"Bulacan? Ang layo naman ng pag sho-shooting-an nyo" maktol nitong si Zai.
"Love ang oa ah? Hindi naman sa ibang bansa ang shooting jan lang sa tawid probinsya. Hahahaa" natatawa kong saad sa kanya na nakatuon lang ang tingin sa pagkain.
"Parang kahapon lang tayo nag dinner magkasama sa condo ko tapos next week pupunta kana sa malayong lugar. Nakaka home sick" saad ulit nito sa malungkot na tono.
Pinipigil ko na hindi matawa sa huling sinabi niya. 'homesick?' pffftt- ofw ka gorl?
"Love, five days lang naman kami doon sa Bulacan. Mag cha-chat na ako sa'yo every free time ko. Promise!" pagpapagaan ko sa kanyang loob habang naka taas ang isa kong kamay na parang sumusumpa.
"Face time? Video call?" dagdag nito
"Si--ge" alanganin kong sagot "pero kapag gabi lang or madaling araw. Hahanap ako don ng hindi mataong lugar para makapag face time tayo. Ok na?"
"Pictures" dagdag pa nito
Ang demanding naman nito.
"Ok po! chat, face time, pictures" pag re-recite ko sa mga napag kasunduan namin. "Wala na bang dagdag?" tanong ko
"Meron pa" sagot nito habang ngumunguya ng pagkain
"Ano na naman po?" tanong ko
"Next week, before you leave" sagot nito
Tumango na lang ako at inubos na ang pagkain ko. Nasa decent restaurant kami at naka pang disguise. Kasama namin si Jelai pero nasa kabilang table siya para bigyan kami ng privacy.
"Are you done?" tanong ni Zai.
Tumango ako at magpupunas na sana ng tissue sa labi ko pero inunahan niya na ako magpunas sa labi.
"Thank you, love" nakangiti kong wika. Ngumiti rin siya.
Mine-ssage ko naman na si Jelai para lumapit samin. At pagkabasa niya ng message ko ay lumapit naman na siya sa tabi ko.
"Ok na po?" tanong nito
"Yah" maikling sagot ko
Tinaas naman na ni Jelai ang kamay niya para sa bill. Lumapit din agad ang waiter tsaka ibinigay ang bill. Umalis din yun dahil tinawag siya.
"Sino po magbabayad? Hehe" nahihiyang tanong ni Jelai
Hindi naman sumagot si Zai pero kinuha niya ang bill at naglagay ng pera doon tsaka ibinalik niya kay Jelai. Aalis naman na sana kami ni Zai pero lumapit agad yung waiter. Kaya napaupo ako sa tabi ni Zai.
"Eto na po yung bayad" rinig kong wika ni Jelai habang kami ni Zai ay nakatingin lang sa mesa.
"May problema po ba sa kanila?" rinig kong tanong nung waiter at alam ko ring kami yung tinutukoy
"Ah sila? Wala. Walang problema yang dalwa na yan" sagot ni Jelai
"Bakit po sila nakatingin sa--"
"Gutom pa kasi sila. Ay ano ba naman yan kuya. Wag ka na ngang mangeelam ng may buhay. Buhay nila yan, lilibre ko na lang sila mamaya. Kasi naman yung pasta nyo dito kemahal mahal eh, isang ikot lang nun sa tindor ubos na. Hayst"
"Ahhm. Ok po m'am. Thank you for eating here in our restaurant"
Nang maka alis naman yung waiter. Hindi ko na mapigilan yung tawa ko at ganon din si Zai. Tumatawa tuloy kami ngayon.
"Jelai gutom ka pa ba? I can order you a pasta again" sincere na sabi ni Zai at pigil na pinipigil ang tawa.
"Sir naman!"
"Jelai, i can order you,too. Tell me all you want" saad ko.
"Bahala nga kayo jang mag jowa! Wala naman na akong role dito. Lagi naman akong third wheel. Sige na aalis na po ako. Kayo na po bahala jan Sir Zai"
Hindi pa kami nakaka sagot dahil tumatawa pa rin kami ay umalis na si Jelai.
"Your p.a. is funny rin pala ha" natutuwang wika nito nang makarating na kami sa kotse niya.
"Yah. I can't believe na sasabihin niya yun sa waiter" saad ko
Nag kwentuhan lang kami ni Zai hanggang sa makarating na ako sa tapat ng condo ko.
"Hayst. Andito na pala tayo" malungkot na saad ni Zai
"Hey! Why sad? Eh uuwi naman talaga ako. Anong gusto mo?" natatawa kong tanong
"Uwi ka sa condo ko" straight forward na sagot nito
Nagulat naman ako sa binitawan niyang salita.
"Sige!" sagot ko. Nanlaki naman ang dalawa niyang mata. "Syempre joke lang hahaaha"
Sinamaan niya naman ako ng tingin
"Jan ka magaling eh puro ka biro, di ka marunong mag seryoso" saad nito
"Ay wow, humuhugot! Haha. Pero kahit palabiro ako, sa'yo lang naman ako nagseryoso" banat ko sabay kindat. Hindi naman siya nagsalita.
"Ay, hindi ka ba kinilig? Anduga kapag ikaw bumabanat kinikilig ako. Tss"
nadidismayang saad ko. Tumingin naman siya sa akin."Pakiligin mo nga ako, laging ako yung nagpapakilig eh" saad nito
"Okay" sagot ko at bigla siyang hinalikan sa pisngi.
"Kinilig kana ba?" tanong ko,
Nakangiti naman na siya at tumango tango.
"Ok sige. Pwede na rin" saad nito
"Tssk. Bye na nga. Umuwi ka na rin, baka ma traffic kapa" bumaba naman na ako sa kotse niya ganon din siya.
Walang katao tao dahil gabi na rin. Kaya may naisipan akong gawin.
"Love, may dumi ka sa mukha mo" wika ko tsaka lumapit sa kanya.
"Really? Where?" takang tanong nito habang pinupunasan ang mukha niya ng panyo. "Wala na ba?" tanong ulit nito
"Ako na nga" kinuha ko naman yung panyo niya "Ang tangkad mo--" hindi ko naman na natuloy yung sasabihin ko dahil binaba niya na yung mukha niya kaya naman magka level na kami ng mukha at mas lalo kong naamoy ang manly scent niya. Ambango!
"Alisin mo na, nakakangalay love" saad nito at nakapikit
"Okay" maikling sagot ko.
Hoo! Kinakabahan naman ako, pero sige kaya mo yan Dani!!! Saglit kong hinalikan ang labi niya. Tsaka ako lumayo sa kanya.
"Kinilig kaba ha?" sigaw ko sakanya "Sige uwi ka na kapag kinilig ka. Haha, bye bye. Ingat" saad ko at tumakbo na papuntang condo.
Nang nasa loob na ako ng condo. Napahawak na lang ako sa may bandang puso ko. Ang bilis ng tibok, parang gusto nang lumabas sa dibdib ko yung puso ko. Grabe! I can't believe na kiniss ko sa lips si Zai. Napahawak ako sa labi ko kung san ko hinalikan si Zai. Tumunog naman ang phone ko at tiningnan kung sino ang nag message.
From: Love
You stole me a kiss! I'll take revenge!
"Okay"
I replied.
Pero bat parang mali? Parang sinabi ko na gusto kong maulit yung kiss. Ahhhhh!!
I take a warm bath and laid down on my bed. I took my phone to message him if nakauwi na siya pero may message na siya.
From: Love
I'm home, love. See you tomorrow and get ready for my revenge. 'okay' though. Tsk. I love you.
♡
YOU ARE READING
Private Relationship
Romance[FINISHED] The private love story between an artist, Dani Fuentabilla to a model, Zai Lim.