13

442 9 0
                                    

Mahimbing na akong nakatulog ng naramdaman ko ang paglapag ng aking katawan sa kama ko. Hindi ko na nagawang idilat yung mata ko.

"Drink this" basa ko sa nakasulat sa papel na nakadikit sa baso na may katabing gamot? Bat gamot? May sakit ba ako?

Napatigil naman ako nang tumunog ang phone.

Jelai calling...

"Yes?"

[Ay ayun gising na po kayo. Good morning po ma'm. Ok na po ba kayo? Inumin niyo po yung gamot, binili po yan ni...] napatigil naman siya sa pagsasalita.

"Ni?"

[Ni.. a-ko ma'm syempre. Haha. Ay mam remind ko lang po kayo sa shooting niyo for today po. Punta po ako jan maya maya]

"Okay. Bye"

I ended the call. And do my morning routines. After that Jelai came to my condo.

"Next time you could type my passcode. No need to doorbell" saad ko habang nagpho-phone.

"Uhm okay po ma'm" wika nito habang may inaayos sa loob ng bag.

"Yung script ko ba may copy ka?" tanong ko. Na misplaced ko ata.

"Meron ma'm. Sandali lang" kinuha niya naman sa kanyang totebag. At nang nakuha niya na ang script ay ibinigay niya na ito sa akin.

"Ilang years na 'yang totebag mo, Jelai ah? Wala ka bang balak na ipagpahinga 'yan?" yung totebag niya kasi kupas na yung kulay.

"Matibay pa naman ma'm" sambit nito habang marahang hinahampas hampas ito. Tumango na lang ako.

Nasa loob na kami ng kotse papunta sa shooting area, it is a movie kaya hindi ganon ka hirap unlike teleserye. Ginugol ko lang sa pagkakabisa ng mga linya ang oras ko hanggang sa huminto na ang sasakyan.

"Hi ma'm Dani" pagbati ng mga taong nakakasalubong ko.

Umupo naman na ako sa shooting chair ko at pinagpatuloy na ang pagkakabisa. Nang dumating si direk kasama ang isang babae. I think she's a model base sa height niya and she looks familliar? I don't know if nakita ko na siya or baka sa magazines na nababasa ko. I stood up.

"Dani, this is Heather Dela Paz" pagpapakilala ni direk.

I offer my hand. "I'm Danica Nickaila Fuentabilla, you can call me Dani" she accept my hand and smiled. She's pretty gorg.

"She's a model of BY, too. Nagkita na ba kayo?" tanong ni direk.

I shrugged. "I'm a new model of BY and i think i saw you on some magazines i read pero hindi pa tayo nakakapag usap" sambit ko. She's a model of BY so he also knew Zairon. And she is the girl in Zai' condo last night. I remember.

Great.

"Ohw. I heard that news also. Welcome to BY. I'm looking forward to do an photoshoot with you" she smiled.

"Thanks, me too," tanging nasambit ko at ngumiti.

"Well, Heather will..."

pinaliwanag ni direk yung cameo role niya. Most of her scenes is with me. We talked some few stuffs in life until someone call her in phone. She stood up and give me an excuse smile. I just nod and smile bitterly when she mention a name.

"What is it, Zairon?"

Ah. Sila siguro. May papunta punta sa condo eh tas may patawag tawag pa. In a private relationship kaya? I release a deep sigh.

"Well, what should i care huh?" napa paypay naman ako sa sarili kong kamay.

"Ma'm?" dumating naman si Jelai may dalang pagkain. "Nagkakabisa po kayo?"

Private RelationshipWhere stories live. Discover now