Renze's POINT OF VIEW
"Ate, dinalhan ka namin ng pagkain." Saad ni Eunice nong maupo siya sa tabi ko.
Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Mama. Sina Mommy Maxine ang nag aasikaso kay Maximus. Hindi ko kaya, at ayaw kong makita siyang nakalagay na sa ganon. Ayaw kong tanggapin na hindi na mauulit o madadagdagan ang mga alaala ko kasama siya.
Umiling ako, "I am not hungry" maikli kong sagot dito.
"But Ate---"
"Leave me alone. Please?" I cut her off.
Narinig ko pa ang pag buntong hininga niya bago naglakad papalayo sa akin matapos iwanan ang paper bag sa tabi ko. Binalingan ko lang iyon ng tingin pero hindi ko binuksan. Nanatili lang akong nakatingin sa kawalan at hindi ko naramdaman ang pag agos ng luha ko.
Nag angat ako ng tingin sa taong pinunasan ang luha ko, umaasang si Max iyon pero nabigo ako. It is Dr. Jin who wiped my tears away while sighing to himself.
"Hindi niya magugustuhan na umiiyak ka ng dahil sa kaniya." Pangaral nito sa akin at naupo sa tabi ko.
Nasapo ko na lang ang noo ko at doon ako napahikbi, "Ayaw niya akong makitang umiiyak pero bakit iniwan niya agad ako? Bakit ang bilis?"
He tapped my back as if he is trying to calm me down but I just can't. Masyadong malaki ang nakabara sa dibdib ko at hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko dahil ang hirap tanggapin ng mga nangyari.
"Renze, you need to be tough." Mahinang saad nito sa akin pero parang wala akong naririnig.
"It is easy to say because you are not my position. How can I be tough if in a snap everything turns into a tragedy?" Mapait kong tanong sa kaniya.
Hindi na naman siya kumibo o nagsalita pa dahil sa sinabi ko. Marahil ay wala din siyang makuhang sagot sa tanong ko.
Umayos ako ng upo, nakapag palit na ako kanina ng dress para mas maging komportable ako. Hindi na ako umuwi sa bahay nina Mommy o kahit sa apartment man lang, dito na lang ako nagbihis para hindi ko na kailangan lumayo. Natatakot ako na baka kapag umalis ako ay may mawala na naman sa akin.
"I wanted to know what happened to him but I don't have the courage to ask." Malamig na saad ko habang nakatingin sa sahig kung saan kitang kita ko ang repleksyon ng mga taong dumadaan.
Jin held my hand, "Take the time you need. If Max is here---"
"Eh wala na nga siya eh!!" Sigaw ko sa kaniya ng hindi ko na makontrol ang sarili ko at hindi na siya pinatapos sa mga sasabihin niya. Hindi naman siya natinag sa pagkakasigaw ko hanggang sa maramdaman ko na lang na niyakap niya ako ng mahigpit.
"Don't tell me that if he's here because he's not. Wala na. Iniwan na niya ako." Umiiyak kong saad habang nakasubsob sa dibdib niya. "I-Iniwan na niya a-ako. Wala n-na." I sobbed hardly.
Hindi ko alam kung gano katagal akong umiiyak kay Jin pero hindi kailan man nagkaroon ng kapayapaan ang loob ko. After some minutes, lumayo na ako at umupo ng ayos. Just in time when Kuya Rence walked towards my direction.
He kneel to the ground para maging magkalevel ang tangkad naming dalawa. He cupped my face and stared into my eyes.
"You have to eat, baby sis. Wag mong pahirapan ang sarili mo ng ganito." Malungkot niyang saad.
Inalalayan niya akong tumayo at sinenyasan sina Trisha na kakain ako. I remained in silence when we are riding the elevator that will lead us on the top floor. Nandoon ang opisina ni Daddy kaya naman may access kaming magpunta doon.
BINABASA MO ANG
A Week with Mr. Matchmaker [COMPLETED]
General FictionIn the world that full of harsh and cruelty. Is it possible to meet someone who make you feel love and treasure for long time? Mahirap hanapin ang pag ibig na totoo. Madaming panahon na masasaktan ka at susuko. Pero ganon talaga siguro mapaglaro ang...