 30 ka na. Wala ka pa bang plano na magsettle down?" Nakangising tanong sa kaniya ng pinsang si Blanche Enriquez. Napailing na lang siya sa tanong nito.

"Gusto na din namin magkaroon ng pamangkin sayo." Dagdag na hirit nito na siyang tinawanan na lamang niya.

Trisha smirked at him, "But, we are hoping for you to live longer and to find the woman for you. Happy birthday couz." Matapos nitong sabihin iyon ay nilapitan siya nito at mahigpit na niyakap.

"Thank you" He thanked as he tapped his cousin's back.

Nagdiretso pa ang buong program. Natapos lamang ito ng mag a-alas onse na ng gabi. Pero imbes na pauwiin siya ng mga pinsan niya, dinala siya ng mga ito sa top floor.

"Ano bang gagawin natin dito?" Puno ng kyuryosidad na tanong niya sa mga pinsan niyang nasa likuran niya.

Tinulak naman siya ni Eunice Smith, kakambal ni Marjorie. "Nasa loob ng pent house ang regalo namin para sayo." Nanunudyong saad nito sa binata.

Puno ng pagtatanong ang mukha ng binata nang lingunin niya ang mga pinsan. Pero ngiting aso lang ang naging tugon ng mga ito.

"Just go and have fun Kuya." Nakangiting ani Trisha.

Napailing na lang ang binata bago pinihit ang segudura ng pinto ng pent house na pag mamay - ari ng pinsan niyang si Trisha.

Kinakabahan siya sa katotohanan na baka kalokohan lang ang tinutukoy ng mga pinsan niya. Napakunot noo siya ng hindi kalayuan mula sa pwesto niya ay may isang pigura ng hindi niya kilalang babae. Nakatalikod ito sa pwesto niya kaya naman hindi niya ito mamukhaan.

A Week with Mr. Matchmaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon