Day 06

72 19 63
                                    

Renze's POINT OF VIEW

"Ate, nandito na yung make artists mo." Marjorie knocked on my bathroom's door.

I chuckle, "I'll come out with a minute." Saad ko at umahon na sa bath tub.

Nandito kami ngayon sa bahay ng parents ni Maximus. Dito na nila ako pinauwi pagkatapos ng dinner namin samantalang si Max naman ay pinauwi nila sa condo nito. Ayaw pa nga nitong pumayag nong sinabi iyon ni Mommy Maxine pero nong pinasakay na nila ako sasakyan ay nawalan na ako ng pagkakataon na magpaalam ng ayos kay Max.

Nagbanlaw lang ako at nagsuot ng robe bago lumabas ng bathroom. And my lips parted when I saw that everything is prepared and organized. Nandito na ang wedding gown ko and it is so fabulous. The bouquet is perfectly arranged with different colors of tulips and they are all fresh. The jewelries were given by Mommy Maxine from the known brand Tiffany and Co.

"Hi mother!" Nakangiting bati saken nong bakla.

"Hi" I smiled at them.

"I am Brianna and she is Franzine" pakilala nito sa akin habang iginigiya ako sa harap ng naka set up nang make up stand.

Nginitian lang naman ako ni Franzine. They started putting some make up on my face. And seconds later the door open, Eunice came in with two ladies behind her.

"Hi Ate, How do you feel?" She grinned bago inayos ang pagkakatali ng suot niyang robe.

I chuckle, "A little bit nervous but excited at the same time." I answered with a sigh.

"Oh Don't be." She smiled at me. "By the way, this is Dana and Chelsea. They will be the one fixing your hair."

"Good morning, Ma'am." They said in unison.

How adorable they are. Nginitian ko lang naman sila.

"So, titingnan ko lang yung ibang mga guest and I'll come back to you in an hour." Paalam ni Eunice bago lumabas ng tuluyan sa kwarto ko. Well not really my room because it's Maximus property.

Ang bilis ng kabog ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko, basta ang alam ko lang ay sobra sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko dahil sa wakas ay nakita ko na ang taong makakasama ko habang buhay.

Pagkalipas ng halos 45 minutes ay pumasok sa kwarto si Mommy Maxine. She is teary eyed and at that moment, I just wish that my Mama is also here with me. Pero hindi pa kasi siya nagigising pagkatapos ng operasyon na isinagawa ni Max.

"Mommy" bati ko sa kaniya nang makita kong nakasuot pa ito ng robe pero may make up na at naka ayos na din ang buhok niya.

She looks so young and elegant.

Binigyan kami ng privacy ng mga make up artists pati na din nong hair stylist. Bahagya silang lumayo para asikasuhin ang iba pang gagamitin ko.

"I am so happy to the both of you." She raptly said as she stared me through the mirror.

Nakayuko siya habang naka likod ko at pinagmamasdan ako sa salamin. Hindi ko maiwasan na mapangiti, sobrang takot ang nararamdaman ko noon dahil inaasahan kong hindi nila ako matatanggap. Pero taliwas ang lahat ng nangyari. Everything turned into a beautiful unexpected story.

"Ang pag aasawa ay hindi lang isang bagay na ginawa dahil sa labis na pagmamahal. May kabalikat itong responsibilidad at mga obligasyon na hindi natin mahihindian bilang mga babae, asawa and sooner or later ay bilang isang ina." Pangaral nito sa akin.

Inabot nito ang kwintas na nasa black box bago iyon madahang isinuto sa akin. "In our family, the mother must be the one who'll put the necklace to the bride. It represent honouring of the lady being part of the family. And also, this symbolizes the long lasting commitment to the bride." Mommy explained as she finally put the necklace on my neck.

A Week with Mr. Matchmaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon